Chelsea’s POV NAGKULONG ako agad sa suite ko nang matapos kaming mag-swimming nila baby Chalsea at ng mga kaibigan ko. Hindi ko kasi maiwasan mainis at magselos sa nakikita ko. Hindi ko alam kung sinasadya ng pagkakataon na mapapatingin ako sa kanilang kinaroroonan ay palaging naaktuhan kong sweet sila sa isa’t isa. Ayaw ko man ang pakiramdam na nagseselos pero hindi ko mapigilan. Naiinis na nga ako sa sarili ko dahil kahit anong saway ko sa pasaway kong puso ay patuloy pa rin sa pagtibok para kay Nikolas. Narinig ko ang mahinang katok sa labas ng pinto ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo sa kama. “Sino 'yan!” mataray na sagot ko habang nakatingin sa pinto. “Kami lang ito, Chelsea, hindi si kuya Nikolas,” narinig ko ang boses ni Diego. Nagtawanan sila. Tumayo ako mula

