Nikolas’s POV NAPAYAKAP si Chelsea sa akin ng sabihin kong magpapakasal na kami sa isang buwan. Nag-hire ako ng tao na mag-aasikaso niyon. Ayoko ng magpatumpik-tumpik pa. “I am so happy.” wika nito. “I am so much happy at last mapapasaakin ka na ng tuluyan at wala ng hahadlang sa atin.” sabi ko. Hinagkan ko ang kanyang noo. Napapikit pa si Chelsea. Napalingon kami nang may tumikhim. “Lovers can I excuse for a while?” sabi ni Larius. Kasama nito si Camila. Nilapitan nito ang kapatid at niyakap. “Akala ko mawawala ka na,” sabi ng kapatid. Napaiyak si Chelsea. “Akala ko rin ate,” nagpapasalamat ako at bumalik na siya sa amin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may masamang nangyari sa kanya. Kapga nagkataon sisihin ko ang sarili ko dahil wala akong nagawa upang mailigtas siya.

