Chelsea AFTER akong maihatid ni Nikolas ay hindi na niya ako kinausap pa. It’s been three weeks na mula noon. Ayos lang naman sa akin kung nag-uusap pa rin kami bilang magkaibigan na lang pero hindi naman dapat ganito-iniiwasan niya ako. We are preparing a party. Anniversary ng Juarez group of company. Kaya kami ni ate Camila ay busy sa pag-aayos ng mga kakailanganin sa party at ang mga taong invited. Marami ang invited na mga kilala sa lipunan. “Hindi pa ba kayo nagkakausap ni Nikolas?” tanong ni ate Camila. Umupo siya sa tabi ko at mataman niya akong tinitigan habang hinihintay ang sagot ko sa kanyang tanong. “It’s been three weeks magmula nang huli kaming nagkita, after that we never crossed our path. Kapag may meeting sa company palaging representative niya ang uma-attend. He ha

