THIRTY-TWO... Julia's POV NAGTATAKA pa din ako ngayon kung bakit umalis sina Sam at Marco. I know they are close but Sam's actions before are weird. Tila narinig niya ata ang sinabi no'ng batang hambog na kasama nila. At tinawag pa ng batang iyon na ate si Scarlet, so ibig sabihin may posibilidad na magkapatid sila. Hay ano ba naman 'yan. " Anne! Are you okay? Kanina pa kita kinakausap?" Tanong sa'kin ni Lucas. " Huh? Ano...kasi...Iniisip ko lang si Sam. Ang tagal kasi nilang bumalik," ani ko. Kakaiba na din ang nararamdaman ko. Tila may panganib na naman akong nararamdaman sa bawat ihip ng hangin sa'kin. I was about to leave when Lucas suddenly asked me a question so I turned to him. " Busog ka na ba? Magliligpit na tayo." Tinanguan ko na lamang siya at bumuntong hininga na napa

