Nikolas ISANG malakas na suntok ang pinakawalan ko at nagpatumba kay Larius nang magkita kami sa opisina ko. “How dare you pretend you are going to help us find Candice? But you are the one hiding her!” Galit na sabi ko. Pinunasan ni Larius ang kanyang labi na may bahid ng dugo at saka tumayo. “I am so sorry kung itinago ko si Candice. She promised me na wala siyang gagawin laban sa pamilya niya. She was crying and scared. Sino naman ako para hindi maawa. I still love her, Nikolas. Hindi mo ako masisisi kung kaya kong lunukin ang pride ko para lang sa kanya. H-Hindi ko pa kayang mawala siya sa buhay ko.” Marahas akong bumuga ng hangin. Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Larius. “Alam mo ba ang sinasabi mo, Larius? She is using you para hindi siya ang pag-isipan ng masama. At na

