THIRTY-SEVEN Samantha's POV I was sitting on the bed sa isang bahay na hindi ko alam kung kanino. Lumilipad na naman ang isipan ko sa kung saan. Kanina pa ako nagising at nalaman ko nalang na umaga na pala ngayon. Walang tao sa loob kaya malaya akong nakapag-iisip sa mga nangyari at dinadahan-dahan ko ang mga sariwang ala-ala na nangyari kahapon lang. Si Ziphora, si Supremo, ang mga nawalan ng mahal sa buhay ng dahil sa digmaan na ako ang dahilan at ang lalake na matagal ko nang inaasam na bumalik ay nagpakita sa napaka komplikadong sitwasyon na hindi ko na kaya pang e-proseso sa aking isipan. Sa lahat-lahat ng nangyari ay si Rex lang ang hindi ko maiwala sa aking isipan. Hindi ko na rin alam kung papaano ko haharapin ang dagok na ito sa mundong ginagalawan ko ngayon. Gusto ko na lam

