"Darana, I've read your work." Napahinto ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa mesa nang marinig ko si Prof. Venitez, Albert Guwim. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko habang nakatingin ako sa kanya. Hawak-hawak niya ang manila folder kung saan naroon ang aking final output. Ang article na pinaghirapan ko ng ilang linggo. "Invisible Workers of the Night. The Working Students of Veelian City." Nakangiti siya habang binibigkas iyon. "H-h-ho, Prof?" Nauutal kong sagot. Kabado pa rin. Huminga siya nang malalim saka ngumiti nang maluwag. "You did great, Ms. Etrata. I can see the effort, the interviews, and the sincerity in your writing. Hindi lang siya basta article. Ramdam ko yung puso mo dito." Parang may malaking bato na gumulong mula sa dibdib ko. Napangiti ako nang malawak. Halos

