Darana's POV "Darana, pakikuha nga ng bagong stock ng vanilla syrup sa storage." Utos ni Ate Jeni habang abala sa pag-ayos ng mga bagong dating na kape beans sa shelf. "Opo, Ate Jeni." Mabilis kong sagot. Agad na tinungo ang maliit na storage room sa likod ng Gama Cafe. Amoy pa lang ng bagong bukas na beans ay nakakagising na ng diwa. Kahit pagod ako sa mga nakaraang araw. Masaya ako sa trabaho ko rito. Habang binubuksan ko ang kahon, napalingon ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng cafe. Nakita ko si Kuya Ronnie na ngumingiti. Sinasalubong ang isang pamilyar na mukha. "Uy, JC!" Sigaw niya sabay kaway. "Tagal kitang hindi nakita a!" Ngumiti siya. Napakunot ang noo ko at lumabas ng storage habang buhat-buhat ang syrup. At ayun nga. Si JC. Ang matagal ko nang kaibigan mula pa noong

