Nakatingin lang ako kay Leon sa baba na nakikipag-usap sa mga kasama niya. Seryoso at iba ang gamit na lengguwahe. Gusto ko mang makinig pero wala naman akong maintindihan. Ilang araw na kami rito at kailangan na rin nilang umalis dahil baka hindi na nila maabutang buhay si papa. "Louisse!" Napalingon ako at nakita si Cel. Kaagad na napangiti ako at naiiyak na niyakap siya. "Goodness! Akala ko talaga nadukot ka rin ng mga masasamang taong 'yon. Nakausap ko na si, Papa. Hindi sila tumitigil sa pag-iimbestiga para mahanap na si, Tito. Bakit ba kasi hindi ka ma-contact? Alam mo bang sobrang nag-alala ako sa 'yo ha?" aniya at halatang paiyak na rin. Ngumiti lamang ako at inayos ang buhok niya. "Okay lang ako. Si, Leon ang dumukot sa 'kin," sagot ko. Kaagad na nagulat naman siya at hin

