Caleum's POV Maaga pa lang pero sobrang ingay na ng Dito Verde Club. Napuno na naman ang lugar ng malalakas na tugtog at nagsasayaw na mga tao sa gitna ng dance floor. Nasa private table ako sa may second floor. Overlooking the entire crowd. Hawak ko ang baso ng tubig. Oo tubig lang dahil after ng nangyari noong condo party ni Nikki. Hindi muna ako nag-aalcohol. Sinadya kong dumiretso dito pagkatapos ng mahabang araw sa internship. Pagkapasok ko pa lang bumungad agad sa akin ang mga neon lights at ang bass ng music na parang umaalingawngaw sa dibdib ko. Medyo nakaka-relieve din. Parang nakakaalis ng stress. Habang nag-s-scroll ako sa phone ko. Biglang may humawak sa braso ko. Pagtingala ko. Si Nikki. "Caleum!" Masayang bati niya sabay upo sa tabi ko. "Akala ko hindi ka makakarating. Ak

