THIRTY... Samantha's POV NAKAUPO kami ngayon sa hapag kainan nila Yumi. Malaki ang bahay nila Yumi at masasabi ko na may kaya talaga sila. Their house consist of three floors. Sa second floor ay kung saan ang kwarto nila at sa third floor naman daw is kung saan patutuluyin ang mga guest nila. " Kain na kayo!" Ang sabi ng ina ni Yumi. Ngumiti naman kami sa tinuran ng mama ni Yumi sa'min. " Oh! Kain na, wag na mahiya. Alam ko na gutom na kayo." Ang sabi naman ng ama ni Yumi. Actually kanina pa talag ako gutom kaya naman kumilos na kaagad ako sa pagkain matapos sabihin iyon ng ama ni Yumi, gano'n din ang ginawa ni Julia na nasa tabi ko. Bumaba naman si Yumi galing sa kwarto niya ata. " Hindi niyo man lang ako hinintay? Inang naman ba't 'di niyo ako tinawag." Nagtatampong wika ni Yumi

