TWENTY-SEVEN... Samantha's POV KAKAPASOK lang namin ngayon. Maraming tao sa loob at parang hindi ako makahinga ng maayos dahil sa pagpasok pa lang namin sa entrance kanina ay lahat ng tao ay tumigil sa kanilang mga ginagawa at lumingon sa'min. Nakisabay din kasi sa 'min sina Sophia at Scarlet sa may entrance. Hinihintay din pala kami ng dalawa. Sino ba namang hindi lilingon sa grand entrance ng mga Royals 'di ba! Well, except sa'ming tatlo ni Yumi at Julia. Di naman kami Royale. Naglakad na kami at naghanap ng mau-upuan. Ang dami kasing tao pero hindi naman masiyadong maingay. May iba na bumabati sa mga royal at may iba din naman na bumabati din sa'min. Karamihan sa kanila ay pinupuri kaming dalawa ni Julia. Bahagya pa nga akong nagulat ng may isa na tumili pa pagdaan ko. " Sam! Dito

