Nikolas’s POV HINDI rin namin naabutan ang mag-ama doon sa abandonadong warehouse at puro tauhan lang ang naroon. Para makasiguro sa kalagayan ng sugat ni Chelsea sa dibdib ay pina-confine ko siya sa hospital. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang narito sa tabi ko si Chelsea na ligtas. Ang akala ko ay mawawala na siya. Nag-request ako ng pulis na magbabantay kay Chelsea habang hindi pa nahuhuli ang mga salarin. Nakatulog na si Chelsea dala marahil sa gamot na ipinainom sa kanya kanina ng doktor. She still needs to confine here for a week. Her wound in the chest is still not healed. Dahil kao-opera lang noong time na dinukot siya. Tumayo ako nang makita kong pumasok si Larius. ”What is the news? Nahuli na ba ang impostorang Chelsea?” tanong ko. Umiling si Larius. “Hindi

