Nikolas HINDI ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang nangyari kahapon. Hindi man niya sadya na sabihin ang I miss you too pero ramdam kong totoo iyon. Napaiiling ako habang hindi maalis sa akin ang ngiti sa mga labi ko. Sa ganoon ako naabutan ni Larius. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Umupo siya sa silya na nasa harapan ng table ko. “Why are you smiling? You look like a fool,” natatawang biro ni Larius. “Masama bang ngumiti? Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Where did you go?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “Kung saan maraming babae na puwedeng maka-one night stand.” Sabi niya saka ngumisi. Napairap naman ako sa sagot niya sa tanong ko. “I don’t believe you. Kilala kita, Larius, hindi ka mahilig sa babae kahit nga yata maghubad sa harapan mo hindi mo kayan

