THIRTY-ONE... Samantha's POV " Dito 'yan Sam. Dito... okay!" Salita ni Julia sa'kin nang inayos ko nang lagay ang ulam na niluto nila Yumi at Liam kanina. We are at Lucas' house. He invited us all. It's our second day on vacation and we thought of going here because Lucas invited us. Gusto na atang ipakilala si Julia sa mga magulang niya. Nandito din sina Sophia at Scarlet pati na din si Marco at 'yung lalake na nakasalamin na nakasama ko noon sa Westwood village daw. I don't know, I just saw him right next to Sophia nong papasok sila. " Sam! Ba't ang tamlay mo ngayon? 'Di ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" Tanong sa'kin ni Yumi ng makita akong naka-upo na laglag ang balikat. " Hindi, maayos naman ang tulog ko. Napakalambot nga nong kama ninyo e." Nakangiti 'kong sagot sa kaniya.

