22

2808 Words
TWENTY-TWO... NAKATANAW lang si bintana si Sam habang iniisip ang mga narinig niya sa pag-uusap ni Marco at Scarlet. " Magkaibigan sila noon. That Former President was a friend of her." Bulong ni Samantha sa kaniyang sarili. Marami na ang mga katanungan pumapasok sa kaniyang isipan ngunit hindi niya alam kung papaano niya ito masasagot kung gayong hindi naman siya pinapayagan ng lahat at hindi naman siya sasagutin kung siya ay magtatanong. Napabuntong hininga naman si Yumi na nagbabalat ng mansanas sa may upuan. Napansin niya ata ang malalim na pag-iisip ni Sam kaya naman ay nagtanong siya sa dalaga. " Gusto mo bang malaman kung bakit ganon na lamang kung magalit at matakot ang lahat kay Yasmen?" Mabilis na nabuhayan ng loob si Sam at sabik na lumingon kay Yumi. " Akala ko ba hindi pe-pwede? Are you sure na sasagutin mo mga katanungan ko?" Sabik niyang tanong kay Yumi. " Oo naman! Kailangan mo na ata malaman ang totoo para maiwasan mo yung dapat na iwasan, katulad nalang ng pinupunto mo kanina." Sabi ni Yumi sa kaniya. Ngumiti naman siya kay Yumi. Sa wakas malalaman na din niya ang puno't dulo ng galit ni Scarlet sa kaniya kanina. " Yasmen Pris. That's her full name. She has a mother but died when she turned 12 or so? I don't remember though!" Panimula ni Yumi at binigyan ng kapirasong mansanas si Sam na ngayo'y tutok lang sa pakikinig sa kaniya. " Paano nagkakilala si Yasmen at Scarlet?" Tanong naman ni Sam dito matapos niyang kunin ang mansanas. " 'Yun ba? Bata pa lang ay magkakilala na talaga ang dalawa. Lagi silang magkasama kahit na saan man mapunta si Scarlet. Alam mo na, Scarlet is one of the Royal kaya kung titingnan mong maigi ay parang kanang kamay na niya si Yasmen. Yasmen's mother kasi ay kapanalig ng Ina at Ama nina Scarlet that's why magkakilala na sila simula bata palang." Mahabang paliwanag ni Yumi sa kaniya na tinatanguan lamang niya habang kumakain ng mansanas. " Then why did they turned like that?" Takang tanong niya habang kumagat sa mansanas. " As far as I know hindi lang siya ang kaibigan ni Scarlet sa mga panahong 'yun. Meron si Sophia, Liam, tsaka kasali na din ako." Pilyong ngiti ni Yumi. " As in lahat ng napasok sa Councils or SSG officers ay naging barkada niya, hindi nga lang katulad sa closeness nilang tatlo ni Yasmen at Alice." Napakunot naman ng noo si Sam, "Alice? Who's Alice?" " 'Yun na nga. Isa 'yun sa naging dahilan kung bakit siya kinamumuhian ng lahat. Okay na sana nong una eh. Tanggap at hinahangaan na sana siya ng lahat eh! Supposedly hindi kasi siya ang gusto ng buong academia na maging presidente ng paaralan. Iba ang gusto ng nakakarami. They want Alice. Si Alice na maganda, mabait, mala anghel ang mukha, matalino, at may nakakamanghang kapangyarihan na hindi basta-basta." Kwento pa ni Yumi sa kaniya. " Then nasaan na siya ngayon? Pinili na ba niyang umalis sa paaralan? Para mamuhay na ng normal?" Muli niyang tanong kay Yumi. Sa paaralan kasi nila ay walang graduate graduate na nagaganap. At wala ding specific age sa every level na mapapasukan ng bawat estudyante. Sa paaralan nila ay maaari kang mag aral doon para mapalakas ang iyong kapangyarihan at para na din madagdagan ang kaalaman mo. Makakaalis ka lang kapag natung tung kana sa edad na 25. Pwede ka din naman mag kusang umalis kung satisfied ka na sa kakayahan mo kahit na hindi ka pa nakakaabot ng 25 years old. " Sa pamumuno ni Yasmen sa paaralan ay dumating ang malaking problema. Lumusob ang mga black shadow sa paaralan para kunin daw ang nawawalang anak ng isa sa kanilang pinuno. Though hindi pa namin alam kung sino sa time na 'yun. So iyon na nga, may naganap na malaking digmaan hindi lang sa buong academia kundi sa buong kaharian ng Enchanted Kingdom. " " Tapos ano na nangyari? Sino ba ang hinahanap nila?" Sunod-sunod na tanong ni Samantha " Alice is just like you! May kakaiba sa kaniya na kinakatakutan at kinamamanghaan ng lahat. She has a different kind of power. It's like a sun, I guess? Umiilaw siya na nakakasilaw and it is a great power para sa mga black shadow noon. But a tragedy happened. It turns out na si Yasmen pala ang hinanap ng mga ito. And what's even worst was that Yasmen accidentally killed Alice, which is the reason why Scarlet hate Yasmen that much." Malungkot na saad ni Yumi kay Samantha na nabigla din sa rebelasyon na kinukwento nito. " Why did she killed that Alice? How is it happened accidentally?" " I don't know if it's an accident or not but she claim that it was an accident. Lumabas ang kapangyarihan niya. A black magic that is f*******n in our world because of its demonic impact. Nabigla siguro siya ng sabihin noong mga Black Shadow na siya ang hinahanap ng kanilang isang pinuno. Black shadow has a lot of bosses, but only one of them are the king. Pinuno lang ang sinabi nila so basically hindi siya anak ng hari ng kadiliman." " May ganon din pala dito? So ano na nangyari?" Excited na tanong ni Sam dito. " It's a terrifying scene. Ni hindi ko nga alam kung papaano ko ito nakayanang e kwento sa iyo eh. That time natamaan si Alice ng black magic ni Yasmen which is napakalakas dahil nagkan-- Hoo!" Naluluhang wika ni Yumi. She can't... Parang ayaw na niyang ituloy ang istorya. But what she need is acceptance. She need to accept the reality that Alice is gone. The one who helped her to gain confidence in public. Yumi used to be an introvert at si Alice ang naging daan niya para malampasan niya ang pagiging mahiyain. " You can stop if its difficult. I won't force you." Seyosong saad naman ni Samantha. " No..no. I-- I must tell you this in order for me to accept the fact that Yasmen didn't really killed her. I trust Yasmen, she's not an evil as what other think she is. " " If you insist." Ang tanging naisagot ni Samantha sa dalaga na ngayon ay nagpupunas na ng kaniyang mga luha. " So, 'yun na nga. Natamaan si Alice ng black magic ni Yasmen and then nagkapiraso- p--piraso siya. That was the horrifying thing that I've ever seen in this Kingdom. That time I was just a beginner in the prestigious class kaya hindi pa ako masiyadong hanas sa kakayahan ko kaya wala akong masiyadong naitulong sa mga panahong iyon. It happened three years ago, but that three years is just like yesterday for me." Sam is too stunned to speak. Nakatingin lang siya kay Yumi na puno ng kalungkutan ang mga mata. " 'Yun ang dahilan kung bakit galit si Scarlet kay Yasmen. At kung bakit takot ang nakakarami sa kaniya. But there's a twist." " A twist? What kind of a twist is that? Is it horrifying again?" Kabadong tanong ni Sam. " I don't know if it is horrifying to you. Matapos mamatay ni Alice. Pinatalsik kaagad si Yasmen sa pagiging Presidente niya at ipinatapon siya or to be exact ipinadala siya sa mga Black Shadow kapalit ng pag tigil nito sa paglusob ng kaharian. " " 1 week later, nabigla nalang kami ng biglang bumalik si Yasmen with a different appearance which is kung anong itsura niya ngayon ay ganon din nong bumalik siya. She's not like that, she's a feminine woman noon. Bumalik siya sa paaralan at kasama niya ang Reyna." " They announced na hindi si Yasmen ang hinahanap nila at hindi ito ang nawawalang anak ng pinuno nila. And Yasmen told everyone that day na sure siya na si Alice ang hinahanap ng mga ito which is patay na. Iyon din daw ang ipinaliwanag niya sa mga kumuha sa kaniya and make a deal para matigil na ang alitan ng mga ito." " What? Alice is also a daughter of some black demon or kung ano pang tawag niyo sa kanila!" Gulat na tanong ni Samantha. " Yes! But no one, as in no one ever believed her. And also no one listened to her explanation kung bakit niya nagawang paslangin si Alice. And funny that I am one of that! Sa perception ng iba ay hindi ito aksidente, but I cannot tell that part kung ano yung totoo sa hindi, dahil hindi ko nasaksihan ang pagtira ni Yasmen kay Alice." " Ang nakita ko lang at that time was Alice's body everywhere on the ground field." A moment of silent occur. Parehas silang natahimik at tila wala ng lumalabas na katanungan sa bibig ni Samantha dahil hindi niya masiyadong ma proseso ang mga e kwenento sa kaniya ni Yumi. Napansin naman ni Yumi ang katahimikan niya kaya naman ay kaagad itong nagtanong. " Hey! Are you okay?" Nabigla naman si Sam. " Huh! Ah.. Yeah!" She nodded. Bigla naman na bumukas ang pintuan at iniliwa doon si Diana na hinihingal. " Where's Scarlet? Yumi? Is Mr. President not here?" Sunod-sunod nitong tanong. Sila naman ni Samantha ay nabigla sa biglaang pagsulpot ni Diana sa kwarto. Kaagad naman na sumagot si Yumi. " Why? Is there any problem, Diana?" " That Gadd*mn Pris! Nawala siya sa kwarto. Kasalanan mo kasi to Samantha eh!" Nanlaki naman ang mata ni Sam sa sinabi nito sa kaniya. " Huh! Ba't ako? Eh kayo 'yung magkasama." " Ba't naman nasali si Sam? Hindi ba't ikaw ang nagbabantay sa kaniya?" " 'Yun na nga! Sa tingin ko pupunta 'yun sa dati niyang tambayan. Pagnagkataon edi kasalan na naman iyon ni Sam!" Iritado niyang wika. " Ano naman ba ang ginawa ko?" Nagtatakang tanong ni Samantha sa dalawa. " You should have call Mr. President! He's in the office right now. Ano pa't may telepathy ka kung hindi mo man lang gagamitin. Kaya nga pinagbawalan tayong gumamit ng cellphone diba!" Inis din na wika ni Yumi kay Diana na nagsimula ng mataranta. " Arghh! I hate you na talaga Yasmen! Ikaw din Samantha!" Inis niyang turan kay Sam na walang ibang magawa kundi ang mapangiwi ng dahil sa mga pinagsasabi ni Diana sa kaniya. " Pwede ba Diana mamaya na yan! May malaking problema pa tayo!" Galit na turan ni Yumi habang nagmamadaling tumayo. " W-why? Ano naman ba nagawa ko Yumi? Kasalanan ko na naman ba?" Sunod-sunod na tanong ni Samantha. " No! Just stay here and don't go out okay?" Nakangiti pa na turan ni Yumi na tinanguan nalang ni Sam. Mabilis na hinila ni Yumi si Diana papalabas ng kwarto at tumakbo sila papunta sa lugar kung nasaan si Yasmen. " Did you call Mr. President?" " Of course. He said he's gonna go there! Stop holding me will you?" Maarte nitong wika. Napairap naman si Yumi tsaka mabilisang binitawan ang kamay nito. Ang arte! Wika niya sa kaniyang isipan. Mabilis naman silang nakarating sa likod ng paaralan kung saan naganap noon ang paglusob ng dalawang malalaking Black Shadow at ang lalakeng sinaniban daw ng masamang nilalang. Ang lugar kung saan unang lumabas ang kakaibang kapangyarihan ni Sam. Ang lugar kung saan nagsimula ang sunod-sunod na pagkakapahamak ni Julia. " What happened here?" Dinig nilang sigaw mula sa 'di kaluyaan ni Yumi. Mabilis silang lumapit sa nagbabangayang Grey,Marco at Yasmen. " Stop it Yasmen! Go get up in your room. You're prohibited to go out , don't they say that thing to you?" Ma awtoridad na wika ni Marco. " I said what happened here? Is it hard to answer that question!" Galit nitong wika. " YASMEN!" Mapanakot na wika ni Scarlet na kakarating lang. Lahat ay napalingon sa direksyon ni Scarlet. Napatampal ng noo si Marco ng hindi sumunod sa utos si Scarlet sa kaniya. Sinabihan niya ito na wag ng maki-alam at baka lumaki na naman ang g**o. " Oh! You're here! Care to tell me what happened here?" Said Yasmen sarcastically. " Are you deaf! They said go back to your room. Ganiyan na ba katigas ang ulo mo?" " All I need, to know what happened here!" Pasinghal ng wika ni Yasmen. Nabigla si Diana kaya naman ay napahawak siya sa balikat ni Yumi na animo'y nagtatago. Kaagad naman na napairap si Yumi sa ginawa ng dalaga sa kaniya. May pa don't touch me pang nalalaman e nanghahawak din pala! Sa isip ni Yumi. Tinampal naman niya kaagad ang kamay ni Diana na nasa balikat niya and whispered, "Don't touch me!" Sinimangutan lang siya ni Diana at itinuon na uli ang paningin sa eksena. " Yasmen Pris. I order you to go back to your room now! Or I might gonna extend your isolation in one week. Disobey me and you are DONE!" Said Grey with full of authority. Walang nagawa si Yasmen kundi ang makipagtitigan na lamang kay Grey. She knows what a President can be capable of. But it doesn't mean she will give up sa gusto niya. " Then why don't you tell me the reason. Mr. PRESIDENT!" saad niya na idiniin ang huling salita. Grey just tsk-ed on Yasmen's question na ikinalingon ng lahat sa direksyon niya. " A murderer dare to speak on me.." mahinang bulong ni Grey na may halong pang-aasar pa na narinig naman ng lahat. Nabigla ang lahat na siyang ikinasinghap ng iba. Pati na din si Sophia na kakarating lang kasama si Lucas. Si Scarlet din ay nabigla at halatang may halong kaba sa mukha nito. Natatakot siya sa posibleng mangyari. Alam niya sa sarili niya na mas kinakatakutan niya si Grey kaysa kay Yasmen. Nag-igting naman ang panga ni Yasmen. " What did you said? Do you wanna die huh!" Matapang na sambit ng dalaga. " Then kill me if you can! Just like how you killed 'her'!" " Grey Stop that!" Said Scarlet habang pumapagitna sa kanila. Bahagya niyang hinawakan ang braso ni Grey at tinulak niya papalayo kay Yasmen. " What? Kung hindi niya ako susundin edi uungkatin ko!" Inis na wika niya kay Scarlet. " Edi ungkatin mo! Diyan ka naman kayo magaling eh! Ang manghusga! Simpleng tanong lang naman yung tinatanong ko sa inyo ,bakit hindi ninyo kayang sagutin?" " Yas! Tambayan lang yan. Pwede ka pa namang maghanap ng ibang tambayan. Bakit ba napaka big deal sa'yo ang pagkasira niyan? E luma na 'yan eh!" Saad ni Lucas kay Yasmen na napatingin sa kaniya. " Isa ka pa!huh! Siguro 'yung babaeng bago na naman ang may gawa nito noh! Kaya ganiyan kayo kung maka asta dahil natatakot kayo na magkagulo uli kami! Tsk!" Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Yasmen. Isang ngiting mapanuya. " Yasmen let's go!" Wika ni Sophia. Kaagad na hinablot ni Sophia ang kamay ni Yasmen at hinila na niya ito ngunit napatigil sila ng makaharap nila si Principal Gil sa dinaraanan nila. Masama itong nakatingin sa kanila na animo'y nakagawa sila ng napakalaking kasalanan. Gulat na napatingala si Sophia sa Principal nila. " Principal Gil?" " Diba sabi ko sa inyo na mahigpit na ipanagbabawal na palabasin at hindi iwanan ng mag-isa ang dalawa? Ano 'tong nangyayari ngayon?" Galit na turan ni Gil sa mga ito na natahimik sa pagdating niya. " She insisted to go--" natahimik bigla si Diana nang pasinghal na sumagot si Gil. " I don't need any of your explanation! Samantha...Aurora said she's gone in her room! Without any traces on CCTV!" Nabigla ang lahat sa sinabi ni Gil. Maski si Scarlet na nakahawak sa braso ni Grey nong inawat niya kanina ay bumagsak sa ere ang kamay nito. Mga ilang sigundo na natahimik ang lahat. Hanggang sa magsalita si Yumi. " Imposibleng mangyari yun Princip---" " No! She's gone, at hindi lang siya ang nawawala. Ngayon madaming naghahanap sa akin na mga studyante. Sinasabi kung nasaan ba daw ang Presidente ng paaralan at ng matanong nila kung bakit nawawala ang mga kaklase at kaibigan nila." Sarkastiko na wika ni Gil kay Grey na may halong pagpapahiya. " And it turns out na nandito lang pala siya at nakikipagsimula ng away sa dating Presidente naman! Are you a f*cking kids?" Galit na turan ng Principal sa kanila. " Paumanhin principal Gil, ako po ang naging dahilan kung bakit sila napunta dito. Kaya sa'kin ka sumigaw at wag sa kanila!" Matapang na saad ni Yasmen. Napailing naman si Gil sa tinuran ng dalaga sa kaniya. " Naah-ah! I don't need any of your excuses or so whatever. Gusto ko na kumilos kayo at hanapin ang mga nawawalang estudyante. Ngayon na!" Nagsikilos naman sila kaagad ngunit masama pa din ang tingin ni Gil kay Grey. Lahat sila ay nagmamadaling maglakad pati na din si Yasmen na naging seryoso din sa sinabi ng kanilang Principal. She's getting a weird feeling about it. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD