TWENTY-SIX...
Samantha's POV
NAGISING ako dahil may naramdaman akong tao sa aking tabi. Mabilis 'kong idinilat ang aking mga mata. Nakita ko si Grey. Pinandilatan ko siya ng mata nang makita ko kung saan papunta ang kamay niya. Nakita ko din na nagulat siya sa posisyon niya dahil bahagya ding lumaki ang kaniyang mga mata dahil sa pagkagulat.
" Anong ginagawa mo? Seriously Grey!" Sabi ko habang gulat na gulat na tinatakpan ang aking dibdiban.
Mabilis siyang tumayo at bahagyang inayos ang kaniyang damit.
" It's not what you think!" Turan niya na hindi makatingin sa'kin.
" It's not what you think?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Muntik na nga niya akong mahalay noon tapos ngayon it's not what you think lang sasabihin niya?
" Grey, may pagnanasa ka ba sa'kin?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya na bahagya niyang ikinagulat.
" What! Me? Huh! You're insane Samantha!" Sabi niya. Nahalata ko naman na hindi siya makatingin ng deritso sa akin.
" Akala mo siguro nakalimutan ko na ang ginawa mo sa'kin noon? Hoy! Pwede kitang isumbong sa nakakataas no! Sapat na yun para matanggal ka sa pagka presidente mong m******s ka! May pa p*****t- p*****t ka pang sinasabi sa akin eh ikaw naman pala 'tong m******s!" Mahaba 'kong turan sa kaniya na ikina-seryoso ng kaniyang mukha .
He then fake a cough bago ako tiningnan sa mga mata ko ng seryoso.
" If I said 'it's not what you think', it is truly not what you think! Ginawa ko lang yun sa'yo kanina it is because aayusin ko sana ang kuwentas na nasa leeg mo." Paliwanag niya.
Kaagad ko naman tiningnan ang aking leeg. Nakita ko doon ang kuwentas na nagkabuhol-buhol. Muli ko siyang tiningnan.
" And that night! T-that... I had no choice! Tanong mo nalang kay Scarlet ang dahilan, siya naman nag tulak sa'kin non eh!" Paliwanag niya.
Para siyang tanga sa mga kinikilos niya ngayon. At inaamin ko na ngayon ko lang siya nakitang ganito na hindi alam kung anong susunod na sasabihin niya.
Matapos niyang sabihin iyon ay walang pasabi siyang tumalikod sa akin at nagtungo na sa pintuan ng silid na tinutuluyan ko. Bago niya pihitin ang doorknob ng pintuan ay may sinabi siya sa'kin na hindi man lang ako nilingon at nanatili lang siyang nakatalikod.
" By the way! Maghanda ka na dahil maya-maya ay magsisimula na ang party." Tsaka niya tuluyang binuksan ang pintuan at iniwan akong nakakunot ang noo dahil sa kalituhan.
Party? Anong party ba ang pinagsasabi ng lalaki--- wait... Muntik ko nang makalimutan ang nangyari sa'kin kahapon lang. Mabilis akong tumayo at tiningnan ang kabuuan ng aking katawan sa salamin na malaki.
Titingnan ko sana kung nasunog ba 'yung buo kong katawan sa nangyari sa'kin kahapon. Pero nabigla ako nang mapukaw ang aking atensyon sa aking itsura sa salamin. Ngayon ko lang napansin na naka gown pala ako. At doon ko lang din napagtanto na nakasuot din pala si Grey kanina ng tuxedo.
Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at tinanaw ang kabuuan ng aking damit. It's a dark purple sweetheart neck tulle long dress na bumagay lang sa katawan ko na hindi masiyadong mataba.
At kung natatandaan ko pa ay nakasuot si Grey kanina ng dark purple suited tuxedo na bumagay sa makisig niyang katawan.
Nabigla din ako sa ayos ng aking buhok at mukha. Kung titingnan ko ang sarili ko sa salamin ay masasabi ko na para na din akong mayaman. Ngayon ko lang din napagtanto na maganda din pala ako. Kaya pala maraming naninira sa'kin noong nasa mundo pa ako ng mga ordinaryong tao. Bigla ko tuloy na miss si Emerald.
Kumusta na kaya siya? Hinahanap din kaya niya ako ngayon? Si lola? Okay lang kaya siya ngayon? Hayy! Mag-antay ka lang lola. Pagkatapos ng party na'to ay titiyakin ko na makakalabas ako sa mundong 'to para hanapin ka.
Naisipan ko na lang na bumalik sa kama ng mahagip ko ang tattoo sa aking dibdib. Napahinto ako. Na-ngunot ang aking noo nang makita na parang may nag-iba dito. Inborn kasi ang tattoo na ito sa aking dibdib kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa din ito maintindihan. Lumapit pa ako ng mabuti sa salamin para makita ko talaga kung ano ang nagbago. Para kasi talagang may nagbago sa paningin ko nito. Bahagya din kasing natabunan ang kalahati nito kaya naman ay ibinaba ko ng kaunti ang damit.
Tiningnan ko pa ito ng mabuti. Ngunit kaagad akong napalingon sa aking likuran ng may magsalita.
" What are you doing Samantha?"
Si Scarlet, muntik ko na siyang hindi makilala dahil sa gara ng kaniyang suot at sa ganda niyang nakakasilaw. My ghadd! Nakakabakla yung ganda niya, ano ba!
" Excuse me?" Biro ko sa kaniya.
I know what she did to me that time. That's why I'm thankful to her and to Liam dahil tinulungan nila ako. Wala eh, nasilaw ako ng galit dahil sa lalaking yun. Bigla nalang kasing kumulo ang dugo nong nakita ko siya. Nang dahil sa kaniya ay muntik na din akong makulong sa aking panaginip.
" What?" Taas kilay niyang turan.
" I said excuse me? I mean w-who are you?" Muli kong biro sa kaniya.
" Tsk! I know na maganda ako! Pero wag mo naman akong gawing tanga Samantha!" Masungit niyang sagot sa tanong ko.
Natawa naman ako ng mahina.
" Tinatawa mo diyan? Parang walang nangyaring masama ah!" Panunuya niya sa akin na ikinatikom ng bibig ko.
" Sorry..." Sagot ko sa kaniya na inirapan lamang niya. Ang hilig niya talagang mang-irap noh!
" Here!" Sabi niya tsaka inilapag ang isang box na hindi kalakihan sa kama.
" Ano yan?"
" Tingnan mo para malaman mo!" Masungit na naman niyang sagot sakin. Pero imbis na lapitan ang box ay hinarap ko siya at tinanong tungkol sa mga nangyari kahapon.
" Teka lang! Kamusta na pala yung babaeng naghihingalo na kasama namin kahapon? 'Yung mga kasamahan ko, nakabalik ba sila ng maayos? 'Yung mga nagkulong sa'min, nadakip na ba? Sinasabi ko na nga ba masama ang lalakeng 'yun ehh. May pasabi-sabi pang sinaniban!" Mahaba kong tanong sa kaniya.
Nginitian naman niya ako ng nakaka-inis na ngiti! At tsaka umirap. Luh! Nakailang irap na ba'to sa'kin?
" Ang dami mo namang tanong! Isuot mo nalang yan tapos lumabas ka na. Aantayin ka ni Yumi sa labas ng building!" Matapos niyang sabihin 'yun ay nag martsa na siya papalabas.
" Teka lang! Kahit ito nalang ang sagutin mo." pigil ko sa kaniya. Kaagad naman siyang huminto at lumingon sa akin.
" Ano!" Iritado niyang sambit.
" Why did Gr-- Mr. President did that thing on me?" Tanong ko. Sana makuha niya ang tanong ko. Ayokong bigkasin yung salitang 'yun'. Alam niyo na.
" What thing?" Kunot-noo niyang tanong ngunit nandoon pa din 'yung pagkaka-irita sa tono nito.
" The thing like..." I move my lips na bahagya ko pang inginuso para bigyan siya ng hint. Ayoko talaga sabihin eh! Nakakahiya!
" The h*ck Samantha! Ano yan?"
'The kiss!' pikit mata 'kong sabi sa kaniya sa pamamagitan ng telepathy.
" The what? Grey did what?" Hindi niya makapaniwalang tanong nang buksan ko muli ang aking mga mata.
" I-I Don't do repetition!" Mabilisan 'kong sagot sa kaniya at bahagya 'kong iniwas ang aking paningin sa kaniya. Feeling ko namumula 'yung pisngi ko sa hiya.
Natahimik siya kaya naman hindi ko mapigilang mapalingon sa kaniya. Tinitigan niya ako sa mata na may pagdududa.
" All I need is answer! Sabi niya itanong ko daw sa'yo." Paliwanag ko.
Maya-maya pa ay tumatango-tango siya na animo'y na gets na niya ang aking pinupunto.
" It's a process para maging effective kaagad ang gamot. Kailangan na pakabahin ka or palakasin ang t***k ng puso para umepekto 'yung gamot. Still I can't believe Grey chose that option!" Paliwanag niya na nakangiti pa ng bahagya. Ngayon ko lang siya nakitang nakangiti ng ganiyan sa'kin.
Ako naman ay natameme sa kaniyang ipinaliwanag. Ganoon pala 'yun? Narinig ko na binuksan na niya ang pintuan. Hindi ko siya nilingon. May sinabi pa siya pero hindi ko na ito sinagot pa. Para kasing nang-aasar eh! Tsk! Iwinaksi ko na lamang sa aking isipan ang mga sinabi niya. Tapos na yun kaya magmo-move na ako don.
Tiningnan ko na lamang ang inilagay niyang box sa may kama. Lumapit ako doon at umupo tsaka ko ito binuksan. Bahagya akong nabigla ng makita ang laman nito. Its a beautiful sandal na sa tingin ko ay babagay din sa aking damit na isinusuot ngayon. Mabilis ko itong isinuot. Tumayo ako at pumunta ng salamin at hindi nga ako nagkamali. Bumagay talaga ito na mas lalong nagpagara sa aking itsura.
Matapos 'kong gawin iyon ay nagtungo na ako sa labas ng building. Pababa palang ako ngunit ni kahit isa man lang estudyante ay wala akong nakita sa hallway ng mga dorm. Nasa dorm kasi ako eh. Di ko lang alam kung kanino 'yun, pero sa babaeng dorm naman tapos nasa 37th floor ata yun nakalimutan ko kasi.
Every floor kasi ay limang tigpa-pares lang ang nakatira. So basically every floor has a 5 rooms but two people inside the room, so mahirap isipin 'kong kaninong room 'yung tinutuluyan ko kanina.
Nang makalabas ako ng building ay napagtanto ko na gabi na pala. Huh? Akala ko umaga pa! Naglakad na ako at kaagad 'kong hinanap si Yumi. Ang sabi ni Scarlet na nandito daw siya sa may entrance, eh ba't wala akong nakikita?
May isang babae lang dito na naka navyblue ang dress pero hindi ko mamukhaan kasi iba naman yung buhok niya. Sure naman ako na hindi 'yun si Yumi. Muli ko nalang na inilibot ang aking paningin at wala talaga akong makita, 'yun lang talagang babae na naka navyblue ang suot. Kaya naman naisipan ko nalang na lapitan siya.
Maski siya ay may hinahanap din at panay din ang tingin sa akin. Nang paglapit ko sa kaniya ay siyang paglingon niya sa akin. Bahagya pa akong nabigla sa ganda niya. Magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako.
" Excuse me? May nakasabay ka ba doon na ibang estudyante pagbaba mo ng elevator?" I was shock to hear the voice.
It's Yumi!
" May hinihintay kasi---"
" Yumi? Is that you?" 'Di ko makapaniwalang tanong. Walang halong biro 'to! 'Di ko talaga siya nakilala. At mukhang hindi din niya ako namumukhaan.
" Uhmm... Yes! Hehehe. Like, h-how did you know my name?" Pilyong ngiti niya sa'kin. Mukhang hindi pa din niya ako namumukhaan ah!
" Well, its me Samantha!" Simple 'kong sagot na ikinalaki ng kaniyang mga mata. Bahagya pa siyang napatakip sa kaniyang bibig. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa ng hindi makapaniwala.
" Woah! Hindi kita nakilala ah! " Sabi niya.
" 'Di din kita nakilala.You look fabulous!" Sagot ko naman sa kaniya. Bahagya naman siyang tumawa.
" Ikaw din! Tara na hinihintay na nila tayo." Kaagad niya akong hinila.
Habang naglalakad kami ay nagtanong ako sa kaniya.
" Yumi... Sina Liam ba okay na? Yung babae okay na ba?" Sunod-sunod 'kong tanong sa kaniya. Ngumiti naman siya bago niya ako sinagot.
" Don't worry anymore. Everything's okay! And that thing na nangyari sa inyo ay parte lang ng proseso sa pag-angat ng rango dito sa paaralan." Paliwanag niya.
" Wait... Ibig ba nitong sabihin, kasali ako?" Excited 'kong tanong ngunit naalala ko din si Julia. Asan na kaya siya. Balita ko kinuha siya ng mga magulang niya para doon pagalingin sa bahay nila.
Masiyado ng maraming nangyari sakin dito sa paaralang ito ngunit hindi ko maintindihan kung bakit lahat ng iyon ay nakakaya ko kung gayong hindi naman ako sanay sa mga ganitong kaganapan. I feel like, I am in my own home.
Hindi na ako nasagot pa ni Yumi ng may tumawag sa akin sa unahan. Nakita ko din doon ang maraming estudyante at ang ilaw na kitang-kita kung ikaw ay nasa malayo. Its like a party lights.
Patakbong lumapit sa'kin ang kanina'y tumawag sa akin sa 'di kalayuan. Mabilis siyang tumalon at niyakap ako. Buti nalang hindi ako natumba.
It was Julia. Masayang-masaya siya na yumayakap sa'kin. 'Di ko siya namukhaan sa malayo kasi hindi siya nakasuot ng salamin. Pero 'nong paglapit niya ay namukhaan ko na siya. She look better, hindi na katulad noon na nerdy style talaga.
Kumalas siya sa pagkakayakap.
" Julianne kamusta! Ang ganda natin ngayon huh!" Natatawa kong wika sa kaniya.
" I miss you! Grabe nawala lang ako naging ganyan ka na kagara." Biro naman niya. Tumawa naman ako ng bahagya.
" Hi Yumi! Ganda mo rin ngayon ah, bagay na bagay sa'yo ang suot mo!" Papuri ni Julia kay Yumi.
" Thank you! Ikaw din. So ,tama na muna ang pag-uusap. Tara na't magsisimula na ang program." Saad ni Yumi sa'min.
Tumango naman kami at nagpatuloy na sa paglalakad. It will be a long night for us. And I'll hope ito na ang simula para mahanap ko si Lola.
To be continued...