NINETEEN...
Samantha's POV
NAGISING ako ng maramdamang may nakatingin sa'kin. Masakit ang katawan ko na hindi ko maipaliwanag pero kaya ko namang gumalaw. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay puting kisame ang sumalubong sa akin.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto at doon ko nakita ang mukha ni Grey na nakatingin ng seryoso sa'kin. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ng dahan-dahan lamang at hindi ko pinahalata sa kaniya na masakit ang buo kong katawan.
Nakita ko siyang umupo sa may upuan at humarap sakin habang seryoso pa ding nakatingin na animo'y may malalim na iniisip. Doon ko naalala ang aking nagawa. Nanlaki pa ang aking mga mata at bahagyang inangat ang aking dalawang kamay upang tingnan ang aking mga palad.
Hindi na ito mainit katulad ng aking naramdaman nong magalit ako kay Yasmen.
"Si Julia? Kamusta?" Basag ko sa katahimikan naming dalawa.
" I thought hindi ka na nakakapagsalita. Kanina pa kita hinihintay na magsalita." Monotone niyang saad sa akin.
"Pasensya na." Pagpapa-umanhin ko sa kaniya at bahagya pang yumuko.
Nabigla naman ako ng inabutan niya ako ng isang basong tubig.
"Drink this first para bumuti ang pakiramdam mo."
Kaagad naman akong nag angat ng tingin at napatitig sa kaniya.
"Do you want to drink it or not?" Iritado nitong wika.
"Ahh- sorry!"
Mabilis kong inabot ang tubig sa kamay niya at ng mahawakan ko ang kamay niya ay parang may kuryenteng dumaloy sa akin na bahagya kong ikinatigil. Nakapatong lang ang kamay ko sa kamay ni Grey kaya naman hinablot niya ito na nagpabalik sa'king ulirat.
Mabilis ko namang ininom ang tubig tsaka inilagay sa maliit na lamesa na nasa tabi ng aking hinihigaan.
"Julianne is Okay. But you is not okay. Now don't you dare go out in this room hanggat hindi ka pa tuluyang gumagaling. Do you understand?" Saad ni Grey sa'kin na ikinabigla ko talaga.
At alam kong napansin niya na nabigla ako kaya naman bahagya siyang ngumiti sa'kin. Wait... What? Ngumiti siya? Si Mr. President ngumiti sak--.
Doon pumasok ang mga ala-alang nakalimutan ko ng dahil sa alak. Tama, hindi pala ito ang unang beses na nginitian ako ni Supremo. Ngunit lasing siya ng mag oras na iyon. Lasing ba siya ngayon kaya siya ngumingiti sa'kin?
Nakakalito naman to si Grey. Ano ba nginiti- ngiti niya sakin, di ako sanay.
"Stop overthinking Samantha. Just rest and prepare for your own party." Wika niya sa akin na ipinagtaka ko.
"Party? What party? Tsaka si Yasmen, hindi pa naman siguro siya patay no?" Kinakabahan kong tanong.
Baka kasi party ito dahil namatay yung sinasabi nilang Yasmen na masama daw ugali. Ano ba tong pinasok ko lord!
Dahil sa tanong ko ay bahagyang natawa si Grey na siyang ikinatulala ko. Di ko alam pero sa tingin ko bumabagal talaga ang oras kapag nakikita ko siyang tumatawa sa harap ko.
His smile is enough to take my breath away. OA man akong pakinggan, totoo naman.
Hindi ko tuloy mapigilang isipin kung minsan na ba siyang ngumiti sa iba ng ganiyan? Kasi ako, ngayon ko lang siya nakitang tumawa at ngumiti ng hindi pini-peke.
Dahil na sobrahan siya sa tawa ay inis ko siyang tinanong.
"Ba't ka tumatawa? May nakakatawa ba sa tanong ko?"
In instant ay tumigil kaagad siya sa kakatawa at bumalik na naman sa pagka serious face niya. Parang abno ang p*ta!
"No. Yasmen is not dead. Hindi ka naman ganon kalakas para mapatay mo ang former president ng paaralang to." Paliwanag niya sa'kin.
Tumayo siya tsaka may hinalungkat sa bag na sa tingin ko ay sa kaniya. Ngunit wala doon ang atensyon ko kundi doon sa sinabi niyang Former president ng paaralan.
"WHAT? Yasmen is the former president of this school? How?"
"Long story! At hindi mo na kailangan malaman. Just focus on your recovery and stop thinking of those useless thing."
"Useless thing? Huh! Is that a usele- Aray!" Napadaing ako ng may tumamang matigas sa ulo ko.
"Oopss! Sorry my bad!" Saad niya na bahagya pang ngumiti. Nang-aasar ba siya? Well hindi bagay sa kaniya. Tiningnan ko naman ang inihagis niya sa'kin. Sa gulat ko ay kaagad kong hinawakan ang leeg ko para e check kung tama ba ang nakikita ko.
"What is this?" Angat ko sa kuwentas na hinagis niya sa akin. Medyo napangiwi pa ako ng maramdaman ang sakit ng katawan ko.
" I think you already know what is that Sam. Nahulog siya nong sinalo kita. Pinulot ko kasi baka sa'yo yan. So hindi pala 'yan sa'yo?" Kahit sa pagsasalita niya ay mapapansin mo pa din ang pagka seryoso nito kahit na para sa'kin ay pinaglalaruan niya ako.
"I mean, yes it's mine but... Can you really see it?" Tanong ko pa sa kaniya. Medyo hindi ako satisfied sa sagot niya e.
Nakikita niya ang kuwentas na ako lang ang nakakakita noon. Yung kuwentas na umiilaw din kapag nagagalit ako o kapag lumalabas yung kakaibang kapangyarihan ko na hindi ko alam na meron pala ako?
"Yes! It's an object Samantha! Don't make me confuse of it." Sagot niya habang lumalapit sa'kin. Tsaka niya hinablot ang kwentas sa kamay ko.
"What are you doing?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.
Umikot lamang siya sa likuran ko. Naramdaman ko na lamang na isinuot niya ang kwentas sa aking leeg. Hindi na lang ako Nag-reklamo pa dahil wala namang mali sa ginagawa niya.
"Done! Ngayon ko lang napansin na may maganda ka palang necklace. It suits you really well." Sambit nito sa'kin.
Hindi ko man nakikita ang mukha niya dahil nasa likod ko siya ngunit alam kong nakangiti ito sa akin. Ewan ko pero bumibilis ang t***k ng puso ko kapag ngumingiti siya sa'kin kaya naman kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangiti siya sa akin dahil sa bilis ng t***k ng puso ko na hindi ko maipaliwanag. Baka may sakit na ako sa puso dahil sa anger issue ko na hindi ko makontrol.
Pero hindi naman ako ganito dati. Nagagawa ko namang kontrolin, pwera nalang kung sumusobra na sila , sasabog talaga ko sa galit.
"But what do yo mean by party?" Tanong ko na bahagya pang lumingon sa kaniya sa likod para lang makita ang reaksyon niya sa tanong ko.
"You'll know once you fully recover." Saad niya na medyo nginitian ako ng bahagya.
Oh ghadd! Kailan ba siya titigil kakangiti sa'kin? It makes me uncomfortable. Nawawala yung angas ko sa kaniya. Umiwas nalang ako ng tingin sa kaniya. Bahagya kong hinawakan ang kwentas na inilagay niya sa'kin.
Papaano niya kaya nakita ang kwentas na'to? Baka naman nag activate ito ng maramdaman kong umiinit ang mga palad ko. O baka naman ito yung dahilan kong bakit panay ngiti na siya sa akin ngayon.
Muli ko siyang tiningnan. Nakatalikod na siya ngayon at may hinahalungkat na naman sa bag niya. Ininspeksyon ko ang kabuuan ng likod niya at hindi ko maitatanggi na likod palang halatang habulin na ng babae.
I wonder, nagka girlfriend na kaya siya dati?
Kaagad kong sinampal ang sarili ko sa aking naiisip. Ano bang pinagsasabi mo Sam. Hindi ka interesado sa kaniya okay! HINDI!
"Ahmm.. what are you doing?" Seryosong tanong sa'kin ni Grey na ngayon ay may hawak ng susi.
"Ah... Huh? Wala may ano- may dumapo-..."
"Lamok na naman ba iyan? Insekto o ano?" Dugtong niya na ikinalaki ng mata ko.
"Naaalala niya 'yun!" Bulong ko sa sarili.
"May sinasabi ka ba Ms. Astrea?" Seryoso pa din ang boses niya.
"Wala. Wala naman!" Sheyt ano ba Grey! Ba't ganito yung nararamdaman ko sa'yo?
Pumikit ako ng wala na akong maisip na ibang dahilan. Baka tanungin pa ako nito. 'Ba naman kasi yan Sam. Kakagaling mo lang sa labanan na sinira mo tapos may panahon ka pa para questionin yung nararamdaman mo kay Grey!
*Kruuuu!*
Bigla namang tumunog ang tiyan ko kasabay ng pagbukas ng pintuan ng kwarto. Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Sophia na may dalang tray ng pagkain.
Kyaaahhh pagkain! Saktong sakto, tumunog pa naman yung tiyan ko. Sana lang hindi narinig ni Supremo.
"Glad you're here Sophia! What took you so long? Tumutunog na ang alaga ni Samantha sa tiyan niya." Natatawang wika ni Grey.
Ooppss! I'm wrong, narinig niya pala. Nag init ang mukha ko dahil sa hiya. Ba't naman kasi ganito ang tunog ng tiyan ko. Nakakahiya tuloy.
Wait...
Kailan pa ako nahiya dahil lang sa pagtunog ng tiyan ko? Di naman ako ganito noon ah! Sa isang tao lang naman ako nahihiya kapag tumutunog ang tiyan ko. Ghadd Grey! Ano bang ginawa mo sa'kin habang tulog ako?
"Hahaha! Glad you're enjoying her accompany Mr. President." Natatawang saad ni Sophia habang inilalapag ang pagkain sa harap ko.
Nakita ko naman na nagbago kaagad ang expresyon ni Grey. At tinawanan naman siya kaagad ni Sophia. Sinamaan naman ng tingin ni Grey si Sophia to stop laughing.
Nang makita ko silang dalawa na nag-aasaran ay napatatanong ako sa aking sarili. Paano nila nagagawang ngumiti sa harap ko pagkatapos ko silang bigyan ng malaking problema? Normal ba ito sa mundong ito?
Nakatingin lang ako kay Grey habang nag-aasaran sila. Hanggang sa lumingon siya sa'kin na nakakunot na ang noo.
"What are looking at Ms. Astrea? Your food is waiting! Tsk!" Masungit nitong saad tsaka walang pasabing naglakad patungong pintuan at padabog pang isinara ang pinto.
Luh! Anong nangyari doon? Ba't nagsungit? Parang tanga lang e no! Parang kanina ngingiti-ngiti pa siya sa'kin tas ngayon sinusungitan niya ako? Tsk ka rin!
"Kain ka na Sam. Kumusta pakiramdam mo?" Saad ni Sophia habang binubuksan ang dala niyang pagkain sa'kin. Nakatingin lang ako sa kaniyang mga galaw at ni hindi sinagot ang tanong niya.
Nagtataka lang kasi ako kung paano ako nagkaroon ng isang Sophia na maalaga at palagi akong pinapakain. Parang kailan lang noong sinabi ko sa pananaw ko sa kaniya na mataray siya at medyo maypagkamaldita yung dating, pero hindi mo pala talaga malalaman yung totoong ugali ng tao kapag hindi mo pa siya lubusang kilala. Dapat pala hindi ako nanghuhusga kapag wala akong pruweba. At sana ganon din sila sa'kin.
"Hoyy Samantha? I asked, Okay ka na ba? Alam kong maganda ako kaya please! Stop staring." Dahil sa sinabi niya ay nag-iwas kaagad ako ng tingin.
"Hindi ka naman hangin, pero ba't ang lakas ng hangin dito?" Pabiro kong saad sa kaniya na ikinatawa lang niya.
"Looks like you're okay now." Tumango naman ako sa sinabi niya.
I immediately pick up the spoon at napadaing ng kaunti dahil sa pagsakit ng kalamnan ko. Buti nalang hindi napansin ni Sophia dahil abala siya sa pagkuha ng tubig sa lamesa at bahagya siyang nakatalikod sakin.
Tiningnan ko kung anong nakahain sa harapan ko. At may shrimp siya. Mabilisan ko iyong inihiwalay sa ibang ulam. Nilagay ko siya sa plastic na pinaglagyan ni Sophia ng bulak para gamitin sa paggagamot ng mga sugat ko sa katawan. Nang matapos ay kaagad naman siyang lumingon sa akin.
Sa paglingon niya ay siyang pagbukas ng pintuan. Dumungaw doon ang ulo ni Liam na bahagya kong ikinagulat dahil para siyang tarsier sa laki ng mata nito. Pinalaki niya kasi ang mata niya ng dumungaw siya.
"Ghadd Liam? Hindi ka ba tinuruan ng manners?" Nagulat din pala si Sophia kaya nagalit siya kay Liam.
Napakamot nalang ng ulo si Liam at tuluyan ng pumasok. Napansin ko ang hawak niyang susi sa kamay. Yan yung susi kanina ni Grey ah. Ba't nasa kaniya yan?
"Hmm... Pasensya na po Ms. Sophia. Inutusan ako ni Supremo. Bigay ko daw to kay Samantha." Saad niya sabay pakita ng susi na hawak niya at kaagad na inilahad sa akin.
Ba't parang naging seryoso tong si Liam? Ah! Baka nandidiri na siya sa'kin dahil sa ginawa kong pagsira sa tournament. Baka nga.
"Para san to?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Ahh. Susi daw yan ng kwartong ito. Pinag-utos ng nakakataas na pumarito ka muna sa kwartong ito habang hindi pa nila-..."
"Liam? Okay na. Pakisabi na din kay Scarlet 'di ako makakasabay ng kain sa kaniya dahil dito ako kay Sam." Sapaw ni Sophia sa sasabihin sana ni Liam na ipinagtaka ko.
Parang may ayaw silang sabihin sa'kin ah! Ano kaya yun? Bahala nga kayo diyan! Kakain nalang ako.
Dahil sa naguusap ang dalawa ay minabuti ko na lamang kumain. Nagugutom na kaya ako. Dapat pala talaga hindi na ako nagpapalipas ng kain.
Subo lang ako ng subo hanggang sa wala na akong marinig na mga boses nila. Kaya naman dahan dahan kong inangat ang aking ulo upang tingnan sila.
"Tubig gusto mo?" Paglalahad ni Sophia ng tubig sa akin. Puno yung bibig ko kaya naman hindi ko siya nasagot. Nilingon ko naman si Liam at dahan-dahang ngumiti sa kaniya habang yung bibig ko ay puno pa ng pagkain.
"Tss! Young lady, you didn't change at all!" Ani Liam na medyo tumatawa.
Sophia snorted, " Doon ka na nga Liam! You're talking too much. Hayaan na natin si Sam dito para makakain siya ng maayos."
Nilunok ko ng buo ang pagkain na nasa bibig ko at nag angat ng tingin sa kanila.
"Hindi, okay lang naman sa'kin na nandito kayo. Nakakahiya naman kasi sa inyo." I shyly smiled.
"Ang alin? Anong ikinahihiya mo? Sa pagkain sa harapan namin?" Kunot- noong tanong ni Sophia.
Binatukan naman kaagad siya ni Liam.
"Aray!" Pinandilatan siya ni Sophia
"Alis na ako mga magagandang dilag!" Saad ni Liam at may pakindat pa. Medyo tumawa pa siya ng makalabas dahil siguro sa ginawa niya kay Sophia.
"Mamaya ka sa'kin hambog ka!" Dinig kong wika ni Sophia.
Ako naman ay nagligpit na ng aking pinagkakainan. Hindi ko alam na close pala sila ni Sophia. Nakakatuwa lang silang tingnan kasi kahit alam na ng lahat na isang Royal si Sophia ay trinato pa din pala ito ng ganon ng iba katulad sa ginawa ni Liam.
"Are you really oka---"
"Ahh!.mm---" biglang daing ko ng hawakan niya ang likod ko at mabilisang tinakpan ang aking bibig. I'm doomed!
Nang iniangat ko ang aking paningin sa kaniya ay nakita ko sa muka niya ang pagka gulat na bahagya pang na estatwa.
"Are you... suffering on some...p-pain?" She said it with a bit of pissed tone. Did I piss her off?
I slowly grab my shoulder and act like it didn't hurt.
"It doesn't hurt at all. Y-you... just got the wrong Idea! It's a sound I made kapag... Kapag n-nakikiliti ako. Yes, nakikiliti!" Paliwanag ko at binigyan siya ng pilyong ngiti.
Bahagyang tumaas ang kilay niya."Oh really?"
"ARAY! HUHUHU!" napaiyak na ako ng bigla niyang hawakan ang balikat at pinisil ng napakalakas. Masakit siya, tagos hanggag kalamnan ko.
"See! Yan ba yung wala lang?" Hindi ko siya sinagot. Pinunasan ko muna ang mga butil ng luha na kumawala sa aking mga mata.
Tang*na ngayon pa ba ako iiyak? Para namang hindi ako nakaramdam ng ganitong sakit ah! Well, its been a while since nakaramdam ako ng ganitong sakit. And it was the time when I found out that I am different from the other human.
"Sorry! Ayoko kasing pinagmumukha akong tanga kahit na obvious na obvious na!" Paumanhin niya sa akin na medyo pasinghal.
Hindi ko siya tiningnan sa mata. Aba't nahihiya ako sa ginawa ko sa kaniya noh! Baka kung ano na naman gawin nila sa'kin kapag nalaman nilang ginagawa kong tanga ang isa sa mga Royals.
"Okay lang. Kulang lang siguro ako sa pahinga. Sige na magpapahinga nalang ako." Ang tangi kong nasamabit ng walang lingon-lingon sa kaniya.
"Wag na wag kang lalabas dito ah! Siguraduhin mo lang dahil kapag nakita ka nila sa labas. Tiyak na mapapahamak ka!" Saad niya sa'kin.
Medyo may pananakot yung tono ng boses niya pero hindi ko na lamang iyon inabala pa. Humiga na ako sa kama ng nakatalikod sa direksyon niya. Hindi naman siya nag salita ng ilang minuto na akong nakaganon, pero naririnig ko naman ang mga kaluskos na nanggagaling sa kaniya. Ewan kong anong ginagawa niya.
Hanggang sa makatulog ako ay hindi ko pa din narinig na lumabas si Sophia. At yun ang ipinagtataka ko.
To be continued...