25

1881 Words
TWENTY-FIVE... Sophia's POV NAKARATING kami sa Westwood village ng walang kahirap-hirap sa tulong ng hari. Ibig sabihin ay nasa panganib talaga sila Sam dahil pinagmadali kami ng hari. Ang hari na mismo ang naghanda para mabilis kaming makarating sa Westwood Village. Nasa entrance na kami ngayon sa sinabing lugar ng Hari sa amin. Tinanaw ko sina Ma'am Selena at Sir Albert doon sa hindi kalayuan na kinakausap ang isang tagapangalaga ng lugar na ito. Sila yung mga naatasan ng kaharian na magbantay sa ganitong klaseng lugar para hindi magkagulo o makapasok sa ibang lugar ang mga tao na nakakulong dito. " Matagal pa ba tayo?" Dinig 'kong wika ni Yumi na panay kagat ng kaniyang kuko. Nakita ko naman na nilingon siya ni Fey at tsaka tinarayan. Ang daming mataray sa lugar namin, jusko mga palaban! " Eh kung tigilan mo kaya yang kaka-kagat mo ng kuko mo noh! Ako yung na i-istress sa'yo girl!" " Tumigil na nga kayo! Hindi ito ang panahon para magbangayan!" Awat ko sa kanilang dalawa. Tumahimik naman kaagad sila. Itinoon ko nalang ang atensyon ko sa buong lugar. Ngayon lang ako nakapunta sa bahaging ito. Nasa south side ito ng Westwood Village at tangin North side lamang ang napuntahan ko noon. Kakaiba ito kumpara sa North side. Medyo ma kweba at maraming kahoy na nakapaligid dito. Marami ding dahon na nagkalat sa daraanan at kung hindi mo kabisado ang daan ay tiyak na maliligaw ka talaga. Puwera nalang siguro kung may kapangyarihan ka na malaman kung nasaan ang tamang daanan. Sa ka-kalingon ko ay nahagip ng mga mata ko si Grey na katulad ko ay ininspeksyon din ang paligid. Napapansin ko na kakaiba yung mga galaw niya ngayon. Para siyang palaging nagmamadali na ewan. Napapansin ko din nitong mga nakaraang araw na malalim yung eyebags niya na animo'y palaging nagpupuyat. Hindi naman siya ganyan noon. Naisipan ko siyang lapitan para kausapin sana patungkol sa inaakto niya kanina. Medyo na weirduhan lang kasi ako non e. Hindi pa nga ako nakahakbang ay biglang yumanig ang lupa kaya bahagya akong nagulat. Napakapit pa nga si Diana sa'kin na nasa tabi ko lamang. " Sorry..." Sambit naman ni Diana ng tingnan ko ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko. Hindi ko na lamang siya sinagot pa. " What's happening?" Tanong ni Fey na may pag-aalala sa tono nito. Ako naman ay hindi nakapagsalita dahil sa gulat. Tiningnan ko na lamang ang kweba, kung saan nanggagaling ang pagyanig ng lupa. Nakita ko na mabilis na naglakad doon si Grey ng walang pasabi sa amin na sinundan naman kaagad ni Marco at ni Scarlet na din. Kaagad akong humabol sa kanila. Nang matigil ako sa boses na aking narinig. I mean, lahat pala kami ay natigil. Maski sila Grey na naunang maglakad ay napatigil din. 'We need help here! I know you're outside there. Please save this young woman and Young Lady Sam Mr. President.' Boses ni Liam ang aming narinig. " Liam?" Bulalas ni Yumi. Dumako naman ang mata ko sa tumatakbong ma'am Selena at Sir Albert. Kasama nila ang limang... Hindi , maraming gwardiya pala. Hindi lang pala lima. Tumatakbo sila papasok sa isang kweba. Kaya naman ay sumunod kaming lahat sa kanila. Gusto pa sanang pumauna ni Fey dahil gusto na daw niya makita ang lagay ng kaniyang kapatid nang hinawakan ko siya sa kaniyang braso para hindi siya makagawa ng iba na namang sakit sa ulo. " Ano ba!" Asik niya nang makapasok kami sa may entrance ng kweba. Pero hindi ko siya binitawan at mas lalong hindi ko siya tinapunan ng tingin. Ang akala ko ay kweba na talaga ang pinasukan namin, pero hindi pala. Sa may unahan ay may labasan doon na tanaw ang liwanag. Takbo ang aming ginawa dahil 'yun din ang ginawa nila ma'am Selena at ng mga gwardiya. Nang makalabas kami sa maliit na kwebang iyon ay masasabi ko na lahat kami ay nabigla sa aming nasaksihan. Bahagya ko pang nabitawan ang kamay ni Fey at puma-una sa unahan para makalapit kay Samantha. " Liam!" Sabi ni Yumi kay Liam na kaagad naman na lumapit sa kaniya. Tinapunan ko din ng tingin si Liam at bahagyang ininspeksyon ang kaniyang kabuuan. Pero bukod sa daplis niya sa kaniyang mukha at galos sa kaniyang tuhod ay okay naman ang iba. " Drey are you okay?" Salubong na tanong ni Fey sa kaniyang nakababatang kapatid at bahagya din niya itong ininspeksyon. Hindi ko na lamang sila inabala pa. Mabilis na dumako ang lahat ng aming atensyon sa harap. Nandoon si Sam at ang ibang mga inutusan ng hari na magpanggap na sinner corps para sa huling pagsubok ng mga manlalaro. Ginagawa ito ng hari at reyna dahil sa ganitong paraan nila tine-test ang mga estudyante kung karapat-dapat ba sila sa pag angat ng kanilang Level. " Samantha!" Tawag ni Ma'am Selena kay Sam. " Samantha, listen up!" Tawag ko din sa kaniya. Nagbabakasakali na lingon niya ako. " Samantha! You need to relax!" Ang sabi naman ni sir Albert. Bahagya niya pang sininyasan ang mga kawal na lumapit ng bahagya kay Sam na kaagad naman nilang sinunod. Nagliliyab kasi ngayon ang buo niyang katawan ng apoy. As in lahat maski buhok niya na hindi naman nasunog. Masama siyang nakatingin sa isang lalake na gumawa na ngayon ng napakalaking water barrier na animo'y prinoprotektahan ang kaniyang mga kasamahan na mga sugatan sa kaniyang likuran. Nahagip naman ng aking mga mata si Lucas na kaagad na ginamot ang babaeng medyo mataba na naghihingalo na talaga at halatang naghahabol na lamang ng hininga para mabuhay. Para siyang hinihika sa tingin ko. Muli 'kong dinapuan ng tingin si Sam. Ito... Sa palagay ko ay ito ang bago niyang kapangyarihan na mahirap talaga na kontrolin. Ganiyan din si Scarlet noon, no'ng nagalit siya ng husto dahil sa ginawa ni Yasmen sa isa naming kaibigan noon. 'Yun ang unang beses na lumabas ng buo ang kaniyang pangalawang kapangyarihan. " Sam, you need to calm down in order to stop that fire on your body." Wika ni Ma'am Selena kay Sam. Lumingon naman si Sam ng dahil doon. Bahagya pa 'kong napaatras ng makita ko na umiiyak na siya ng dugo. Ito yung malala. Natatakot ako kapag nakikita ko ang ganitong klaseng senaryo. Parang nanumbalik sa akin ang karanasan ni Scarlet noon. Nilingon ko si Scarlet sa aking kanan. Nakita ko ang takot sa mga mata niya at awa. Alam ko na alam niya. Alam niya kung gaano kasakit ang mga naranasan ngayon ni Sam dahil minsan na niya itong naranasan noon. It's like a t*****e,she said that to me. Fire is one of the most dangerous power in our world aside sa black magic and Ice power. kasi kapag hindi mo ito ma kontrol ay lalamunin ka nito ng buo hanggang sa masunog ka talaga ng tuluyan nito. " Ms. Astrea?" Malumanay na tawag ni Grey kay Samantha na dahan-dahang lumapit. Nilingon naman siya kaagad ni Sam. Ang hindi ko maintindihan sa dalawang 'to ay kung bakit kay Grey lang nakikinig si Sam. I don't know but its kindda' weird for me. " Siya yun diba?" Ang tanging sabi ni Sam na nakatingin lang kay Grey. " What do you mean?" Tanong ko, ngunit hindi talaga ako tinapunan ng tingin ni Sam. Nanatili lang ang mga mata niya kay Grey na huminto na ngayon sa paglalakad. Nagsalita naman si Scarlet na bahagya pang lumapit. " Samantha you need to calm down! Kung gusto---" ,ngunit naputol ito ng sitahin siya ni sir Albert. " Scarlet! Dont!" Ma-awtoridad na wika ni Sir na sinamaan lang ng tingin ni Scarlet. Yung mga tingin niya ay hindi katulad ng dating tingin niya na naiinis talaga. It's more like an emotionless face expression na medyo may galit sa mga mata nito. " Tell me. Siya yung dahilan kung bakit muntikan ng mamatay si Julia, diba?" Sabi na naman ni Sam na nagpa-atras sa'min lahat dahil sa biglaang paglakas ng apoy sa katawan niya. Mabilis 'kong nilapitan si Liam para sana tanungin kung bakit nagkaganyan si Sam. Pero kaagad din akong napatigil at bahagyang nabigla ng may sumabog sa may bandang kanan ko. Nakita ko ang isang lalake na kasama nila Sam. Bahagya niyang itinaas ang kaniyang kamay at nagresulta iyon ng isang barrier na siyang dahilan kung bakit hindi kami natamaan sa mga lumilipad na malalaking bato dulot ng pagsabog na sinamahan pa ng apoy. Hindi ko alam ang pangalan niya pero may katangkaran siya at naka eye glasses siya. Nagtama ang aming mga mata ngunit kaagad din niya itong iniwas. Dumako naman ang mata ko kay Sam. Nanlaki naman kaagad ang aking mga mata ng makitang papalapit na si Scarlet kay Sam pati na si Liam. Patakbo akong lumapit sa kanila at sumigaw. " Scarlet! Liam! NO!" " NO!" -Selena " Liam! WAG!" -Yumi Hindi lang pala ako ang sumigaw. Pero huli na ako. Nakahawak na sila kay Sam at pinagsaluhan nila ang sakit. Tumulo ang isang butil ng aking luha dahil sa aking nakita. Namuo na rin ang galit sa aking sistema. Ang sabi ko sa kanila Scarlet at Liam na ayoko nang makakita pa na nasa ganiyan silang sitwasyon muli. Pero ano 'tong ginagawa nila ngayon! " Ano bang ginagawa ninyo! Estatwa ba kayo o ano! Putang*na niyo! Wala kayong silbi!" Minura ko ang mga gwardiya. Tang*na ang dami nila pero wala man lang nagawa para pigilan ang dalawa. Nakakagalit sila. Mga walang silbi! Naglakad ako ng padabog sa harap mismo ni Sam. Nakisabay naman sa'kin si Grey na katulad ko ay galit na din. Alam ko kung bakit ginawa nila ang ganoong bagay kay Sam. Ginawa nila iyon para kahit papaano'y maibsan ang sakit na nararamdaman ni Sam sa kaniyang buong katawan. Baka kasi pag nagtagal pa siya ay matutuluyan talaga siya. Nasa critical na ang lagay niya dahil lumuluha na siya ng dugo at dumudugo na din ang mga palad ng kamay niya. Galit ko siyang hinarap. Wala akong pake kung mainit. Basta magawa ko ang dapat 'kong gagawin sa kaniya. Kaagad ko na tinaas ang aking kamay. Pero inunahan ako ni Grey sa dapat 'kong gagawin. He suddenly snap his finger ng dalawang beses na magkakasunod. Dalawang beses? Mabilis ko siyang nilingon na nan-lalaki ang mga mata. " Are you... C-crazy!" Nahihilo 'kong wika. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid lahat bumagsak sa sahig. Pero nakita ko na nilalabanan ng iba 'yung antok na ibinibigay ni Grey sa amin. Yes, pinapatulog niya kaming lahat, including Scarlet and Liam. As in lahat ng nakatayo dito ngayon except sa kaniya. Nahihilo man ay nakita ko pa na bumagsak na sa sahig si Liam. Ang tanging nakatayo nalang ngayon ay ako, si Scarlet , si Sam at si Grey. Naramdaman ko na talaga ang pagkahilo at pagbigat ng talupak ng aking mga mata kaya dahan-dahan na akong umupo sa lupa. 'Bwesit ka Grey! Ano bang binabalak mo?' wika ko sa kaniya through telepathy. Unti-unti nang pumikit ang aking mga mata. Bago ko ito maipikit ng tuluyan ay nakita ko na parehong bumagsak sina Scarlet at Samantha na sinalo naman ni Grey na naka yelo ang buong katawan except sa kaniyang ulo. Narinig ko din ang huli niyang sinabi sa'kin bago ako mawalan nang malay. " Pasensya na,Phia..." To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD