Chelsea “KUMALMA ka nga Chelsea. Diyos ko! Kanina pa kami nahihilo sa iyo.” Reklamo ng kaibigan kong si Emilio. Sinugod namin sa ospital si Nikolas. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko nang makita kong duguan si Nikolas at walang malay tao. Sobrang takot ko sa mga oras na iyon. “Chelsea, umupo ka muna. Hintayin na lang natin ang doktor na lumabas sa operating room.” Utos na sabi naman ni ate Camila. Sinunod ko ang kanyang utos. Umupo ako ngunit hindi pa rin ako mapanatag. Ang mga kamay ko ay nanginginig dahil sa takot. Pilit kong inaalis sa isipan ko na iiwan ako ni Nikolas. Hindi ako handa at mas lalong hindi ko kaya. Hinawakan ni ate Camila ang mga kamay kong nanlalamig at nanginginig. “Calm down, everything’s going to be okay.” Napatitig naman ako sa ate ko saka ako tumango. Hum

