bc

Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
friends to lovers
arrogant
heir/heiress
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Si Nalah ay isang dedicated government census enumerator. Ngunit sa gabi naman, siya ay isang pagod na third-year psychology student na nagsisikap para sa kanyang kinabukasan. Ang kanyang maayos at planadong buhay ay nagulo nang dahil sa isang mansyon sa dulo ng kanyang nasasakupang barangay. Sa loob ng ilang araw, paulit-ulit siyang bumabalik dito para kumuha ng demographic data ng isang misteryosong head of the family na isang digital artist na si Hakeem, pero lagi lang siyang pinapaalis ng isang caretaker dahil wala raw ang amo niya. Sa sobrang inis at pagod, nagbitiw si Nalah ng isang padalos-dalos na banta—ang markahan ang mansyon bilang "demolished” na narinig naman ng binata na nasa kaniya palang likuran.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sementadong daan na may kasamang matatarik na paakyat ang agahan ni Nalah nitong mga nakaraang linggo, isang kalbaryong parang walang katapusan sa ilalim ng nagbabagang sikat ng araw ng Marso. Suot ang kanyang asul vest na medyo maluwag sa kanyang maliit na pangangatawan, may bitbit na identification card na nakasabit sa kanyang leeg, at hawak ang clipboard at tablet, pinahid niya ang pawis sa kanyang noo gamit ang likod ng kanyang palad. “Sunog na naman ako nito!” reklamo niya. Third-year psychology student siya sa gabi sa isang unibersidad sa lungsod, pero sa umaga, isa siyang tapat, medyo pagod, at unti-unti nang nauubusan ng pasensyang enumerator ng isang census. Ang kanyang araw-araw na routine ay binubuo ng paglalakad, pagsubaybay sa mga mapa, at pakikipag-usap sa iba't ibang uri ng tao—mula sa mga tsismosang kapitbahay hanggang sa mga galit na aso. Pero walang naghahanda sa kanya sa hamon ng nakatagong mansyon sa dulo ng Sector 4. "Day Seven," bulong niya sa sarili habang nakatayo sa tapat ng naglalakihang bakal na gate ng isang sementadong mansion sa dulo ng subdivision. Ang mansyong ito ay kakaiba sa mga karatig-bahay; napapaligiran ito ng matataas na pader na may mga baging ng gumamela, at ang architecture nito ay modern minimalist na parang sumisigaw ng karangyaan ngunit kasabay nito ay nagpapakita ng matinding privacy. "Seryoso, kung hindi lang pangarap ang makatapos at kailangan ng pang-tuition, sumuko na ako sa bahay na 'to. Pitong araw na akong pabalik-balik, mukhang mas madali pang intindihin ang teorya ni Freud kaysa sa schedule ng nakatira dito." Pinindot niya ang doorbell sa tabi ng intercom. Pang-pitong beses na ngayong linggo na ginagawa niya ang eksaktong galaw na ito, sa eksaktong oras na alas 9 ng umaga. Ilang sandali pa, narinig niya ang kaluskos ng mga tsinelas sa sementadong driveway. Lumabas ang matandang caretaker na si Aling Maria, bitbit ang nakasanayang nitong tipid na ngiti at hawak ang isang walis tambo na tila ginagamit nitong pananggalang sa bawat pagbisita ng mga taga-gobyerno. "Naku, ikaw na naman, Ma'am Nalah," ani Aling Maria habang binubuksan ang maliit na pinto sa malaking bakal na gate, ngunit hindi ito tuluyang lumalabas, sapat lang para makita ang kanyang mukha. "Pasensya ka na talaga, ha? Gaya ng sabi ko sa'yo nung Lunes, Martes, Miyerkules... at lalo na kahapon... hindi ko talaga alam ang buong detalye ng may-ari rito. Caretaker lang ako, neng. Bihira lang 'yun umuwi nitong mga nakaraang araw galing sa mga lakad niya, laging nasa kwarto o kaya naman ay may pinupuntahang kliyente sa Maynila. Minsan nga, parang multo sa loob ng sariling bahay." Napasapo si Nalah sa kanyang noo, pilit na pinapanatili ang professional at malumanay na tono ng boses kahit na ang totoo ay gusto na niyang magwala sa inis. "Aling Maria, nauunawaan ko po ang sitwasyon ninyo. Pero kailangan ko po kasi talaga ng accurate demographic data para sa system. Pangalan, edad, birthdate, civil status, trabaho, pati po 'yung educational attainment ng household head. Censu po ito, national project po. Bawal po ang blanko, bawal ang hula-hula, at lalong bawal ang 'not available' kapag alam namang may nakatira. Mapapagalitan po ako ng Team Leader ko, baka ma-hold pa ang allowance ko para sa buwang ito." "Eh, iyon nga ang problema, neng. Hindi ko naman pwedeng hulaan ang edad nun. Basta ang alam ko, bata pa siya, guwapo, pero napakasungit," bulong ni Aling Maria, lumingon pa ito sa likod patungo sa malaking pinto ng mansyon na parang natatakot na may makarinig sa kanyang mga sinasabi. "Ayaw na ayaw nun ng may nang-iistorbo sa kanya kapag oras ng trabaho o tulog niya. At tsaka, hindi naman nagpapakita sa akin 'yun maliban na lang kung may ipapabili o may ipapalinis." "Wala po ba siyang contact number na pwedeng tawagan ng office namin? O baka naman po pwedeng iwanan ko na lang itong printed questionnaire at tracking form tapos papirmahan ko na lang sa kanya kapag nagpakita siya? Babalikan ko na lang po mamayang gabi bago ako pumasok sa klase ko," pagmamakaawa ni Nalah, itinaas pa ang tablet para ipakita ang interface ng application na kailangan niyang punan. "Naku, mahigpit ang bilin sa akin, bawal magbigay ng kahit anong papel o magpapasok ng kahit sino nang wala ang pahintulot niya," iling ng matanda, dahan-dahang isinasara ang pinto ng gate. "Balik ka na lang ulit bukas, neng. Baka sakaling magtagpo ang mga planeta ninyo at magising siya nang maaga." Sumikip ang dibdib ni Nalah sa tindi ng inis habang dahan-dahang sumasara ang pinto sa kanyang harapan. Pitong araw. "Jusko lord maawain!" tanging nasabi niya. Pitong mahabang araw siyang pabalik-balik sa iisang mansyon para sa isang household head na parang multo o baka naman ay nagpapanggap lang na wala para iwasan ang responsibilidad sa lipunan. Kailangan niyang ma-encode ang area na ito bago matapos ang linggo para sa breakdown ng quota ng kanilang team. Pagod na pagod na ang mga binti niya, sumasakit na ang kanyang mga talampakan sa manipis na swelas ng kanyang sapatos, at higit sa lahat, may mahirap pa siyang quiz sa Abnormal Psychology mamayang alas-sais ng gabi. Humarap siya pabalik sa kalsada, humakbang palayo nang ilang metro mula sa gate, at sa tindi ng pagkadismaya ay hindi na niya napigilang magdabog sa tuyong lupa. Tiningnan niya ang dambuhalang bahay na parang isang kastilyong walang pakialam sa labas ng mundo. "Ano ba namang klaseng tao 'yan? Napaka-importante ba ng buhay niya para magtago sa lungga araw-araw?" mabilis at pabulong niyang reklamo sa hangin, ang kanyang mukha ay pulang-pula na sa pinaghalong galit at init ng araw. "Markahan ko kaya ng demolished 'tong bahay nya para tapos na ang pagpapabalik-balik ko sa bahay na to? Total, mukha namang walang pakialam ang may-ari kung maglaho 'tong mansyon niya sa mapa." Walang anu-ano’y isang baritono, mababa, at napakalamig na boses ang biglang umalingawngaw mula sa kanyang likuran, pumutol sa kanyang pag-iinarte. "You wouldn't dare, miss." Muntik nang mabitawan ni Nalah ang hawak niyang tablet. Mabilis siyang lumingon, ang kanyang puso ay halos lumundag palabas sa kanyang dibdib sa tindi ng gulat. Nakatayo ito sa gilid ng gate na parang doon lang ito nanggaling habang tahimik na lumabas sa maliit na pinto ang isang lalaki. He was tall, easily standing at six feet, making Nalah feel incredibly small beneath his shadow. He had sharp, unreadable dark eyes framed by thick lashes, and a messy but effortlessly stylish ash-brown hair that looked like he just ran his fingers through it. He was wearing an oversized black hoodie that swallowed his frame, and grey sweatpants. Mukha itong bagong gising, may kaunting antok pa sa mga mata, pero ang talas at lamig ng tingin nito ay sapat na para matuyo ang lalamunan ni Nalah sa isang saglit. "Po?" nauutal na tanong ni Nalah, biglang nakaramdam ng matinding hiyang gumapang mula sa kanyang leeg paakyat sa kanyang mga pisngi. Ang tapang niya kanina ay biglang naglaho na parang bula. "I said, you wouldn't dare mark my house as demolished," ulit ng lalaki. Humakbang ito papalapit sa kaniya, dahan-dahan, ngunit bawat hakbang ay parang nagpapabigat sa presensya sa pagitan nilang dalawa. "Falsification of public documents is a serious crime, isn't it? Especially for someone wearing a government-issued vest and carrying a PSA identification card." "Narinig niyo po 'yun?" bulong niya habang ang isip niya halos gusto na lang niyang lamunin ng lupa sa sandaling iyon. "I have excellent ears, miss. And you were practically shouting your frustration to my fence," matabang nitong sagot at bahagyang ikiniling ang ulo habang nakapamulsa sa kanyang hoodie. Tiningnan nito ang ID na nakasabit sa dibdib ng dalaga, pinag-aralan ang bawat detalye nito bago lumipat ang tingin sa kanyang mukha. "Nalah. A third-year psychology student, based on that distinctive school keychain attached to your bag. Do you always threaten your respondents with data erasure when they're too busy to face you?" "Hindi po!" mabilis at medyo pasigaw na depensa ni Nalah, pilit na itinayo ang kanyang natitirang dignidad bilang isang seryosong enumerator. "Sumosobra na po kasi, Sir. Day seven ko na po itong pabalik-balik dito sa tapat ng bahay ninyo. Ang sabi po ni Aling Maria hindi kayo pumapasok o hindi kayo umuuwi, o kaya naman ay bawal kayong istorbohin. Kailangan ko lang naman po ng limang minuto kung mabilis kayong sumagot para sa dito. Census po ito ng gobyerno, hindi po ito biro. Obligasyon niyo po bilang mamamayan na sumagot para sa pag-unlad ng komunidad natin." Tumaas ang isang kilay ng lalaki, isang reaksyong halatang may kasamang sarkasmo. Lumapit pa ito nang isang hakbang, sapat na para maamoy ni Nalah ang kakaibang bango nitong amoy mint at mamahaling sabon, na may kaunting halo ng amoy ng bagong timplang kape. "Obligasyon? I pay my taxes on time, miss. Every single cent of it. And more than that, I value my privacy," malamig nitong saad, walang bakas ng paghingi ng paumanhin sa kanyang boses. "I am Hakeem. Twenty-eight years old. Single. I work as a digital artist for international clients. I work on US time zones, which means I am usually asleep or deeply focused when you are aggressively pounding on my gate at nine in the morning." Napatitig si Nalah dito nang ilang segundo. Hakeem? Sino ang nagpapangalan ng ganoon sa anak nila? Parang pangalan ng motor o kaya naman ay karakter sa isang anime or mobile games. Pero mabilis niyang inalog ang kanyang utak para bumalik sa realidad at mabilis na nag-type sa kanyang tablet bago pa ito magbago ng isip at pumasok muli sa loob. "Hakeem... ano pong apelyido, Sir?" tanong niya habang mabilis na gumagalaw ang kanyang mga daliri sa virtual keyboard. "Takahashi," maikli nitong sagot. "Okay, Mr. Takahashi. Twenty-eight years old, single, digital artist. Educational attainment po?" "College graduate. Bachelor of Fine Arts, major in Digital Media." "May iba pa po bang nakatira dito sa household ninyo maliban sa inyo at kay Aling Maria? Si Aling Maria po ba ay ituturing nating stay-in employee o nakahiwalay ang household?" sunod-sunod na tanong ni Nalah, ang kanyang puso ay mabilis pa rin ang t***k dahil pa rin sa kaba ngunit ang kanyang utak ay nakatutok na sa pagtatapos ng form. "None. Just us. She has her own quarters but for the sake of your tedious form, she's stay-in. Are we done now?" Halata ang labis na inip sa boses ni Hakeem. Humalukipkip ito, ang mga mata ay nakatitig sa mukha ni Nalah na ngayon ay medyo namumula pa rin dahil sa init ng araw at sa kahihiyan ng kanilang unang pagtatagpo. "Yung pinagmumulan po ng tubig niyo rito? Saka ang uri ng pamamahala ng basura—" "Everything is standard for a high-end subdivision. Premium utility services," pagputol nito sa kanya, halatang ayaw nang isa-isahin pa ang mga detalye ng kanyang banyo at kusina. "Give me that tablet." "Hala, bawal po ipahawak sa respondent ang—" Hindi na nahintay ni Hakeem ang permit o ang mga protocol ng PSA. Mabilis nitong kinuha ang tablet mula sa kamay ni Nalah. Sa bilis ng pangyayari, sandaling nagkadikit ang kanilang mga daliri—ang malamig at makinis na kamay ng isang digital artist laban sa medyo mainit at pawisang kamay ng isang pagod na working student. Nakaramdam si Nalah ng isang kakaibang kuryente, isang pamilyar pero pilit niyang itinagong sensasyon na nagpatayo ng balahibo sa kanyang braso. Mabilis na nag-tap si Hakeem sa screen, pinindot ang mga angkop na checkbox para sa mga utilities ng bahay na parang sanay na sanay sa mga digital interface at touchscreen application. Pagkatapos ng eksaktong isang minuto ng mabilisang pagpindot, ibinalik niya ang tablet kay Nalah, hawak ang dulo nito upang maiwasan ang muling pagdikit ng kanilang mga balat. "There. Every utility question is answered. Save it. And please, remove this household from your daily itinerary. You're loud, and honestly, you are quite disruptive to my workflow." Tinalikuran na siya nito bago pa man siya makapagsalita o makapagpasalamat para sa biglaang kooperasyon. Letche ang sungit! Nagmamadali? "Sandali, Sir! Kailangan ko po ng pirma niyo rito sa physical tracking form para sa validation!" habol ni Nalah, at humakbang-hakbang na sumunod sa direksyon ng gate. Hindi lumingon si Hakeem, tanging ang kanang kamay lang nito ang itinaas habang naglalakad pabalik sa loob ng malilim na bakuran ng mansyon. "Aling Maria will sign whatever paper you have. Leave." Naiwan si Nalah na nakatayo sa ilalim ng matalim na sikat ng araw, nakanga-nga habang pinapanood ang dahan-dahang pagsasara ng malaking bakal na pinto. Napatingin siya sa tablet niya. Ligtas na ang data. Kumpleto na ang information para sa Block 3, Lot 12. Pero ang kanyang dibdib, sa hindi malamang dahilan, ay hindi pa rin kumakalma ang mabilis nitong t***k. "Napakasungit na lalaki," pabulong niyang giit habang isinasabit muli ang tablet sa kanyang gilid, bagamat may kung anong kaba at kakaibang atraksyon ang naiwan sa kanyang sistema. "Akala mo kung sinong guwapo. Guwapo nga, pero parang may yelo ang buong katawan. Huwag lang talaga tayong magtatagpo ulit, Mr. Takahashi at baka makapukpok ako ng gwapo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
768.7K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.9M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
994.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
368.6K
bc

Not just, the Beta

read
353.3K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook