Nakatingin lang ako kay Leon na nakatayo at malayo ang tingin. Gusto ko siyang kausapin at tanungin pero hinahayaan ko lang muna siya para makapag-isip siya nang tama. Alam ko iniisip niya pa rin ang nangyari kanina. Umupo na muna ko sa couch sa gilid at hinintay na lapitan niya ako. Ilang saglit lang naman ay nilapitan niya ako. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. “I’m sorry, hindi mo dapat napagdadaanan ‘to. Hindi ko inakalang malaki ang nagbago sa kapatid ko. She’s not like that. Maybe because of my absence. She feels neglected,” aniya. Napatingin naman ako sa kaniya at totoo iyon. Nahirapan din siguro si Sabina na mag-adjust sa buhay niya lalo at kaisa-isang kasangga niya sa buhay ay hindi niya kasama. She rebelled and here it is. “Sinusubukan ko naman siyang in

