23

2933 Words
TWENTY-THREE... NAPASALAMPAK si Sam sa kama matapos lumabas ni Yumi at Diana sa kwarto. " Ano na naman ba ang nagawa mong kasalanan Samantha? Isipin mong mabuti!" Saad niya sa kaniyang sarili. Napaangat siya nang tingin ng biglang bumukas ang pintuan. Bahagya pa siyang napaigtad sa gulat. Pumasok doon ang dalawang lalake na sa tingin niya ay mukhang muslim dahil sa uri ng pananamit nito. " Sino kayo?" Kabadong tanong ni Sam sa mga ito. Kinakabahan siya dahil alam niyang hindi siya makakagamit ng kapangyarihan sa tinutuluyan niyang kwarto kaya naman atras lang ang tangi niyang nagagawa ngayon habang patuloy naman na lumalapit sa kaniya ang mga taong naka maskara na pumasok sa loob. Walang pasabing nilusob siya ng mga ito at tinakpan ng kung ano ang mukha niya. Hanggang sa namalayan na lang niya na bumibigat ang talukap ng kaniyang mga mata. ****************** Nagising siya dahil sa nakakasulasok na amoy. Kadiliman. Kadiliman ang unang sumalubong sa paningin niya. Tanging mga ilaw lamang sa kandila ang nagpapaliwanag sa buong lugar. Mabilis niyang inilibiot ang kaniyang paningin at napagtanto na nasa kweba siya. Naisipan niyang tumayo mula sa pagkakahiga niya sa malamig na sahig ngunit napagtanto niya na nakagapos pala ang kamay at paa niya. " Anong lugar ba'to?" Bulong niya sa kaniyang sarili. " Hoyy! Pakawalan niyo ako dito!" Sigaw naman niya sa labas. Nasa loob kasi siya ng bilangguan. Wala namang sumagot sa kaniya sa labas kaya naisipan na lang niyang tanggalin ang mga nakagapos sa kaniya ngunit balewala lang ito dahil kakaiba ang mga ito na gawa pa sa metal. Parang noong kay Grey lang nong unang beses siyang pinusasan nito. " Ano bang klaseng lugar to? Hoi! May tao ba diyan?" Muli naman niyang sigaw ngunit nag echo lamang ang kaniyang boses sa loob ng kweba. " Ahh!" Daing ng isang lalake sa likod niya na kaniyang ikinabigla. " May tao ba diyan?" Madilim kasi ang parte ng likuran niya kaya hindi niya masiyadong makita kung may tao ba dito o wala. " Young lady? Is that you?" Dinig niya sa nagsalita. Nanlaki naman ang mata niya ng marinig niya ang boses na iyon. Walang kadudaduda. Iisang tao lang naman ang tinatawag siyang ganiyan eh. Si Liam! " Liam! Nandiyaan ka din? Nasaan ba tayo?" Sunod-sunod niyang tanong sa binata. " Hindi ko din po alam kung nasaan tayo." Sagot naman ni Liam sa kaniya na ngayo'y sinusubukang bumangon mula sa pagkakahiga. " Ang baho naman ng amoy na 'yun. Ano ba 'yun? Tang*na nasaan ba talaga tayo. Bwesit na mga nakaitim na 'yun!" Inis niya pang wika. Sinubukan niyang gamitin ang kapangyarihan niya ngunit tila hindi ito gumagana. " Bwes*t naman ohh! Pati ba naman dito ayaw!" Muli niyang wika na napansin ni Liam. " Ang alin? Sa tingin ko ay nasa kulungan tayo ng mga sinner corps." Sabi ni Liam sa kaniya na ipinagtaka niya. " Sinner Corps? What is that?" Tanong ng isang boses na ikinapitlag niya at ni Liam. " Sorry, Hannah here. From upper class." Saad nito sa kanilang dalawa ni Liam. Nakahinga naman siya ng maluwag matapos magpakilala ni Hannah sa kanila. " Hannah? That Hannah na kasali sa SSG? Or maybe not?" Tanong naman ni Liam kay Hannah na pinakinggan lang ni Sam. " Yeah, I am. Sir Liam." Magalang nitong turan sa binata. " Sinner corps, if I'm not mistaken. Sila ba yung mga taong pinapatapon ng hari at reyna dito dahil sa pagsuway sa batas ng buong kingdom? " Dugtong pa ni Hannah. " Yes they are, but I'm not that sure though." Sagot naman ni Liam na ikinakunot ng noo ni Sam dahil hindi niya ito maintindihan. " Hannah Right? Tingnan mo nga 'yang nasa likod mo at baka may iba pa diyan na nakahandusay. Gisingin mo sila!" Utos niya kay Hannah na tinawanan lamang siya. " Hahaha! Grabe ka naman kung maka-utos miss." Wika ni Hannah sa kaniya na medyo natatawa. " Sorry, by the way I'm Samantha." Tipid niyang sagot sa dalaga. " Owwss, Sorry for my rudeness miss Samantha. Ikaw pala 'yan!" Muli nitong wika sa kaniya na medyo tumatawa ng bahagya. Napakunot kaagad siya ng noo dahil sa tinuran ng dalaga sa kaniya. " Happy ka? Eh nakagapos na nga tayo dito!" Wika niya dito na may halong inis sa tono nito. Sumagot naman si Liam na tinawanan lang uli ni Hannah. " Ganyan talaga 'yan young lady. Hindi nauubusan ng tawa. Titigil lang 'yan kapag may naghihingalo na sa paningin niya." Hindi na lamang siya sumagot sa sinabi ni Liam sa kaniya. Sinunod naman kaagad ni Hannah ang inutos niya dito. Ngunit sa nakakagulat na paraan iyon ginawa ni Hannah na pati si Sam ay hindi mapigilang pumikit dahil sa sakit na dulot nito sa tenga. " HELLO EVERYBODY! HAHAHA!" malakas na halakhak ang kumawala sa bibig ni Hannah na nag echo sa buong kweba. 'letse! May saltik ata ang babaeng 'to!' sabi ni Sam sa kaniyang isipan. Kaagad na nagising ang iba pa nilang kasama sa kweba na katulad nila ay nakagapos din ang mga kamay at paa nito. Napuno ng kaluskos na ingay ang kulungan. Hindi man nakikita ni Sam pero alam niya na marami-rami sila dahil sa mga ingay na ginagawa nila. " Oh! Listen up everybody! So eto na nga, nakakulong tayo ngayon sa isang kulungan at mukhang pinagmukha nila tayong hayop. Biruin niyo, sa sahig ba naman tayo pinahiga. Hindi man lang sa kama!" Mapagbirong wika ni Hannah na ikinawingi naman ni Samantha. " Hannah stop! Set aside mo muna 'yang pag bibiro mo. Mabuti pa tingnan natin kung makakalabas ba tayo dito." Ang sabi ni Liam na sinangayunan naman ni Sam. " Wag kang nega Mr. Liam! Pinapagaan ko lang ang loob ng mga kasamahan natin dito. Diba! Sagot naman kayo diyan kung okay lang kayo?" Muling wika ni Hannah na siyang ikinainis ni Sam. May mga ilan na sumagot at may ilan naman din na piniling manahimik na lamang. Biglang napahiyaw ang ibang kasamahan nila Samantha ng biglang may lumitaw sa harap na isang lalake na naka talukbong ng tela. At ang damit nito ay napakalaki na parang pangpari na kulay brown na mahahalata mo ang dumi nito. Nakakatakot din ang awra nito kaya naman ay napasigaw ang iba. " Sino kayo!" Kaagad na tanong ni Sam. " Guys easy lang kayo. Kailangan hindi kayo matakot okay?" Mahinang bulong ni Hannah na tama lang para marinig ng mga nasa likod niya. " Who yelled?" Said the guy na baritone ang boses nito na medyo nakakatakot. Sasagot na sana si Hannah ng maunahan siya ni Sam. " Ako! Bakit? Sino ba kayong mga hayop kayo!" Inis at matapang na wika niya sa lalake. " Samantha!" " Miss Sam!" Parehong sambit ni Liam at Hannah sa kaniya. Hindi sumagot ang lalake kay Sam bagkus ay may pinindot lamang ito sa gilid ng bubong at agarang umalis. Nakadalawang hakbang pa nga ang lalake ng biglang nagsigawan ang mga kasamahan ni Samantha sa likod na kaniyang ikinabigla. " Ahh! Sheytt!" Dinig niyang bulalas kay Liam na nagpupumiglas at pinipilit na tanggalin ang posas na nasa kamay at paa. Halos lahat sila nagkaganon maliban kay Sam. " Bakit? Saan masakit Liam? Hannah?" Nag aalalang wika niya sa kanila. " Hoi! Mamang malaki ang boses. Bwesit na 'to. Patigilin mo 'to!" " It has a high voltage of electricity na nanggagaling po sa posas. Kaya po sumisigaw sila sa sakit." Isang boses ang biglang narinig ni Samantha na siyang ikinalingon niya sa madilim na parte ng kinalalagyan nila. Hindi man niya ito makita ngunit nababatid niya na isa itong lalake na mas bata sa kaniya ng ilang taon. " Who are you? What do you mean by that?" Kaagad niyang tanong dito. " I'm Alex from middle class beginner. I don't know kung bakit sila lang ang nagkaganiyan. Tayo lang dalawa ang hindi." Saad ni Alex sa kaniya. Dahil sa pagalala ni Sam ay kaagad siyang umusod kay Liam na nakahandusay na sa sahig at namimilipit pa din sa sakit. Naluluha na din si Sam. " Liam! Liam!" Tawag niya dito. " I think it's a wrong move na sinagot sagot mo yung lalake kanina ate. And I also think na naka activate yung sa'kin but my body resist it 'cause lightning is one of my power. Hindi ko lang alam kung bakit wala sa'yo. Maybe a punishment?" " Ano bang pinagsasabi mo diyan bata?" " What I'm tryin' to say is that please let us help them!" Medyo may inis na sa tono na wika ni Alex sa kaniya. " Eto na nga nag-iisip na ako ng paraan!" Wika niya na sinusubukang tanggalin ang metal na naka posas sa kamay niya. She cannot just give up. When that happens, someone will be ruined again because of her. " Bwesit na 'to ba't ayaw matanggal!" Reklamo niya pa. " Ate! It won't budge talaga kahit ano pang gawin mo diyan ng hindi ginagamitan ng any powers!" Inis naman na wika sa kaniya nong Alex. " Eh, kung tulungan mo kaya akong mag-isip noh!" Pasinghal niyang wika sa bata. Alex just tsk-ed at hindi na niya ito pinansin pa. Sam tried to stand up to get close to the prison door but she immediately fell down kaya naman napadaing siya ng mahina na narinig naman ni Alex sa likod. Sige pa din sa pagpupumiglas sila Liam na ikinabahala na ni Sam. She had to hurry, otherwise her companions would die. "Alex! Do me a favor!" " Yes, what is it?" " Pwede mo ba silang tawagin ng tawagin para hindi sila makatulog. It ain't good kung makakatulog sila, right?" Kabadong wika niya kay Alex. " Of course. As you wish. But please be hurry!" Tumango naman si Sam sa tinuran ni Alex sa kaniya. Sam acted immediately. She thought of crawling on the floor to the door so she could get her hand out. Balak niyang gamitin ang kakayahan niya sa labas ng kulungan dahil nagbabakasakali siya na gagana ito kapag inilabas niya ang kamay niya doon. Nang mailabas na niya ang ang kaniyang sariling kamay ay sinimulan na niyang gamitin ang isa sa mga kapangyarihan niya. Gumana ito na kaniyang ikinatuwa ngunit kaagad din na nadismaya ng isang napakalakas na kuryente na nanggagaling sa itaas ang tumama sa kaniyang kamay na siyang ikinadaing niya dahil sa sakit na dulot nito. " Ate are you okay?" Kaagad na tanong ni Alex ng marinig niya ang impit na sigaw ni Sam. Sam immediately shout back at Alex, " Don't mind me, just stick to your task!" Ang tanging nasabi niya kay Alex. Muling sinubukan ni Sam na ilabas ang kaniyang kamay katulad ng ginawa niya kanina, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay ganon pa din ang nangyari. Impit na naman siyang sumigaw ng dahil sa sakit nito. Nilingon niya sina Liam. Tila hindi na niya kaya pa ang mga naririnig niyang mga daing mula sa kaniyang mga kasamahan. Ni hindi na nga makapagsalita sina Liam at Hannah sa kaniya dahil tanging mga sigaw lamang ang lumalabas sa mga bibig nito. " Ate? Naka-isip ka na ba ng paraan? Anytime ate, pwede na silang bawian ng buhay!" Wika ni Alex na kinakabahan na. Hindi sumagot si Sam. Maya-maya pa ay bumalik ang lalake na kaagad na tiningnan ni Sam. Eto nalang ang tanging pag-asa niya. Ang kumbinsihin ang lalakeng ito na nakatingin na ngayon sa direksyon niya. " Patigilin mo to! Kung gusto mo pang mabuhay, sinasabi ko sa'yo, patigilin mo to ngayon na!" Pananakot niya sa lalake. " Kasalanan mo iyan. Kung hindi ka lang sana sumigaw ay sana hindi mo sila nakikita nang nagkaganiyan ngayon!" Sabi ng lalake sa kaniya. Biglang nag-init ang mga kamay ni Sam nang maramdaman niya ang galit. Heto at nagsisimula na naman ang kakaiba niyang kapangyarihan. Lumalabas lamang ito kapag napipikon siya o kung hindi na niya mapigilan pa ang galit niya. " Mas mabuti na din iyan dahil maya-maya lang ay isasalang sila kapag nawalan na sila ng hininga." Dugtong pa ng lalaki sa kaniya. Tumayo siya na may namumuong galit sa mga mata niya. Hindi na niya kaya pa ang mga naririnig niyang sigaw mula sa mga kasamahan niya sa kulungan. Iniisip niya na kung meron man na dapat parusahan dito ay dapat siya 'yon. Kung kanina ay hindi siya nakakatayo ng tuwid dahil sa bagay na nakagapos sa paa niya, ngayon naman ay nakatayo na siya ng tuwid. Hinarap niya ang lalaki na may kinakalikot sa isa pang dingding na kaharap lang ng kulungan nila. Mabilis na inilibas ni Sam ang kaniyang kamay sa kulungan dahil sa naramdaman nga niya ang pag-iinit nito. Dahil sa galit ni Sam at sa pag-iinit ng kaniyang mga kamay ay natunaw ang metal na nakagapos sa kamay niya na siyang ikinatuwa niya ng bahagya. Kasabay naman ng paglingon ng lalaki kay Sam ang siyang pagbagsak din nito sa sahig. Ikinabigla naman iyon ni Alex na pansamantalang huminto sa kakatawag sa mga kasamahan nila. " Sabi ko sayo, patigilin mo eh! Ginawa mo yan sa sarili mo." Wika ni Sam sa lalakeng nakahandusay na sa sahig na nakatingin din sa kaniya at paunti-unting pumipikit ang mga mata. Natamaan lang naman ang lalake ng kuryente na nanggagaling sa itaas kanina. Ginamit ni Sam ang pagkakataon na iyon para sa lalake tumama ang kuryente nang ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan. Hindi naman siya nabigo. Nang mawalan ng malay ang lalake ay mabilis na hinawakan ni Sam ang sahig. Dinama niya ang lupa at ginamit ang kakayahan niya. Pansamantalang yumanig ang lupa. Nagkaroon ito ng biak at tumakbo ang biak papunta sa switch na pinindot kanina ng lalake para pahirapan ang kaniyang mga kasamahan. Nasira ito at kaagad na siyang nakahinga ng sa paglingon niya ay nakita niyang buhay pa ang lahat lalong-lao na si Liam na bahagyang hinihingal at tagaktak ang pawis. " You did it Ate!" Masayang wika ni Alex sa kaniya. Hinihingal man siya ay ginantihan niya ito ng ngiti ngunit hindi niya alam kong nakikita ba ito ni Alex, basta ang importante nginitian niya ito. Umupo naman kaagad si Sam sa sahig at inilabas niya ang paa niya sa relis ng kulungan. Mabilis siyang nag focus para painitin ang parte ng katawan na iyon para matunaw din ang metal na nakagapos sa paa niya. Nagtagumpay naman siya. Naisipan na niyang tumayo ngunit bahagya siyang nahilo kaya napahawak siya sa kaniyang ulo. Nakita iyon ni Liam, na kakarecover lang sa idinulot na p**********p sa kanila kanina. " Are you okay, young lady?" Hinihingal na tanong ni Liam sa dalaga. Tumango lamang si Sam at muli nang naglakad papunta sa kanila. " You? Are you okay? Sorry kung natagalan, ang tigas kasi ng ulo ng lalakeng 'yun!" May halong inis na sabi niya sa mga ito. Nilapitan naman niya si Hannah. She checked Hannah kung okay lang ba ito dahil hindi na ito muling umupo nang tumigil ang kuryente na nagpapahirap sa kanila kanina. Pero napaupo siya sa pagkakabigla nang bigla itong lumingon sa kanya na nakangiti, 'yung ngiting kikilabutan ka talaga na parang may sakit sa pag-iisip. " D*mn Hannah!" Sabi ni Sam. " Hahahaha!" Humalakhak lang si Hannah na nag-echo na naman sa buong kweba. Nanlaki naman ang mga mata ni Sam dahil hindi siya makapaniwala sa nasasaksihan niya ngayon kay Hannah. " Ate Samantha!" Bulalas ni Alex. Mabilis naman silang napalingon kay Alex. " Bakit Alex? May problema ba?" Sunod-sunod na tanong ni Sam sa binata. " I think this woman needs an immediate medication! Kakaiba po 'yung paghinga niya!" Kabadong wika ni Alex sa kanila. Pinapahiga niya ngayon ang babae sa may paanan niya para kahit papaano ay makahinga ito ng maluwag. Bigla nalang naging seryoso ang mukha ni Hannah ng marinig niya iyon mula kay Alex. As in nag-iba yung buong aura niya na ipinagtaka ni Samantha. " Just keep massaging her hand Alex! Just give me a minute." Ang sabi ni Sam. Tumayo na kaagad si Sam at nagtungo sa relis ng bilangguan. Huminga muna siya bago niya hinawakan ang relis. Pumikit siya at dinama ang bago niyang kapangyarihan na sa tingin niya ay isang fire power dahil sa ipinapakita nito sa kaniya na pag-iinit ng mga palad at ibang parte sa kaniyang katawan. Pinakiramdaman niya ang init na nagmumula sa kailaliman ng kaniyang pagkatao. Unti-unti niya iyong nararamdaman. Napagtanto niya kanina na makakagamit pala sila ng kapangyarihan, tanging ang metal lang na posas ang pumipigil sa kanilang mga kapangyarihan. Kaya ngayon ay malaya na niya itong nagagawa dahil natanggal na niya kanina ang posas sa kamay at paa niya. Biglang natunaw ang relis na hinawakan ni Sam. Muli siyang dumilat at bahagya pa siyang nagulat sa kaniyang nagawa. Napangiti siya ng makitang nagtagumpay nga siya sa kaniyang ginagawa. Kaya naman mabilis siyang lumingon sa mga kasamahan niya. " Makakaalis na din tayo, sa wakas!" Masayang turan ni Sam sa kanilang lahat na nakahinga din ng maluwag 'yung iba. Mabilis na lumapit si Sam sa kanila ngunit bahagya na naman siyang napahinto ng umikot ang paningin niya. Pumikit siya ng isang beses. Nang mawala ay kaagad din naman siyang nagpatuloy sa paglalakad. Ang una niyang tinulungang makatakas ay si Hannah. Ginamitan niya ito ng kaniyang bagong kapangyarihan. Kasunod naman ay si Liam at ang iba pa niyang kasamahan sa kulungan. Mga nasa sampu ata sila sa bilang niya. Mabilis naman niya iyong natapos dahil tinulungan din naman siya ni Liam, ngunit naramdaman na naman niya ang panghihina ng kaniyang katawan na hindi na lamang niya pinansin dahil nangingibabaw ang pag-aalala niya sa isa nilang kasamahan. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD