Chapter 63

2043 Words

Ilang araw lang din naman at nakauwi na kami sa bahay. Nagpapasalamat ako at okay na si papa. May mga pinaayos ako sa bahay dahil sa dami ng damage at patapos na rin naman din. "Louisse!" Napangiti ako at nilapitan si Manang para yakapin. Sumakto talagang naka day-off sila nu'n. Tinulungan na niya akong itulak ang wheelchair na kinauupuan ni papa. "Salamat sa Diyos, Sir at buhay ka," ani Manang. Rinig ko rin sa boses niya na relieve na siya. Ngumiti lamang si papa. Pagpasok namin sa loob ay ni-request ni papa na sa likod bahay na muna siya. Ayaw niya munang humiga at lalo siyang napapagod. "Anak, hindi ka pa ba pinupuntahan ni, Leon?" tanong niya. Huminga naman ako nang malalim at umiling. "Nagtatawagan naman po kami. Nahirapan din po siya at may tama siya sa tuhod," sagot ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD