18

2331 Words
EIGHTEEN... Sophia's POV WE'RE all stunned sa nagawa ni Sam. Hindi ko lubos na akalain na may tinatago pala siya na ganoong kakayahan. Now I fully understand why Ate Aurora chose Sam to stay in this Academy. Napasinghap ako ng walang hirap kaming pinatilapon ni Sam. Medyo nakakahiya sa part namin na mga Royals kami pero tumaob kami ng dahil lang sa isa. Pero hindi ko na iyon inabala pa. Mabilis akong napatayo kasunod doon ay ang pagdating ni Grey at ng iba pang miyembro. Tinungo ko naman si Scarlet para tulungang tumayo na ngayo'y walang habas sa pagmumura. "Sh*t! How could she do that thing on me?" Galit pa niyang saad ng mahawakan ko ang kaniyang braso upang tulungan siyang tumayo. Kilala ko si Scarlet. Pikunin ito pero inilalagay naman niya sa tamang lugar ang emosyon niya kaya naman ay hindi ko na siya sinuway pa, bagkus tinanong ko siya tungkol sa kalagayan niya. "Okay ka lang ba? Di ka ba nasugatan?" Lumingon naman siya sakin na nakataas ang kilay. "Importante pa ba yan sayo?" Iritado nitong wika sa'kin. Inirapan ko nalang siya dahil naiinis ako sa kaartehan niya. Muli kong nilingon ang direksyon ni Sam. Nakita ko na nakalapit na sakaniya si Grey at hinahawakan siya nito. Hindi pala hawak,kundi yakap. Weird man kung titigan pero para sakin ay hindi, dahil nakita kong ginamit ni Grey ang kapangyarihan niyang magpatulog. Ako naman ay mabilis na tumakbo sa direksyon nila para sana tulungan si Sam ngunit naunahan ako ni Marco at ni Ate Aurora. May dala silang tela at mabilis nila itong hinagis kay Sam para matabunan siya nito. Pinapakalma ata nila si Sam sa pamamagitan ng pagtaklob ng kumot o tela sa kaniyang ulo. Bago pa mag-landing ang tela na inihagis nila Marco ay may napansin akong kakaiba kay Sam. Sandali akong napahinto sa paglalakad at inisip kong guni-guni lang ba ang nakita ko. Pero nawala iyon sa isip ko ng bigla akong hilain ni Scarlet. "Ano pa ba tinatayo mo diyan? Let's go! We need to help those idiots!" Asik nito sa'kin habang hila-hila niya pa din ako. She's pertaining to those contestant na tumulong sa laban kanina at nagkasugat dahil sa ginawa ni Sam sa kanila. "Maka idiot ka ah. Kala mo naman di ka kasali!" Panunukso ko sa kaniya. Ngunit ang paningin ko ay nasa direksyon nila Grey. Sinisipat ko sila at nakita kong kinarga ni Liam si Yasmen. Nakita ko din na kinarga ni Marco si Sam and immediately run. Probably sa pagamutan sila or maybe in some private area. Naramdaman ko na binitawan ni Scarlet ang kamay ko ng padabog. Kaya naman kaagad akong napalingon sa kaniya. "Shut up Pia! I'm not in a mood today!" Saad nito na may pagka awtoridad. "Inunahan mo ako eh!" Sagot ko naman habang tinutulungan ang isang studyante sa pagtayo. "Are you okay?" Tanong ko sa aking tinulungan. "Yes Miss! It's a pleasure to have your attention on me." Magalang nitong saad sa'kin. Medyo na cringe naman ako kaya pasimple nalang akong tumango. Tss! Halata naman ang pagka plastik sa tono nito. May pa pleasure pleasure pang nalalaman. Tinulungan ko pa ang iba hanggang sa matapos kami ni Scarlet. Natawa ako ng padabog niyang tinanggal ang suot niyang uniporme ng Upper class. Yan kasi , sabi di kakasya yan eh kasi di naman siya Upper Class. It's our job to make sure every student in this school to be safe in this kind of situation. It is to remain silence and respect towards other students. It is for them to understand that we are equal in terms of crisis and we are not Royals but a member of the council and one of the trusted students in Enchanted Academy. Mabilis naman kaming sumunod kina Marco para maki-update sa mga nangyari matapos naming masigurado na okay na ang lahat ng nasa field. Kenansela na nila ang paligsahan at sinasabing doon na daw nagtatapos ang laro. Wala namang nagreklamo dahil halos lahat ng estudyante sa paaralan ay nasaksihan ang mga pangyayari kanina na hindi namin lubos akalaing mangyayari. We thought this game would go smooth as it is but it ruined nang dahil lang sa pagbabalik ni Yasmen galing sa Enchanted Kingdom. Yes si Yasmen yung dapat sisihin dito 'cause she always violate the rules that's why laging may gulong nagaganap kapag nandiyan siya. I don't hate her or so, pero nakakabanas na kasi yung pagsusuway niya sa mga rules eh. But rather to hate her, I'll try to understand her. I know what she pain the most that's why I'm trying to understand her. Pero pag sumobra na siya, aba'y ibang ibang usapan na yun. Nakarating kaagad kami ni Scarlet sa clinic ni Mrs. Benitez. Doon nakasalubong namin si Lucas na halatang kabado dahil sa mga nasaksihan at tagaktak din ang pawis nito. Napa-iling ako ng makita ang sitwasyon ni Lucas. Pagmamahal nga naman, kawawang Lucas. Naisipan kong lapitan siya para pagaanin ang kalooban niya. "Hoi!" Gulat naman itong napalingon sa akin. "B-bakit?" Utal nitong sagot tsaka pinunasan ang pawis niya sa noo. Tinapik ko ang balikat niya. "It's okay. You need to relax. Hindi pa mamatay si Julia okay! Cheer up ka lang!" Saad ko sa kaniya. "Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Kunyari pa niyang tanong. "Tss. Ewan ko sa'yo Lucas! Bala ka na nga diyan." Asik ko sa kaniya at bumalik na sa tabi ni Scarlet na masasabi kong bagot na bagot na dahil sa itsura ng mukha nito. Arte talaga ng babaeng 'to! Di man lang nakikisimpatiya? Tss. "Ma'am kamusta po si Julia?" Tanong ko kay Mrs. Benitez. Lumingon siya sa'kin na animo'y hindi inaasahan ang presensya ko. "Okay naman siya. Kailangan lang niyang makabawi ng lakas. Normal naman yung pag hinga niya kaya makaka recover lang din siya kaagad." Sagot ni Ma'am sa'kin. "That's good to hear." Saad ni Scarlet Ako naman ay medyo nakahinga ng maluwag dahil kahit papaano'y napalapit din saamin si Julia. Minsan na siyang sumama samin kumain at masasabi kong napakabait niyang tao at lagi niyang inuuna ang iba kahit na walang wala na siya. Nakakaawa lang dahil kaka-confine lang niya noong mga nakaraang araw tapos ngayon na confine na naman siya. "Lucas let's go! Kailangan pa tayo ni Supremo." Tawag ni Scarlet kay Lucas at hinawakan ang kamay nito tsaka bahagyang hinila. Palihim akong napangiti kasi kahit gaano pa man kasungit 'tong si Scarlet ay may paikalam pa din siya sa mga taong malapit sa kaniyang damdamin. "Tara na Lucas. She's okay now so no need to worry." Sabi ko naman sa kaniya. Napabuntong hininga siya atsaka muling sinipat si Julia bago siya magsimulang maglakad papalabas ng kwarto habang hawak naman ni Scarlet ang kamay niya. Sumunod naman ako sa kanilang dalawa matapos kong magpaalam kay Mrs. Benitez. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang isipin ang mga nangyari kanina. Kung ganon kalakas si Sam ay dapat lang talaga na mapasok siya sa upper class at nang masali siya sa council dahil sa angking kakayahan nito. Hindi ko talaga ipagkakaila na gusto ko talaga ang pagkatao ni Sam. Ang hilig niyang mang- gulat ng tao sa paligid niya. Lahat ng atensiyon nakukuha niya dahil sa angking kagandahan nito na hindi ko itatangging nagpapadagdag sa kaniyang charisma. "Saan ba dinala si Sam?" Basag ko sa katahimikan naming tatlo. "Maybe in the guest room?" Sagot ni Lucas na medyo nahimasmasan na kanina sa pagkakaba. "They probably did." Sang-ayon naman ni Scarlet na tinanguan ko nalang. Mabilis naming narating ang special guest room. Doon naabutan namin si Grey na kinakausap ng masinsinan si Principal Gil sa may bandang bintana. Si Ate Aurora naman ay nakaupo sa tabi ni Sam na nakahilata sa kama habang pinupunasan nito ang mga sugat na natamo ni Sam. Nakita ko sa peripheral vision ko na lumapit si Marco kay Lucas habang si Scarlet naman ay nilapitan si Yumi na nakatayo lang sa may gilid habang pinagmamasdan sina Grey at Principal Gil. Ako naman ay kaagad na lumapit kay Ate Aurora na panay punas pa din sa walang malay na si Sam. "Ma'am are you okay?" Tanong ko dito na siyang ikinalingon niya sa'kin ng patingala. "I should be the one asking that question to you Sophia?" "I'm okay. It's just a scratch for us. Mind if I do that?" Pertaining the works she do on Sam. "Will you?" Balik na tanong ni Ate sa'kin. "Of course." Nakangiti kong tugon. Iilan lang ang nakakaalam na magkapatid kami ni Ate Aurora. Not by blood but by heart. Hindi ko na din pa inabala si Mommy sa pagtatanong kung saan nanggagaling si Ate dahil makakasakit lang ito sa kaniya. Kapag naman ino-open ko ang topic kay Daddy ay nagbibingi-bingian lang din ito sakin kaya minabuti ko na lamang na hindi magtanong. Hindi pa nga ako nakakapagsimula sa pagpupunas ng sugat ni Sam ng marinig ko ang ma awtoridad na boses ni Grey mula sa likuran ko. "Just leave her alone Phia! It's not your job though. We need to gather everyone for our meeting." Lumingon ako sa kaniya at tinitigan lamang niya ako ng walang emosyon. "Okay." Ang tanging naisagot ko na lamang kay Supremo. Batid kong seryoso ito at napansin ko din na panay ang buntong hininga nito which is not normal in him. Muli kong tiningnan si Samantha habang inasikaso na ng isang nurse. Mahimbing pa din itong natutulog pero kahit na may mga galos ay kita pa din ang angking kagandahan nito na hindi ko pagsasawaang tingnan. 'Di katulad kay Scarlet na magsasawa ka talaga dahil sa kasungitan nito. Tsk! Speaking of Scarlet, bigla na naman niya akong hinila papaalis sa kwarto ng walang pasabi na ikinainis ko. "Hilig mo talagang manghila no!" Saad ko na may pagka sarcastic. "Eh kaysa naman iwan kita. Alam mo naman na ayaw ko nang mabagal hindi ba?" Iritado nitong wika sa'kin. "Tsk!" Ang tanging naisagot ko na lamang. Papunta kami ngayon sa headquarter para magsagawa ng pagpupulong tungkol sa ginawang g**o ni Yasmen at Sam. Hindi ko man alam kung anong mga susunod na mangyayari pero ipagdarasal ko na lamang na ito'y makabubuti sa sitwasyon ng nakakarami. Nakasalubong namin si Diana na as usual nag fe-feeling reyna porket wala ang amo. May sinabi siya na totoo naman talaga kaya hindi ko nalang ito pinatulan pa. "Tsk! Kay bago-bago pa bida! Alam mo Cheska simula ng dumating ang Sam na yan dito kung ano-ano nang nagyayari sa paligid. Nakaka-inis!" "True ka jan bes!" Sang ayon sa kaniya ni Cheska na simula bata palang ay kaibigan na niya. Oo,totoo na dumami ang mga problema sa paaralan simula nong makapasok si Sam dito. Pero I think hindi naman iyon ang dahilan, siguro nga lang lapitin si Sam ng trahedya kaya palaging nasasangkot sa g**o. At isa pa, noon pa man ay marami na talagang kaganapan pa tungkol sa Black Shadow pero mas domoble ito ng makalabas ang libro sa paaralan at makapasok si Sam dito. Nang makarating kami sa harapan nila Diana ay kaagad silang nag bow sa harap ni Grey. "Supremo!" Gulat na wika nilang dalawa ni Cheska. "To the HQ now!" Ang tanging sagot ni Grey sa kanila. Oo, kasali sila sa pagpupulong Isa sila sa mga representative ng upper class kaya naman kasali sila sa pagpupulong ngayon. Nang makarating sa headquarters ay inintay pa namin ang ibang council member. Nang makompleto ay sinimulan na namin ang pagpupulong. "Ano po bang pagpupulungan natin supremo?" Kaagad na tanong ni Keil from lower class. He's one of the representatives at lower class. "We need to discuss about Yasmen and Sam. I need all of you to cooperate." Saad ni Grey sa'min. "Ano pa bang kailangan nating pagpulungan patungkol sa kanila? They are out of our hands. Hindi na natin problema iyan kundi problema na yan sa nakakataas." Iritadong wika ni Josh. "Hey! If you don't want to cooperate then you're free to go. Marami pa namang willing diyan na sumali sa Council eh! It's not a headache for us when it comes to changing members!" Iritado ko ding wika sa kaniya. Pinasadahan naman niya ako ng nakamamatay niyang tingin. Tsk! Kung sa babae ang mataray ay si Scarlet. Sa mga lalake naman ay Si Josh thought he is just a representative in middle class kaya mabilis lang siyang napapatikom. Nakita ko naman na kinurot siya sa tagiliran ni Fey. He's long time partner ewan ko lang kung sila pa ba hanggang ngayon. Wala din naman akong pake. "Kung sino man ang hindi gustong sumali. Then you may now leave this room forever." Ma awtoridad na wika ni Grey. Natahimik naman ang lahat. Hanggang sa binasag ito ni Scarlet. Ayaw na ayaw niya talaga ng nababagot eh. "Can we start now? Medyo late na kasi noh? Ano? Labas na ang hindi sasali, bilis! Oh ikaw Josh, ano pa tinutunganga mo diyan? Labas na!" Sarcastic nitong wika sa lahat. "I-I did-didn't said na ayaw ko." Utal na sagot ni Josh na ikinangiti ko. Nagsimula na nga kaming pagpulong. Binigyan kami ng kaniya-kaniyang task ni Grey na medyo mahirap siya pero keri naman namin basta magtutulungan lang. " For all the representatives in all level. You must ensure that all student must not talk about the incident in class hours. Announce that to all of them and there's a big punishment if they disobey my order." Tumango naman lahat ng representative. Including Diana na sige sa pagpapansin kay Lucas. Well, sorry nalang siya may nakakuha na ng puso niya. Hanggang matapos si Grey sa dapat niyang ipagawa samin. Kasama na doon sa ipina-uutos niya ang pagmomonitor kay Yasmen at Sam. Mahirap na baka pag gising nong dalawa may part two na magaganap. Nang matapos ang lahat ay naisipan kong pumunta kay Ate Aurora dahil sa hindi ko matigilang isipin ang aking mga nasaksihan kay Sam. Ikanga nila curiosity can kill you. And I'm really curious right now. Iniwan ko na lamang doon si Scarlet dahil tatarayan lang ako non pag nagtanong ako patungkol kay Sam. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD