Dean‘s PoV HINDI ako mapakali matapos tapusin ni Luna ang pag-uusap naming dalawa. Sigurado ako na iniiwasan niya ako. May narinig akong boses ng lalaki habang kausap ko siya. Siguro kasama pa nito ang Viper na iyon. Lihim akong naramdam ng inis kay Luna. Galit ako sa kanya pero hindi ko pa rin magawang magalit ng husto. Iniisip ko pa rin ang kalagayan niya. Samantalang siya, hindi man lang ako tinanong kung okay lang ba ako? Sa nangyari kanina para akong babangungutin kapag natulog ako. Imbes na magpahinga ay minabuti ko na lamang na hanapin si Luna. Natitiyak ko na nasa Dagupan lang ito o kaya nasa La Union. Hindi ako p’wedeng nanatili na lang dito sa bahay ko habang napapraning na ako sa pag-iisip. Inilabas ko ang aking sasakyan at pinagbuksan naman ako ng gate ni Kuya Lindo. Bum

