Bumaba sa sasakyan niya si Leon at sumunod naman ang pito sa kaniya. Hindi sila marami. Tanging mga kasama niyang matagal ng miyembro ng Cosa Nostra. Nakapamulsa siyang naglakad at pumasok sa isang abandonadong lugar. Ang nagaganap sa isang mafia war ay hindi iyong malayo ka pa lang tinitira ka na. It will be too much work for them. The nearer the better. Sa hindi kalayuan ay nakita niya si Jhon Wong na nakangisi. Papalapit din ito sa kanila kasama ang mga tauhan nitong may mga dalang armas. Tanging dalawa lang sa kasama ni Leon ang may bitbit na baril. "So, you only brought your balls?" ani Jhon Wong. Napaka-creepy ng ngiti nito. Tiningnan lamang ito ni Leon pabalik at nginisihan. "You want to see real guns? Only those who were afraid to die will have that kind of gun, idiot!" sagot

