Luna’s PoV HINDI ko mapigilan na hindi umiyak dahil sa inis na nararamdaman ko, sa aking sarili at kay Dean. Hindi ko naman talaga siya gustong pakasalan. Hindi ko nga rin alam kung paano ko pa babawiin iyong sinabi ko sa mga investors na engagement party namin ni Dean. Sino ba naman ang gustong magpakasal kay Dean? Sobrang sama ng ugali nito at hindi tumatanggap ng paliwanag! “Shyra, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni Helium. Tinanguhan ko lamang ang aking kaibigan. Pinahid ko na rin ang luha sa aking mga mata. “Hindi kami sanay na ganyan ka, e. At iyang porma mo ngayon para kang a-attend sa burol ni Venom,” dagdag pa ni Viper. Bigla akong natawa sa aking mga kaibigan. “Sinabi ko naman sa inyo na tawagin na ninyo sa pangalan ko, e. Luna nga!” naiinis na ulit ko sa mga

