Chelsea’s POV NAKATULUGAN ko na ang pagtanaw sa labas ng tinutuluyan kong silid. Isang tapik ang nagpagising sa mahimbing kong pagkakatulog. Nagmulat ako ng mga mata. Nang luminaw ang paningin ko ay nahigit ko ang paghinga ko dahil si Nikolas lang naman ang nabungaran ng mga mata ko. Halos ilang inches na lang ang layo niya sa mukha ko. Iniatras ko ang ulo ko upang medyo maglayo ang aming mga mukha. Napakapit ako sa bedsheet ko ng mahigpit. “Sleepyhead. It’s already in the morning. Good morning,” nakangiting bati ni Nikolas sa akin. Sumikdo ang puso ko nang makita ko ang ngiti niya sa kanyang mga labi. Pero binalewala ko rin agad ng maalala ko si ate Camila at ang pamangkin ko. Hindi dapat ako magpaapekto sa nararamdaman ko. Kung bibigay ako paano na ang ate Camila ko at ang pama

