TWENTY-NINE... Samantha's POV MABILIS akong hinila ni Grey pabalik sa puno. Ramdam ko ang higpit nang pagkakahawak niya sa kamay ko. " Grey! Ano bang ibig mong sabihin kanina?" Tanong ko habang hila-hila niya pa din ako. " Hindi ko alam 'kong anong meron sa'yo at lapitin ka ng kadiliman. Mamaya ka na magtanong at pakiramdaman mo naman ang paligid dahil baka sumusunod pa din sila sa'yo." Paliwanag niya sa'kin. " Hindi ko rin alam e, kung bakit ako lapitin ng masasama. Wala namang unique sa'kin para kuhanin nila." Sabi ko rin. Sinunod ko din ang kaniyang sinabi na pakiramdaman ang paligid. At naramdaman ko na may nakasunod sa likuran ko na hangin. Isang kakaibang hangin na nagpakilabot sa'kin dahilan kung bakit napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Grey. Mabilis naman naming narati

