Parang kabuti pala si Leon. Hindi ko rin alam kung saan siya dumaan at hindi siya nakita ni Cel dito. Bandang hapon ay naghiwalay na kami ng landas ni Cel dahil magkaiba ang daan namin. Pumara na ako ng taxi at wala akong sundo ngayon. Kasama ni Papa ang driver namin dahil may pupuntahan sila.
“Sa Victory lakes subdivision po,” saad ko. Sinipat naman ako ng tingin ng driver. Kaagad na nakaramdam ako ng hindi maganda. Kinalma ko na lamang ang aking sarili at pasimpleng nag-text kay Papa. Na-briefing na ako noon pa sa kailangan kong gawin kapag may mga ganitong instances.
“Kuya, hindi po ito ang dapat mong nilikuan,” wika ko. Kinakabahan ako pero hindi ko lang pinapahalata. Tiningnan niya lang ako sa rearview at nginisihan.
“May shortcut po rito Ma’am,” sagot niya. Alam kong wala. Sa tagal kong nanirahan sa lugar na ‘to alam kong wala.
“K-kuya, dito na lang po ako,” sambit ko subalit hindi siya nakinig.
“Kuya ano ba?!” singhal ko sa kaniya. Ilang saglit pa ay huminto siya sa gilid at nanlilisik ang mga matang tiningnan ako. May hawak siyang baril at itinutok iyon sa akin. Sa takot ko ay napapikit ako. Ramdam ko ang kabang nilulukob ang buo kong sistema. Ang noo ko ay basa na ng pawis. Nanlalamig ang aking kamay at habol ko ang aking hininga. Malakas na hinablot niya ang cellphone ko.
“Tatawag ka pa ha,” aniya at inilingan ako.
“Ang yaman mo siguro no?” saad niya at nginisihan ako.
“Ang kinis-kinis mo eh,” dagdag niya pa. Napalunok ako at napatingin sa loob at baka may magamit ako panghampas sa kaniya.
“M-magkano ang kailangan mo? Please, ibaba niyo na po ako rito. Kahit magkano ibibigay ko pakawalan niyo lang po ako rito,” mahina kong wika. Tinitigan niya naman ako.
“Kung ibibigay mo ang sarili mo sa ‘kin hindi kita papatayin,” sagot niya. Kaagad na nagsitaasan ang balahibo sa katawan ko. Ngayon ay nagpa-panic na ako at hindi ko na alam ang aking gagawin.
“M-maawa po kayo sa akin,” mahina kong sambit. Ngumisi lamang siya at mukhang desidido na sa gagawin. Sinubukan kong buksan ang pinto pero alam ko ni-lock niya na kanina pa. Balisa na ako at tahimik na nagdadasal.
“Hindi naman ako marahas hija, medyo lang. Sisiguraduhin kong masasarapan ka,” aniya at ngumiti na parang demonyo. Nagpatuloy naman siya sa pagmamaneho.
“Putang-ina!” mura niya nang makita ang checkpoint sa unahan. Hindi na siya makabalik dahil siguradong hahabulin siya. Kinuha niya ang baril niya at itinutok sa akin.
“Maling galaw mo lang at mananabla ako, naiintindihan mo ba?” matigas niyang saad. Napalunok ako at tumango. Nakaramdam naman ako ng kaunting pag-asa. Huminto na kami sa gilid at tiningnan ako ng pulis. Sinipat ako ng tingin ng driver kaya alanganin akong ngumiti.
“Unlock your door,” utos ng pulis. Magrereklamo pa sana siya pero wala ring nagawa. Nang ma-unlock iyon ay nagulat ako nang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang lalaking naka-cap.
“Okay na,” wika ng pulis kaya pinaandar na rin ng driver ang sasakyan.
“Saan punta mo boss?” tanong nito at halatang kinakabahan. Ang tingin pa niya sa akin ay tila nagwa-warning. Naiiyak na nilingon ko naman ang lalaking katabi ko.
“Mamili ka, sa impiyerno o sa impiyerno? Saan mo gusto?” sagot nito. Nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses. Nanlaki pa ang aking mata nang mabilis pa sa alas-kuwatrong tinutukan niya ng baril ang ulo ng driver.
“Huwag na lumingon pa, deritso ka lang. Sa may talahiban ka huminto,” utos pa ng lalaki.
“Itong babaeng ‘to, walang sino man ang puwedeng mangahas na kunin siya. Ako lang, nagkamali kang punyeta ka,” matigas niyang saad. Tinanggal niya ang suot niyang mask at sombrero t’saka tumingin sa akin. Natigilan naman ako nang makumpirmang si Leon iyon. Nakangiti ang labi niya at kinindatan ako. Nakaramdam naman ako ng kaginhawaan.
“Huwag ng lumingon pa,” saad ni Leon sa driver nu’ng akmang titingin ito at lalong diniinan ang pagkatutok ng baril sa ulo nito.
“Huwag na ring magtangkang kunin ang baril mo, alam ko namang isa lang bala niyan,” aniya.
“B-boss, pareho naman ang balak natin sa babaeng ‘yan. P-pakawalan niyo na lang po ako. Ako na po ang bahala na magdala sa inyo sa lugar. M-may alam ako,” sabat niya.
Tiningnan ko naman si Leon at inilingan. Ngumiti lamang siya.
“Okay,” sagot ni Leon. Nagulat naman ako sa sagot niya. Gusto ko siyang sampalin nang malakas. Isusumbong ko siya kay Papa. Kung mamatay man ako ngayon sisiguradohin ko ring mumultuhin ko siya. Tarantado siya. Ilang minuto nga ay nakarating na kami.
“Out,” malamig na wika ni Leon. Lumabas naman ang driver.
“Stay here,” wika niya sa akin. Naguluhan naman ako. May kinuha siyang lubid at itinapon iyon sa driver.
“A-ano’ng gagawin ko rito?” tanong nito.
“Maghubad ka, hubarin mo iyang suot mo. Wala kang ititira ni isa,” utos ni Leon. Nanlaki naman ang mata ko. Nandito kami sa may talahiban. Mukhang marami na ring nabiktima ang demonyong ‘to. Kung hindi dumating si Leon paniguradong nasa alanganin na rin ang buhay ko ngayon. Kita ko pa ang panlalaki ng mata ng lalaki nang maaninag ang mukha ni Leon. Napapiksi ako nang marinig ang putok ng baril. May silencer iyon kaya alam kong hindi maririnig sa unahan. Mabilis na sumunod naman ang driver. Mabuti na lang at medyo may kadiliman sa kinatatayuan nila kaya hindi ko nakita ang hubad na katawan ng demonyo.
“Gamitin mo ‘yang lubid na ‘yan para magpatiwakal, bilisan mo at may lakad pa ako,” ani Leon. Kaagad na lumuhod naman ang lalaki sa harap ni Leon. Maski ako ay hindi ko inaasahan ang sinabi niya.
“Sundin mo na, huwag mo na ring asahang maaawa ako sa rapist na tulad mo, may choice ka naman eh. Aakyat ka sa punong iyan at magpatiwakal o mabuhay ka at ha-hunting-in kita. Pero, ’pag dumating ang oras na ‘yon sisiguraduhin kong wala ka ng choice. Papatayin kita sa pinaka-brutal na paraan. I will torture you, kapag naman hindi pa ako na-satisfy eh baka puwedeng isama ang asawa mo,” nakangiting sambit ni Leon. Mangiyak-ngiyak na nagmamakaawa naman ang lalaki sa kaniya. Ni kaunti ay hindi ako nakaramdam ng awa sa kaniya.
“Ma’am, pinagsisisihan ko na po ang ginawa ko. Maawa po kayo sa akin,” saad niya. Hindi ko naman siya tiningnan.
“Maawa po kayo Sir, maawa po kayo sa ‘kin,” wika nito at humahagulgol na.
“I am giving you a choice. Repent your sins tapos magbigti ka. Para naman sulit ang kasalanan mo, siguradong qualified ka na sa impiyerno,” sagot ni Leon at natawa. Napahawak naman nang mahigpit ang lalaki sa lubid. Nagsindi pa ng sigarilyo niya si Leon habang nakatingin sa lalaking nahihirapang umakyat sa puno.
“Let’s go,” saad niya sa akin. Lumabas naman ako at lumapit sa kaniya. Nakatingin lang ako sa mukha niyang nasisinagan na ng liwanag ng buwan.
“Why?” tanong niya. Malalim ang kaniyang boses at kita ko ang pagkunot ng noo niya. Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang aking sarili. Ayaw kong bigyan siya ng ibang rason para bigyan ng pagkakataong pasukin niya ang sistema ko.
“S-salamat,” wika ko. Ngumiti lamang siya at hinawakan ang kamay ko paalis sa lugar na iyon. Nakatingin lang din ako sa kaniya nnag makapasok kami sa itim na sasakyan. Mukhang may nakasunod sa amin.
“Ligpit niyo na,” saad niya sa mga lalaki sa labas. Umalis naman ang mga ito. Lumingon siya sa akin kaya napatingin ako sa gilid.
“Tama na ang katititig sa guwapo kong mukha, baka ma-in love ka,” saad niya. Hindi makapaniwalang tiningnan ko naman siya.
“Ang kapal ng mukha mo,” asik ko. Ngumiti lamang siya sa akin.
“Thank you ka naman sa akin. Niligtas ko ang buhay mo sa rapist na ‘yon,” aniya. Nakonsensiya naman ako.
“S-salamat,” sagot ko. Nagmaneho na siya at nangingiti na parang baliw. Tiningnan niya naman ako.
“I’ll deal with that bastard. Don’t worry, sa mukha ng gagong iyon hindi iyon magpapakamatay,” wika niya. Sa tingin ko nga rin.