Caleum's POV Mabilis ang t***k ng puso ko habang nagda-drive pauwi. Kanina pa ako kabado. Hindi dahil may nagawa akong mali kundi dahil sa plano kong ipakilala si Darana kina Mom at Dad. Alam kong hindi magiging madali ito. Kilala ko ang pamilya ko. Mataas ang pamantayan nila pagdating sa mga taong pinapapasok sa buhay ko. Pero mahalaga si Darana sa akin at gusto kong makilala nila siya nang personal. Pagdating ko sa bahay. Sinalubong ako ni Mom sa sala suot ang paborito niyang peach dress habang nagbabasa ng magazine. Nandoon din si Dad hawak ang tablet niya at abala sa pagbabasa ng mga financial reports. "Hi, Mom. Hi, Dad." Ngumiti ako. Pilit na inaayos ang boses ko para hindi halata ang kaba. Bumaling si Mom. Itinaas ang isang kilay. "Anak, bakit parang kabado ka? May problema ba?"

