21

2670 Words
TWENTY-ONE... NAKA-UPO si Sam ngayon sa kwarto habang kaharap niya si Yumi that is wearing a big smile on her face. " Ayan! Okay na!" Pumapalakpak na wika ni Yumi sa kaniya. Kaagad naman siyang tumayo at nagtungo sa salamin para tingnan ang sarili niya dito. Okay na nga ang itsura niya kompara kanina. Hindi na mapapansin ang mga pantal pantal niya sa buong katawan. Hindi kasi siya nakatulog muli kagabi dahil gusto na niyang lumabas para maayos na niya ang sarili niya. Medyo nababahala kasi siya sa buhok niya dahil may ibang parte na nagkanda-buholbuhol sa hindi niya malamang dahilan. " Ang galing! Kanino ba galing ang gamot na iyan? Napaka effective ah!" Masaya niyang turan habang sinisipat ang ibang parte ng balat niya. " Uhmm- Sorry but, I cannot disclose that kind of information." Pilyong ngiti ang iginawad sa kaniya ni Yumi. " Bakit naman?" Kunot-noo niyang tanong at nilingon niya ito. " She doesn't like---" " Oww! So she's a girl." Bahagya naman iyong ikinagulat ni Yumi. Nasabi niya tuloy ang hindi dapat na sabihin. " Ah... By the way! Gutom ka na ba? May gusto ka pa bang gawin, para naman matulungan pa kita." Pag-iiba ni Yumi sa usapan. Kaagad naman na napansin ni Sam ang pag-ilag ni Yumi sa topic na iyon. Nahalata niya na iniiwasan nito ang patungkol sa nagbigay ng gamot niya. Hindi na lamang niya ito inabala pa. Muli siyang bumalik sa kama. " Pwede na ba akong lumabas?" Saad niya kay Yumi na nagliligpit na ngayon sa mga bulak na ginamit nila kanina sa pagagamot ng kaniyang mga sugat sa balat. " Kaya nga maraming pumupunta sa'yo dito kasi hindi ka pwedeng lumabas! Napag-utusan lang din kami ni Supremo kaya wag kang magreklamo kung hindi kita papalabasin ngayon." Seryosong saad nito sa kaniya. Napasimangot naman siya at pasalampak na umupo sa kama. Iniisip niya tuloy kung bakit ganito nalamang sila maka bantay sa kaniya e hindi na naman niya iyon uulitin pa ang mga nangyari. At kung gagawin man niya iyon ay hindi din niya ito kayang panimulan dahil hindi naman niya alam kung papaano iyon lumalabas sa kaniya. " Eh magaling na naman ako,Yumi. Bakit ba ayaw ninyo akong palabasin? At tsaka di naman ako sanay sa kwarto na'to. Baka pag nalaman pa ng iba, eh pagsabihan na naman ako ng kung ano-ano." Saad niya kay Yumi. Si Yumi naman ay napadasal ng wala sa oras dahil sa kakulitan ni Sam sa kaniya. Kailangan hindi siya madala sa mga salita nito dahil kapag nagkataon man ay lagot siya kay Grey. " Sam, please! Wag ka nalang lumabas. Magpagaling ka na lang diyan. Total hindi pa naman humuhupa 'yang sugat mo sa katawan. Maghihintay ka pa ng 18 hours bago mawala 'yan ng tuluyan." Pangungumbinsi ni Yumi sa dalaga na nilalaro laro lang ang isang bulak na hindi pa nagagamit. " Kayo huh! Kung ayaw ninyo ako palabasin, bigyan mo nalang ako ng isang dahilan kung bakit bawal? Nakakamatay kaya mag overthink noh!" Inis niyang singhal sa dalaga na napahinto naman sa pagliligpit ng gamot. Biglang bumukas ang pintuan kaya hindi na nakakuha ng sagot si Sam kay Yumi. Pumasok naman doon si Scarlet na nakakunot ang noo na animo'y galit na galit. " Scarlet? Ba't nandito ka na?" Tanong ni Yumi na medyo nagulat pa sa biglaang pagpasok ni Scarlet. Nagtaka naman si Sam sa itinanong ni Yumi kay Scarlet na nakakunot pa din ang noo. 'Ano ba talaga ang pinagawa sa kanila ni Grey? Ba't parang bantay sarado ako ngayon?' tanong niya sa kaniyang isipan. " I can't stand that b!tch! I'm just gonna stick with her." Pertaining on Samantha na napakunot na din ng noo dahil sa kalituhan. " Would you mind if you share some thoughts kung anong pinag-uusapan ninyo? I'm kind'a confuse right now." Tanong ni Sam sa kanila. Masamang tingin naman ang iginawad ni Scarlet sa kaniya, as if saying the word 'shut up'. " Am I not allowed to ask that?" Inosente niyang tanong na mas lalong ikinainis ng dalagang si Scarlet. " Just shut up! know your place before I burst into anger! We aren't joking here for godsake Samantha!" Galit na turan ni Scarlet sa kaniya na ikinabigla naman ni Yumi. Mabilis na hinawakan ni Yumi ang balikat ni Scarlet to calm her down. Masiyado talagang mainitin ang ulo ni Scarlet, lalo na kapag hindi sinisiryoso ng iba ang mga nagaganap na sitwasyon sa paligid nila. " Scarlet... Would you please?" Tanong ni Yumi sa dalaga para kumalma ito. Scarlet just rolled her eyes. Kaagad naman na nagbago ang mood ni Samantha. Pansamantala niyang nakalimutan na siya nga pala ang puno't dulo ng lahat nang ito. Kaya ganon na lamang siguro kung makapagsalita sa kaniya si Scarlet. Kung tutuusin nga ay maswerte siya at inaasikaso pa siya ng mga ito kahit na hindi naman siya ganoon ka importanteng tao. Tiningnan niya si Scarlet. Nakita niya ito na kinakalma ang sarili habang hinahagod naman ni Yumi ang likuran nito. " Sorry for my rudeness! Gusto ko lang naman malaman kung bakit hindi ninyo ako pinapalabas o kung anong dahilan ninyo para maiwasan ko naman ang dapat na maiwasan. Mahirap ba sabihin iyon?" Seryoso niyang saad sa dalawa na parehong lumingon sa direksyon kaniya. " Samantha! All you need to do is rest. Wag mo na problemahin pa ang ibang bagay diyan. Kami na ang bahala doon. At kung may kailangan ka pa ay kaya namin 'yong ibigay sa'yo basta't sumunod ka lamang sa iuutos namin sa'yo." Sabi ni Yumi sa kaniya na mas lalong nagpalito sa kaniya. " 'Yun na nga eh! Bakit niyo ba ako pinagsisilbihan kung hindi naman ako karapatdapat sa pagsisilbi ninyo? Sino ba ako para pagsilbihan ninyo? Yumi, di mo siguro alam kung bakit ako nakapasok sa paaralan na'to noh?" Wika niya na may halong galit. Kahit anong isipin niya ay wala siyang nakukuhang matinong sagot kung bakit pinagsisilbihan siya ng mga nakakataas sa kaniya. Napalingon si Yumi sa kaniya na medyo may pagtatanong sa mga mata. Well she doesn't really know kung papaano napasok dito si Sam. Ang alam lang niya ay bago si Sam sa paaralan nila. Sasagot na sana siya sa tanong ni Sam nang maunahan siya ni Scarlet na kaniya namang ikinabigla. " Because, you're so annoying! Napakatigas ng ulo mo, to the point na pagsisilbihan ka talaga para hindi ka makalabas dito! Is it hard to just stay still and rest huh? Samantha?" " At bakit nga ba pinagsisilbihan ka namin na mas nakakataas naman kami sa'yo? Are you dumb or you're just pretending to be dumb? Bakit nga ba?" Scarlet retorted na kaagad naman inawat ni Yumi. " Scarlet stop!" Said Yumi. " Dapat nga maging thankful kapa dahil hindi ka sa kulungan inilagay!" Dugtong pa ni Scarlet. Mapakla namang tumawa si Sam bago niya sinagot si Scarlet. " Mas magiging masaya pa siguro ako kung ibabalik ninyo ako sa pinanggalingan ko! I don't even wish to be a part of this world!" Then there, napahilamos na sa mukha si Yumi dahil frustrated na siya sa dalawa. Mukhang mag-aaway na ito anytime. " Oh ghad!" She exclaimed out of frustration. " Huh! Sana pala hindi na kita ginawan ng gamot! Pareho lang naman pala kayo ng pag-uugali nong Yasmen na 'yun! Mga pasaway, matigas ang ulo at hindi sumusunod sa patakaran. Be a grown woman Samantha!" Napatayo naman si Sam sa sinabi ni Scarlet. " I don--" " Yahhhhhh! STOP! just... Just stop okay! We're not enemies here! Scarlet? You're talking as if you're a grown woman on your own but it's not! You two look like a children arguing in a little matter! Wag ninyong gawing malaki ang napakamaliit na bagay! Jusko! Ako yung na iistress sa inyu! Hoo!" Sabi ni Yumi sa kanilang dalawa ni Scarlet. Kaagad na tumaas ang kilay ni Scarlet ng marinig niya ang mga katagang iyon mula kay Yumi. Sasagutin na niya sana ito ng bigla na namang bumukas ang pintuan. Napalingon silang lahat doon. Pumasok doon si Marco. Galit ang makikita sa mukha nito na diritso lang na nakatingin kay Scarlet na hanggang ngayon ay nakakunot pa din ang noo. " Ano bang kaguluhan yan? Umagang-umaga ang iingay ninyo? Dinig na dinig kayo sa labas?" Sabi ni Marco na may halong galit sa tono nito. Kaagad naman na sumagot si Samantha. " Sorry, it's my fault. Hindi ko kasi sinunod ang mga utos ninyo. Pasensya na!" Tinapunan lamang siya ng tingin ni Marco at hindi man lang sinagot. Muling ibinalik ng binata ang paningin niya kay Scarlet. " Scarlet? Let's talk!" Ma awtoridad na wika ni Marco kay Scarlet na masama na ding nakatingin sa kaniya. " Wala na tayong pag---" " Scarlet!" Mapagbanta ang boses ni Marco kaya naman walang nagawa si Scarlet kundi ang maipairap na lamang. Padabog na lumabas si Scarlet sa kwarto. Sumunod naman kaagad si Marco sa kaniya. " What was that?" Tanong kaagad ng binata ng makalabas sa pintuan. " She started it! Nagpapa victim siya masiyado, e siya naman ang puno't dulo ng lahat ng ito!" Singhal ni Scarlet kay Marco. " She doesn't know anything Scarlet! Baka nakakalimutan mo 'yun?" " Malay ba natin? As what Grey said we don't even know her! Baka nga kasabwat siya nong kumuha ng libro eh!" Mahina niyang turan, para sila lang dalawa lang ang makakarinig. " Babalik na naman ba tayo sa umpisa Scarlet? Diba pinaliwanag na iyon ni Ms. Aurora sa atin?" Mahinahon na ang boses ng binata. " Tsk! I don't trust people who sees the future, Marco. Maybe it's a lie to just shut our mouth. Nakita mo naman 'yung babaeng 'yun diba? She's different from us! There's something weird on her that I can't explain!" Sabi ni Scarlet na nakaturo pa sa pintuan. " Scarlet, hindi siya si Yasmen okay! Don't think of comparing her to that subtle woman because they're totally different! Don't tell me-- you're afraid to repeat its history again?But this time on S--" " Just shut up will 'ya! Don't you ever say that horrible thing on me, EVER! It made me sick Marco!" Natahimik naman si Marco nang makitang napa-hilamos na sa kaniyang mukha si Scarlet. He knows why she's acting like that. She's afraid of something. Something that she can't afford to happen again 'cause it might cause her to be insane. A strong sophisticated woman , yet a very soft one when it comes to relationships. That's Scarlet. " It's okay! You don't need to worry. Sam is different from her. You should try to not compare them as what you did 3 years ago." " I don't f*cking wish to be her friend again! What's done is done! I don't give a f*ck Marco. So please stop!" Galit na wika ni Scarlet sa binata. " Okay! Relax. Just go to the office. Ako na bahala kay Yasmen." Mahinahon na wika ni Marco. Napalingon naman sa kaniya si Scarlet na ngayon ay malumanay na ang tingin. Nakangiti naman si Marco ng tiningnan siya ni Scarlet. Parang kanina lang galit pa ito tapos ngayon pasimple na lang itong ngumingiti. " It's okay! I can handle her. Hindi naman yun sumusuway sa'kin eh. You know that no one would gonna dare to touch me." Wika nito na bahagya pang tumawa. ****************** Samantala, bagot na bagot naman si Yasmen sa kaniyang kwarto at tila bantay sarado siya ngayon ng mga councils. Gusto na niyang lumabas para makapunta sa tambayan niya na matagal-tagal na niyang hindi na pupuntahan. Ngunit hindi pa din naman nawawala sa isipan niya ang babaeng nakalaban niya sa arena na si Samantha. Napansin niya sa aura nito na may kakaiba itong tinatago na kapangyarihan na ikinabigla niya noon kaya hindi siya kaagad nakalaban. Ang akala niya ay siya lang ang tanging estudyante sa paaralan nila na may nakakabiglang kapangyarihan ngunit nagkamali siya. " Will you stop walking? Ako yung naiinip sa'yo eh!" " Tumahimik ka Diana. Baka di kita matantiya!" Inis na wika ni Yasmen kay Diana. " Huh! Hahaha! Ang lakas naman ng loob mong kalabanin ako noh!" Maarteng turan ni Diana sa kaniya. " Kung si Scarlet nga napa alis ko ikaw pa kaya?" Sagot naman niya kay Diana. " Stop disobeying Yasmen! Kung anong iuutos namin sa'yo sundin mo dahil hindi mo pag-aari ang lugar na'to! And don't you ever try to insult our responsibilities, kasi hindi mo naman nagawa ang responsibilidad mo noong ikaw pa ang nanunungkulan sa paaralang 'to!" Seryosong wika nito sa kaniya. Napahinto siya sa mga salitang narinig niya. Mabilis siynag lumingon sa direksyon ni Diana. Diana maybe a b***h but she's a loyal one in terms of everything that has a serious matter. She's also motivated in participating in such particular activities in their school and is really capable to be a leader on her own way. Of course she has a wit, 'cause she's one of the Royals in the whole Enchanted Kingdom. But sometimes, jealousy is her gratefull enemy in herself that is why she can do wrong things that she thinks are right. " I'm not disobeying anything! I did wlhat I did para sa ikabubuti ng lahat. Stop talking as if you know my side! Kayo naman yung dahilan e kung bakit ako nagkaganito! A toxic people with a toxic mindset!" Galit niyang wika kay Diana na napatayo na din dahil sa sinabi niya. " Yasmen, don't blame us sa nangyari sa'yo! You're supposedly not belong in here! So stop acting like we're the bad ones!" Mataray na wika ni Diana sa kaniya. Nag-igting naman siya sa galit ng marinig niya iyon mula kay Diana. Lahat nang masasakit na pangyayaring noon ay tila nagbalik buhay sa isipan niya. May namuong luha sa mga mata niya. She immediately turn around para hindi iyon makita ni Diana. " Stop talking like we are the toxic one!" Dugtong pa ni Diana. " You'll never know because you're clueless! You may know the half of it but the whole stories are NOT! Now get out of here before I kill you!" Galit na niyang wika habang nakatalikod lang kay Diana. Natakot naman si Diana dahil sa alam niya kung anong klaseng tao si Yasmen. She is literally different from all of them. Just like what she said earlier that Yasmen supposedly not belong in here but is considered because of her contribution in the whole kingdom. Though people judge Yasmen because of her dark past that even her doesn't know. " I know what you are and what you're capable of ,but with all due respect, I cannot obey your order. Ayokong mabigyan ng parusa galing kay supremo!" Napabuga nang hangin si Yasmen dahil sa sinabi ni Diana sa kaniya. Kaagad niyang pinunasan ang luhang kumawala sa pisngi niya. Iniisip niya kung meron pa bang tao sa mundo nila na tanggap siya ng buo at hindi hinuhusgahan. All she need was a little bit of understanding that no one would give on her because all of them are afraid. Dapat nga maging masaya pa siya because lahat ng nakapaligid sa kaniya ay kinakatakutan siya. But sometimes, she's longing. Longing from her past which is everything seems to be perfect for her,but a big tragedy came that changed her whole life. She wasn't prepared on that one. Ang akala niya siya na ang pinakaperpekto sa buong paaralan nila but it turns out differently. " I'll be back in a minute. Kukuhanan lang kita ng pagkain." Magalang pero medyo may pagka masungit sa tono na wika ni Diana. " Kahit wag ka na bumalik. Okay na ako na dito! Wag kang mag-alala,di rin naman ako makakalabas." Walang emosyon niyang wika. Inirapan lang siya ni Diana, thought hindi niya nakita kasi nakatalikod siya at nakatingin lang sa labas ng bintana. Tinatanaw ang kabuuan ng academia. Muling nanumbalik sa kaniya ang mga panahong hinahangaan pa siya ng lahat. Na pati Reyna ng buong Enchanted Kingdom ay gusto siyang ipakasal sa panganay nitong anak. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD