Caleum’s POV Pagkatapos ng ilang araw ng puro internship, research, at mga school works, naisipan kong mag-relax muna. Kaya naisip ko na magandang mag-hangout naman kahit sandali. At ang unang pumasok sa isip ko? Si Darana. Nag-chat ako sa kanya sa Messenger. Ako: Free ka ba ngayon? Sama ka sa Dito Verde Club. Darana: Dito Verde Club? Yung sa may Central Avenue? Anong gagawin natin doon? Ako: “Mag-chill lang. Kape, konting usap. Wala masyadong tao ngayon. Darana: Sige, after ng shift ko. Pupunta ako. Ngumiti ako nang mabasa ko iyon. Hindi ko alam pero lately parang gusto ko na talagang mas makilala si Darana. Hindi lang dahil lagi ko siyang nakikita sa school at sa work niya pero may kung anong kakaiba sa kanya. Parang gusto kong unti-unti siyang basahin, kilalanin, at maintindihan.

