Sobrang saya ko habang kumakain ng isdang inihaw. Ang sarap-sarap. Bandang alas-kuwatro na kami kumain ni Leon. Hindi ko nga namalayan ang oras sa sobrang bilis. Pumasok ako sa kusina at tiningnan ang refrigerator. Kumuha ako ng dalawang san mig light at iniabot iyon kay Leon. Dinala ko naman ang sa akin sa labas. Umupo lang ako at bahagyang iniinom din ang beer. Ang sarap sa pakiramdam at sa lalamunan. Hindi ko nga alam na mas kumakalma ako sa ganito. Kulay kahel na ang langit at sandali lang ay gabi na. Napakagandang tingnan ng sunset. Para akong nanonood ng palabas sa TV. "Hey!" tawag sa 'kin ni Leon. Napalingon naman ako sa kaniya at nginitian siya. "Ang ganda ng langit tingnan," saad ko. Napatingin naman siya roon at tumango. "Leon, salamat sa pagdala sa 'kin dito. Gustong-gusto

