Pagdating namin sa bahay ay kaagad na sinalubong kami ni Papa.
“Thanks God you’re safe,” aniya at niyakap ako. Napatingin naman siya kay Leon na nakatingin lang sa amin.
“Thank you for saving my daughter,” wika niya. Tiningnan lamang ako ni Leon at nginitian. Kaagad na pumasok naman ako sa loob. Mag-uusap pa sila ng tatay ko kaya minabuti ko na ring umalis. Hindi ko kayang tanggapin ang mga tingin ni Leon sa akin. Nang makapagbihis ay pumunta na rin ako sa dining room namin at naghihintay na roon si Papa. Nakaalis na rin naman si Leon.
Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain. Sobrang tahimik ng paligid. Nasasanay na ako sa ganitong set-up palagi. Simula noong mawala si mama ganito na palagi. Parang walang buhay ang bahay.
“Louisse,” saad ni papa. Tiningnan ko naman siya. May gusto siyang sabihin pero napapansin kong parang nag-aalangan siya.
“Pasensiya ka na anak sa mga nangyayari. Dahil sa akin ay palaging napapahamak ka,” wika niya. Natigilan naman ako.
“Nasanay na po ako, sinuswerte lang at walang nangyayaring masama sa akin,” matabang kong sagot. Kita ko naman ang guilt sa mukha niya.
“Napapansin kong nagiging malapit ka na kay, Leon. Louisse, magkagusto ka na kahit kanino huwag lang sa taong tulad niya,” matigas niyang saad. Hindi na ako umimik pa.
“Naririnig mo ba ako, anak?” aniya.
“Hindi niyo na po kailangang sabihin sa akin ‘yan. Sa akin lang po, sana ay huwag niyong panghimasukan ang ibang desisyon ko sa buhay lalo na sa lovelife ko. Pag-aaral po ang inaatupag ko ngayon,” derikta kong wika.
“That’s good, makakaasa ka anak,” aniya.
Nagpatuloy na kami sa pagkain. Nagiging ganito ang usapan namin ni papa dahil alam kong nahihirapan siyang sabayan ang henerasiyon namin ngayon. Lalo pa at parati siyang wala. Lumaki akong katulong ang palagi kong kasama. Alam kong sinusubukan naman niyang magpakaama sa akin. Nararamdaman ko naman iyon. Hindi ko lang maiwasang maging malungkot at makaramdam ng sama ng loob sa kaniya. Natuto akong lahat dahil sa pagpupursige ko. Hindi naman siya nagkulang sa pagpo-provide sa akin.
“Mauuna na po ako,” wika ko nang matapos akong kumain. Pumanhik na ako sa kuwarto ko at nag-lock ng pinto. Umupo muna ako sa aking study table at sinagutan ang mga assignment ko bago humiga sa kama. Ipinikit ko ang aking mata nang makaramdam ng marahang paglundag sa aking gilid. Ibinuka ko ang aking mata at muntik na ring mapasigaw nang makita si Leon na nakaupo. Mabilis na bumangon ako at lumayo sa kaniya.
“A-ano ang ginagawa mo rito?” kinakabahan kong tanong sa kaniya.
“I’m just checking on you,” sagot niya.
“Takot ka ba sa ‘kin? I just saved you earlier. Ganiyan ka ba magpasalamat?” aniya. Napalunok naman ako at umupo sa swivel chair ko sa gilid.
“Member ka ba ng akyat-bahay gang? Alam mo bang puwedeng-puwede kitang i-report ng trespassing? Kapag nalaman ‘to ng Papa ko paniguradong mananagot ka,” anas ko sa kaniya. Nginitian niya lang ako.
“Baby, of course I know,” sagot niya. Kaagad na nagsitaasan ang balahibo ko sa kamay nang marinig ang pagtawag niya sa akin ng baby.
“Alam ko namang hindi mo gagawin iyan,” prente niyang sagot. Huminga naman ako nang malalim.
“Ano ba ang kailangan mo sa ‘kin?” I asked him. Humiga pa talaga siya sa kama ko.
“Amoy baby,” komento niya. Namula naman ang mukha ko sa sinabi niya.
“A-ano ba? Umalis ka na rito,” saway ko sa kaniya. Para namang wala siyang narinig.
“What’s this?” aniya. Gulat na gulat ako nang kunin niya ang sanitary pad ko. Mabilis na nilapitan ko siya at inagaw iyon. Tawang-tawa naman siya.
“s**t!” mura ko sa kaniya. Lalo lamang siyang ngumiti nang malapad. Ilang sandali nga lang ay natigilan ako nang marinig ang katok sa pinto. Nanlalaki ang mata kong tiningnan si Leon.
“Louisse?” tawag sa akin ni papa. Kaagad na sinugod ng kaba ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hinila ko si Leon at pinatago sa loob ng CR ko. Inayos ko ang sarili ko at binuksan ang pinto.
“Bakit po, Pa?” tanong ko sa kaniya.
“I will be very busy tomorrow, pakibigay na lang ‘to sa dean ng university para sa activity ninyo,” aniya. Tinanggap ko naman ang sobre.
“And about Leon…” dagdag niya. Kaagad na kinabahan ako. Nakita niya kaya si Leon?
“Nasabi niya sa akin na binu-bully ka ng mga kaklase mo.”
Umiling naman ako at tiningnan siya.
“Don’t worry Pa, I’m fine. I can handle myself. Hindi na ako bata,” saad ko. Tumango naman siya.
“Matutulog na po ako,” saad ko at tumango naman siya. Nang makatalikod na siya ay isinara ko na rin ang pinto. Napasandal ako roon at napahinga nang maluwag. Mabilis na nag-lock ako ulit at pumunta sa CR. Nanlaki ang mata ko nang makita si Leon na nakangiting nakatingin sa mga panty kong nakasampay sa gilid.
“Cute,” komento niya at nginisihan ako.
“Bastos!”
Mabilis na hinawi ko iyon sa gilid at hinila na siya palabas. Napahilamos ako sa mukha ko at galit na tiningnan siya. Nginisihan niya lang ako. Puno ng kapilyuhan ang mukha niya.
“Please lang, sira na ang araw ko huwag mo ng dagdagan pa. Umalis ka na rito at kapag nalaman ng tatay kong nandito ka malalagot ako,” matigas kong sabi. Subalit parang wala naman siyang narinig.
“Aalis lang ako kapag nakatulog ka na,” sagot niya. Hindi makapaniwalang tiningnan ko naman siya.
“Okay ka lang? Puwede ba, Leon? Hindi dahil sa sinagip mo ang buhay ko ay may karapatan ka ng panghimasukan ang buhay ko. Nananahimik ako kaya huwag mo akong guluhin. Wala kang mahihita sa akin at lalong wala akong oras para sa ‘yo. Huwag mong balaking lokohin ako o ano dahil ayaw ko sa tulad mo. Kilala kita at lalong kinamumuhian ko ang tulad mo,” matigas kong wika.
Tinitigan niya lang ako.
“As what I have said, aalis lang ako kung nakatulog ka na,” sagot niya at humiga sa gilid ng kama ko. Napapikit ako sa labis na frustration. Inuubos niya ang pasensiya ko.
“Ano ba?!” asik ko.
“Louisse, don’t test my patience. I hate it. I often forget who I am when mad,” aniya. Hindi pa man ako nakasagot ay pasalampak na tumilapon ako papunta sa kaniya.
“Sleep,” wika niya. Kaagad na nagpapasag ako nang lalo niya pang higpitan ang paghawak sa akin. Halos hindi ako makahinga dahil kaharap ko ang dibdib niya. Hindi ko maipagkakailang napakabango ni Leon.