Caleum's POV Sobrang init ng pakiramdam ko. Namumula na yung mukha ko pati katawan ko. Parang niluluto sa loob. Hindi naman ako sanay uminom pero nung isang araw sa condo party ni Nikki. Napasubo lang ako sa alak dahil hindi ko na rin matanggihan yung kakulitan nila Yves at Kai. "Bro, konti lang naman iyan." Sabi ni Kai sabay abot ng shot glass sa akin. "Kahit isang tagay lang hindi ka namin tatantanan." Nakangisi pang aniya. At ayun bumigay ako. Ngayon tuloy habang nakaupo ako sa sofa halos umiikot na ang paligid ko. Pumikit ako sandali. Sinusubukang i-stabilize ang sarili ko pero wala nangingintab yung mata ko sa sobrang hilo. Nandito ngayon sa condo ko si Nikki, Yves, at Kai. Napansin ni Nikki na medyo nakatungo na ako. Lumapit siya hawak ang isang baso ng tubig. "Hoy, Caleum." An

