Chelsea MATAPOS kong makuha ang number ni ate Candice ay agad ko siyang tinawagan. Pumayag siya sa sinabi kong magkita kami. I promised to her na wala akong kasamang pulis o ni isa sa mga kaibigan ko. At ngayon nasa harapan ko na siya. Nagpapasalamat ako at tumupad rin siya sa pangakong wala ang mga tauhan niya sa paligid. Nasa isang liblib na lugar ang kinalalagyan niya kaya hindi talaga siya mahahanap ng kung sino man. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. “Why do you hate me and ate Camila? Wala akong nagawang kasalanan sa iyo para magalit ka sa akin. Hindi kita nakasama ng matagal kaya palaisipan sa akin kung bakit galit na galit ka. Is this because of an inheritance from grandma? Ang babaw naman yata iyong dahilan para patayin mo ako - kami ni ate Camila. Kung iyon naman a

