Darana's POV Confirmation. Yun lang ang na-click ko matapos kong makita ang friend request ni Nikki sa f*******:. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan nang slight. Pero siguro kasi kakaiba yung feeling na bigla siyang mag-add sa akin. Hindi naman kami close, hindi pa nga kami masyadong magkakilala, pero after ng pag-uusap namin sa mini park noong nakaraan. Parang may kung anong aura siya na hindi ko maipaliwanag. Ilang minuto lang ang lumipas. Biglang nag-pop up ang messenger notification sa phone ko. Nikki: Hi, Darana! Thank you for confirming me. Free ka ba ngayon? Punta ka sa bahay, pleaseee! Napakunot noo ako at napa-buntong hininga. "Hala, ano na naman ito?" Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa chat. Medyo nagdalawang-isip pa ako kung magre-reply ba ako kaagad o hindi.

