Luna’s PoV GINAGAMOT ni Viper ang sugat sa aking kaliwang braso. Nilalagyan nito iyon ng alcohol at saka nilagyan ng betadine bago nito tinapalan ng gasa at saka nilagyan ng tape. Napangiwi ako sa hapdi na nararamdaman ko. “Okay na. Hindi ka na maiimpeksyon niyan,” sabi sa akin nito. Umupo ito sa aking tabi at saka iniabot sa akin ang binili nitong beer kanina sa may tindahan. Nandito kami ngayon sa La Union ni Viper. Dumiretso na kami dito sa hide out ng Triple X para hintayin si Venom. “Salamat, Viper.” Uminom ako ng beer na binigay nito. “Muntik na kayo kanina ni Helium. Mabuti na lang may nagawa ring tama si Dean, akala ko papanoorin lang niya tayo kanina.” “Speaking of him… sigurado ka ba na hindi niya tayo ilalaglag?” nagdududang tanong sa akin ni Viper. Bumuga ako nang malali

