Caleum's POV Ang daming tao ngayon sa condo ni Nikki. Maingay ang paligid. Puro tawanan, kwentuhan, at may halong tunog ng bass na galing sa malakas na speaker. Sa wakas ay natuloy na rin ang condo party na ilang linggo na niyang inaaya sa amin. Ako, si Yves, at si Kai ay halos sabay-sabay dumating kanina. Pagpasok pa lang namin sa loob, naamoy ko agad ang kombinasyon ng mahal na pabango at alcohol. May nakalagay na table sa gilid. Puno ng iba't-ibang drinks at snacks. Nakahanda rin ang isang maliit na bar na may mga baso at shaker. Typical Nikki na laging bongga. Laging all out. "Finally!" Sigaw ni Nikki nang makita niya ako. Suot niya yung fitted na satin dress na parang para talagang pang-event. Hindi pang-house party lang. Lumapit siya sa akin at sabay kurot sa braso ko. "Grabe ka,

