“She cheated on you?” Nanatili ang paningin ko kay Cielo nang itanong ko ‘yon. Hindi siya sumagot at sa halip ay pinagmasdan ang isa-isang pagdaan ng mga sasakyan sa kalsadang nasa harap namin. Kahit hindi siya magsalita ay alam ko na ang sagot. Ngayon ay naiintindihan ko na. Trixie cheated on Cielo with the guy named Giovan, ang lalaking nakaaway niya sa bar noong gabing ‘yon. Pero bakit nag-cheat si Trixie gayong sa tingin ko ay mahalaga naman sa kaniya ang relasyon nila ni Cielo? Ano kayang dahilan? “Get inside the car. It’s getting cold. Wala na akong mahuhubad para ipatong sa ‘yo kapag nilamig ka,” saad niya matapos ang ilang saglit na nagmamasid lang ako sa kaniya. Hindi na ako umangal at sumakay na sa passenger seat. Pinagmasdan ko si Trixie mula sa backseat nang mahina si

