3rd Person Pag tapos na ayusin ni charlene lahat ng gamit niya ay bumaba na ito dala dala ang isang maleta niya. Pag baba ni charlene ay nakita niya agad ang kaniyang kuya clinton. "Tapos ka na ba bunso?" Pag tatanong ni clinton. "Tapos na kuya. Pero nasa taas pa ung iba." Kalmadong sabi nito matapos ang nangyari kanina ay kumalma na siya. Ayaw na niya ng gulo gusto niya na maging tahimik kahit sandali lang. "Ako na ang kukuha. Tutal na sa kotse ko na naman ang mga gamit ko." Nag nod nalang si charlene at pag katapos ay binitbit niya ang maleta niya at dinala sa kotse niya siguro siya na puno na ang kotse ng kuya niya dahil sa dami ng gamit nito. Pag pasok niya sa loob ay nakita niya sila christian na kakalabas lang galing sa hapag kainan sakto naman ay ang pag baba ni Clinton dala an

