Darana's POV "Darana, tara na." Tawag ni Ate Mica mula sa sala habang inaayos ang shopping list namin para sa grocery. "Opo, Ate." Sagot ko habang isinasara ang laptop na ginagamit ko para sa articles ko sa Journalism 303. Naka-headband ako at naka-white oversized shirt lang paired with denim shorts. Simple lang pero comfortable para sa buong araw na mall trip. Pagbaba ko sa sala. Hawak na ni Ate Mica ang eco bags. "Ayusin mo na yung list. Make sure wala tayong makakalimutan, ha." "Opo, Ate." Sagot ko ulit. At binasa ang nakasulat. "Bigas, canned goods, gatas, snacks, at shampoo. Kumpleto na po tayo sa list." Itinago ko na yung maliit na pepel sa bag ko. "Good." Sabi niya habang nag-aayos ng bag. "Magmadali na tayo para hindi tayo gabihin." Nauna siyang lumabas ng apartment. Pagkarat

