“Guys, sa tingin n’yo ba… masayang makipag-one night stand?” tanong ni Jade habang nakapangalumbaba sa mesa at tulala sa kawalan. Hindi ko alam kung bakit ako nabulunan sa tanong na ‘yon. Napaubo-ubo ako kaya agad akong inabutan ni Ace ng tubig. “Hala! Bakit ka nabulunan sa sinabi ni Jade?! Naka-relate ka ba?!” gulat na saad ni Ace at niyugyog ang mga balikat ko. “Akala ko ba virgin tayong lahat dito forever?!” “Aray ko, wala naman akong sinabi!” reklamo ko dahil sa histerikal niyang pagyugyog sa mga balikat ko. “Bakit ganoon ka nag-react?” pang-aakusa nilang dalawa na ikinairap ko. “Hindi ba pwedeng nabulunan lang ‘yong tao?!” depensa ko na ikinatahimik din naman nila lalo na’t mayroong mga tumingin sa gawi namin dahil sa mga sinabi nila. Nandito kami ngayon sa isang food court

