TWENTY-FOUR...
*Tudddd!*
TUNOG nang pagpalo ni Yumi sa lamesa. Nasa meeting sila ngayon at kakatapos lang nilang maghanap sa buong campus.
Nang malaman ni Yumi na pati si Liam ay nawawala din ay nagalit siya. Liam, is her longtime partner. Para na niya itong kapatid. Kumbaga si Liam na ang naging kasama niya simula nang makapasok siya sa paaralan na'to kaya ganon na lamang ang galit niya nang malamang pati si Liam na matalik niyang kaibigan ay nawawala din.
" The f*ck! It's almost 2 hours na nawawala sila! Guyz ano ba 'tong ginagawa ninyo! Seriously?" Galit na turan ni Yumi sa kanilang lahat. Wala na siyang pake kung magalit man sa kaniya si Supremo.
" Yumi, calm down!" Wika ni Lucas sa kaniya.
" How can I f*cking calm down, when the two people I know are missing and is nowhere to be found, Lucas?" Galit niya uling wika.
Matapos niyang sabihin iyon ay napatingin siya kay Grey. Masama itong nakatingin sa kaniya na siyang dahilan kung bakit tinanggal niya ang pagka-kunot ng noo niya.
" Yumi, just calm down. They are okay! I assure you that. Hindi naman siguro hahayaan ni Sam na may mangyaring masama sa kanila diba?" Wika ni Sophia sa kaniya.
Kumunot naman ang noo niya sa sinabi sa kaniya ni Sophia.
" Anong ibig mong sabihin?" Parang alam na niya kung ano ang pinupunto ni Sophia pero hindi pa din siya kampante dahil baka mali ito ng hinihinala.
" Do you remember?" Tanging tanong ni Marco sa kaniya na hindi niya sinagot.
" We're not sure about it! This time madami na sila. No'ng sa'kin nga noon, ako lang mag-isa. Eh ngayon iba na eh!" Reklamo niya sa mga ito.
" Yumi? If you'll continue to do that, then you may leave!" Sabi ni Grey sa kaniya. Kalmado lang ngunit mapagbanta ito.
" Ghad! Will you stop! Ang sasakit niyo sa tenga!" Biglang salita ni Scarlet sa may gilid, kasama si Diana na nakayuko at natutulog lang sa lamesa, habang nakatayo naman si Cheska sa may gilid din ni Diana at prenteng nakikinig sa usapan nila.
Padabog naman na tumayo si Yumi.
Kung hindi nila hahanapin sina Liam at Samantha ay siya na lamang ang kikilos. Wala siyang pasabi na nagmartsa papunta sa pintuan. Nang pipihitin na niya ang doorknob ay kusa itong bumukas. Sumalubong sa muka niya ang mukha ni Ma'am Selena at Sir Albert, isa sa mga professor ng lower class.
" Ma'am? Bakit may kailangan po ba kayo?" Normal na turan ni Yumi. Tinanggal niya muna ang galit sa mukha niya dahil matanda na ang kaharap niya. Ayaw kasi niyang pagsabihan ng walang modo.
" Nahanap na daw sila." Dinig niyang wika ni Sir Albert. Nabuhayan naman siya ng pag-asa nang marinig niya iyon.
Napa-angat na din ng ulo si Diana at pati silang lahat sa likod ay napalingon sa gawi ni Sir Albert.
" Saan naman po!" Mabilis na turan ni Yumi sa mga ito.
Sumagot naman kaagad si Selena. " Westwood village..."
Lahat naman sila ay nanlaki ang mata maliban kay Grey na kaagad na kumilos papunta sa pintuan. Maski pala siya ay nababahala na sa pagkawala ni Samantha. Yes , si Samantha lang ang pumapasok sa isip niya at masasabi na talaga niya sa sarili niya na nababaliw na siguro siya. He doesn't act like this, feeling niya ay nawawala 'yung angas niya kapag si Sam na ang pinag-uusapan.
" You mean, sa kulungan ng mga masasama? How? Why?" 'Di makapaniwalang tanong ni Yumi.
" Tabi!" Wika ni Grey kay Yumi na nakaharang sa may pintuan. Tumaas naman kaagad ang kilay ni Scarlet nsng makita ang inaakto ng Presidente.
" Let's go! Akala ko ba gusto mo na silang makita?" Dugtong ni Grey na may pagka sarcastic.
Tumikhim naman si Selena na nakatingin pala ka Grey.
" We need to go! Mamaya na yang bangayan ninyo! They need and immediate medication. May isa sa kanila na nanganganib ang buhay, ayon sa nakuha naming impormasyon galing sa kaharian." Paliwanag ni Selena sa mga ito.
" So, tama nga kami ng hinala?" Sarcastic na wika ni Dianna.
" It's obvious Diana, wag kang tanga!" Sabi naman sa Scarlet kay Diana. Inirapan naman siya nito.
" Stop insulting Diana!" Sabi naman ni Cheska.
" Wag kang sumabat, di ikaw kinakausap ko!" Masungit na sagot ni Scarlet at inirapan ito.
" That's enough! Let's go!" Wika ng kanilang guro na si Sir Albert. May katandaan na ito na naka suot ng eye glass pero 'yung height niya ay napakataas. Mukha siyang basketball player sa taas nito.
*****************
Samantala, tinatahak na ngayon nila Sam ang kahabaan ng kweba. Kanina pa sila naghahanap ng daanan papalabas ngunit ni isa ay wala silang mahanap. Feeling niya ay nagpaikot-ikot lamang sila sa kweba.
Hinihingal na nagsalita si Hannah habang pasan niya ang babaeng kanina pa naghahabol ng hininga, halatang ayaw pa mamatay.
" Miss Sam! Kanina pa tayo naglalakad dito, napapagod na ako!"
Wala kasi silang makita na kahit isang nilalang man lang. Tanging yung lalake lang ata ang tao sa loob ng kweba.
" Kunti nalang Hannah. Mahahanap din natin ang daan. At tsaka mag-ingat kayo, baka nagtatago lamang sila at pinagmamasdan tayo." Sabi ni Liam na katabi lang ni Sam.
Si Sam naman ay pinapakiramdaman niya ang paligid. Hindi kasi maganda ang pakiramdam niya sa madilim na daan na nasa unahan nila kaya napahinto sila ngayon. Kaagad siyang nagsalita.
" Hannah, magpahinga muna kayo diyan. Ako nalang ang hahanap sa labasan." Matapang niyang wika sa mga kasamahan niya.
Kaagad naman na nagreklamo si Liam. " Young lady! Ano bang pinagsasabi niyo diyan? Hindi pwede!"
" Liam, pagod na daw si Hannah. Pagpahingahin mo naman 'yung tao. Kaysa naman mahimatay siya!" Sagot ni Sam kay Liam.
" Ako nalang ang magkakarga sa babaeng 'yan! Kaya ko naman po, ate!" Magalang na turan ni Alex.
" Wag na Alex. Mapapagod ka din kaagad dahil sa liit ng katawan mo." Totoong sagot ni Sam na sinimangutan naman ni Alex.
Payat kasi siya na medyo matangkad. Hindi naman siya gaano ka payat, 'yung sakto lang pero sa wari talaga ni Sam ay mabilis lang itong mapapagod dahil yung babae e may katabaan kasi. Kaya lang naman iyon kinarga ni Hannah kasi may angkin siyang lakas na isa sa mga kakayahan niya.
" Ako nalang ang kakarga sa kaniya." Sabi ng isang kasamahan nila na lalake din. Ngayon lang ito nagsalita kaya naman ay ngayon lamang ito napansin ni Sam.
" Pwede bang umalis na tayo. Kaysa naman sa nagbabangayan lang tayo dito. Eh may naghihingalo na nga diba! Wag ka na kasi magreklamo girl! Di naman ikaw yung kakarga!" Sabi naman ng isa ding babae.
Siya 'yung babae kanina na masamang nakatingin kay Sam.
" Watch your word woman!" Galit na turan ni Liam sa babae.
" Ba't nagagalit ka? Totoo naman ah!" Sagot ng babae sa kaniya.
" Tumahimik ka Layra! Lakas mo'ng magreklamo,wala ka namang ambag!" Sabi naman ng isa pang lalake na kasama nila. Matangkad siya ng kunti kay Alex pero makikita mo talaga na mas bata ito kina Sam.
Habang nagbabangayan sila ay si Sam nakikinig lang sa paligid. Hanggang sa may marinig siyang kaluskos mula sa madilim na parte nang dinadaanan nila.
" Walang ambag! Eh kasalanan naman ng babaeng 'yun kung bakit tayo na kuryente diba?" -Layra
" Tumahimik ka na Layra! Kay bata-bata mo pa wala ka ng modo!" said Anna, the other girl na kasama nila na mas matanda ng isang taon ni Sam.
" Tumahimik na kayo! Salamat nalang sa pagbabangayan ninyo at nakapagpahinga ako kahit papaano!" Sarkastiko na wika ni Hannah.
" Shhh!" Biglang sabi ni Sam na ikinalingon nila sa direksyon niya.
" Bakit Sam?" Seryosong turan ni Liam na bahagya pang lumapit sa kaniya para mahinaan ang boses nito.
" Did you hear that?" Sam asked almost whispering.
Lahat sila ay natahimik at napalingon sa tinitingnan ni Sam. Mabilis na gumawa ng apoy si Liam sa kaniyang kamay para gawin itong pang ilaw sa daanan. Dahan-dahan na lumapit doon si Liam but stopped when the guy name Kristoff called him.
" Stop!"
" Why?" Bulong naman ni Alex.
Puma-una si Kristoff at inihanda ang kaniyang kamay kung sakaling mang tama ang kaniyang hinala. Dahan- dahan niya itong nilapitan. Huminto siya no'ng nasa pang-apat na siyang hakbang at nilingon niya si Alex. He gesture Alex to come near on him na kaagad naman na ginawa ni Alex na nakakunot ang noo.
" What!" Iritado nitong sambit nang makalapit siya kay Kristoff.
" Can you use your---"
" TABI!" biglang sigaw ni Sam na ikinagulat nilang lahat.
Mabilis na puma-una si Sam sa kanilang lahat at ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan na enerhiya para mapatigil ang bagay na papunta sa kanila. Mayroon kasing lumipad na maliliit na kutsilyo sa harap nila ni Kristoff at Alex kaya mabilisan niya itong pinigilan.
Sakto lang ang timing niya dahil isang pulgada nalang talaga ang isang maliit na kutsilyo na nasa harap ng mata niya. Natumba pa ang iba niyang kasamahan dahil sa pagkakabigla. Nailabas din ni Alex at Kristoff ang kanilang mga kapangyarihan maski na ang isa din nilang kasamahan na lalake na si Drey, yung nagsabi kay Layra ng tahimik.
Muling inihagis ni Samantha ang mga maliliit na kutsilyo sa pinanggalingan nito. Atska inutusan niya si Alex through telepathy na gamitin ang kaniyang kapangyarihan para gawing ilaw sa daanan nila na kaagad naman na sinunod ni Alex.
Kaagad na nagplabas ng lightning power si Alex sa kaniyang kamay habang ang kamay naman ni Samantha ay naka posisyon lang sa ere para paghandaan kung sakaling may tatama ulit sa kanila na kung ano pang bagay.
Doon napaatras silang lahat sa nakita nila sa unahan. Kaagad din na gumawa si Liam ng apoy at pinakatay niya sa magkabilang gilid sa sahig para magmistula nilang ilaw at nang tuluyan na nilang makita ang kung anong nasa harapan nila na muntikan na silang patayin.
" More Sinner Corps?" 'Di makapaniwalang turan ni Drey.
" Ahh, guyz! L-look.I think hindi na tayo makakalabas dito." Kabadong wika ni Anna habang katabi naman niya si Sheila na kaklase lang din nito.
Kaagad din silang lumingon sa kanilang likuran at nakita rin nila doon ang napakaraming sinner corps. At kung bibilangin man ito lahat ni Samantha ay lagpas singkwenta siguro ang mga ito.
" The h*ll with this place!" Reklamo ni Hannah na karga-karga pa din ang babae na si Greselle habang nakahawak naman sa likod niya si Layra na parang tanga kung makapagtago.
Naisipan ni Hannah na ilapag muna si Greselle sa may sahig para makalaban din siya. Lumapit naman kaagad si Kristoff sa kaniya habang hindi inaalis ang tingin nito sa mga Sinner Corps na nasa unahan nila.
" I'll make a barricade for her." Monotone na wika ni Kristoff kay Hannah. Tumango lang ang dalaga at nag thumbs up.
Nakahawak pa din si Layra sa balikat ni Hannah kaya naman tinampal ito ni Hannah at tinarayan niya ito ng bahagya.
" Get your sh*t together young brat!" Turan niya na medyo nakataas ang kilay.
" Ano sabi mo?" Pero hindi na sumagot si Hannah at tinalikuran na niya ito.
" Maghanda kayo! Mapapalaban tayo ngayon." Ma-awtoridad na wika ni Liam sa kanilang lahat.
Lahat sila ay naghanda na nga katulad ng inutos sa kanila ni Liam. Maski si Layra na panay reklamo lang ay napilitan na ring maghanda. Kaagad na sumugod ang mga sinner corps sa kanila na may kaniya-kaniyang sandata at kapangyarihan.
Naisipan ni Sam na i-angat sa ere ang mga maliliit na kutsilyo na kaniyang itinapon kanina. Pinalutang niya muna ito sa ere para kapag wala na siyang ibang magamit ay ititira niya ito sa kanila.
Kaniya-kaniya sila ng kalaban at ni isa sa kanila ay walang magpapatalo. Lahat ng sinner corps na nakakalaban nila ay puro nakatalukbong ng manipis lang na tela.
" F*ck!" Mura ni Liam ng madaplisan siya sa kaniyang mukha. Mabilis niya itong pinunasan.
Inihanda niya ang sarili niya para gamitin na ang last option niya para mapabilis ang laban na ito sa kanila at nang madala na nila ang naghihingalong babae na si Greselle. Bata pa naman ito kaya naman ay ganon na lamang kung mag-alala silang dalawa ni Sam sa babae.
Then, he use his flash ability. In a second ay nasa bente kaagad ang nakahandusay sa sahig.
Nang makita naman iyon ni Hannah ay napangiti siya. Mabilis niyang inilagan ang mga atake ng kanilang kalaban at isang suntok lang niya ay tumitilapon na ang mga ito.
" Nice one Mr. Liam!" Pahabol niyang wika kay Liam na ginantihan lang siya ng isang ngiti.
" Ate Sam, yuko!"
Napalingon kaagad silang dalawa ni Hannah at Liam sa sigaw ni Alex.
Isang napakalakas na lightning ball ang pinakawalan ni Alex dahilan nang pagyanig ng kweba. Tumilapon ang nagkukumpulan na mga sinner corps. Hinagis naman kaagad ni Sam sa mga natitira pang Sinner Corps ang mga maliliit na kutsilyo na kanina niya pa pinapalutang sa ere.
Dahil sa pagyanig ng kweba ay kaagad silang naalerto. Mabilis na binalikan ni Hannah si Greselle na ngayon ay pawisan na at mukhang kailangan na talaga ng agarang gamutan.
" We need to get out of here!" wika ni Liam sa kanila.
" Paano? Ni hindi nga natin alam kung saan ang daan papuntang labas eh!" Sagot ni Layra.
" Eh kung tumulong ka kayang mag-isip noh para makalabas na tayo ng sabay-sabay. Hindi yung umaasa ka lang sa iba!" singhal naman ni Anna kay Layra na nakakunot lang ng noo na animo'y galit.
" Girls stop! Hindi ito ang panahon para magbangayan tayo. Sisihin niyo na ako kung gusto niyo but please be responsible naman kung gusto niyo pang makalabas dito ng buhay." Seryoso na wika ni Sam sa mga ito. Hindi naman sumagot ang dalwa.
Well, pagod na kasi siya at nararamdaman na talaga niya ang panghihina ng kaniyang katawan na kanina niya pa iniinda. Tila hindi ata siya sanay sa bago niyang kapangyarihan at naging ganon na lamang ang kaniyang nararamdaman.
Pumauna na siyang maglakad at sumunod naman sa kaniya sina Liam at Alex sa kaniyang likuran. Bahagya pa din na yumayanig ang kweba kaya naman ay binilisn nila ng paglakad nila dahil baka sakaling guguho nalang ito ng hindi sila nakakalabas ng buhay.
To be continued...