Chapter 12 - Truly

2292 Words

Inalis ko ang cap ko at nai-stress na bumalik sa counter. Habang kinukuha at nililigpit ko ang mga gamit ko ay panay naman ang tanong sa akin ni Khloe. “Sino ‘yong lalaki? Boyfriend mo? Sh*t, saan mo iyan nabinggwit? Gusto ko rin!” malanding sabi niya sabay lingon sa labas ng glass wall. “Oh, my goodness! Tumingin siya sa akin!” Napailing-iling na lang ako kay Khloe. “Kailangan ko nang umalis.” “Sino muna ‘yon? Ikaw, ha! ‘Di mo sinabing may jowa ka pala?” Hindi niya pa rin ako tinatantanan. “Hindi... hindi ko ‘yon boyfriend. Basta, sa susunod ko na sasabihin. Kailangan ko nang umalis,” paalam ko at kinuha na ang gamit ko. Tinawag niya pa ako pero hindi na ako lumingon. Dire-diretso akong lumabas ng convenience store at naabutan si Cielo na naroon sa labas ng kotse niya. Hindi na ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD