Xavier's POV "Blue ready na ang lahat signal mo nalang ang hinihintay." Pag sasabi ni Yellow sa earpiece. Andito kami ngayon sa party ng Scott mafia. Alam namin na inaasahan nila ang pag dating namin. Kaya mas lalo silang naging maingat. Mukhang ayaw nga nilang masaktan ang bagong pinuno. Sa pamamaraan palang ng pag babantay nila ay masasabi mo ng pinag isipan at pinag handaan nila ito ng matagal na panahon. Mag sasalita na sana ako ng may nakita akong isang babae na tumatakbo paalis ng lugar na iyon. Tinitigan ko itong mabuti at tama nga ako ng hinala si charlene nga ito. Pero bakit siya umiiyak? "Blue? Ano na nag hihintay na sila." Naiinis na sabi ni red. Agad naman ako bumalik sa tamang pag iisip. Pero hindi ko inaasahan ang susunod ko pang sasabihin. "Abort mission. Abort mission. H

