Chapter 33: Carousel

1438 Words
Monie “WOAH! Kuya, itigil mo na ‘to, please!” Ginusto mo ‘yan girl,kaya panindigan mo iyan! As you can hear on their screams, kasalukuyan kaming nasa isang amusement part ni Monalya. We have free time for this day since na maaga kaming natapos sa pagtitinda. Another factor rin na wala kaming ibang magawa sa bahay. We spent our time well that early kaya nakayari na rin kami sa pagbubunot ng mga d**o. Gayundin sa paglilinis ng bahay, at paligid ng bakuran kaya naman malaya kami sa kung ano ang nais namin gawin sa libre naming oras. Nandito kami sa isang peryahan ay naulit ko na naman. Kasi nga, ang peryahan ay isang cheap na version ng mga carnival, but as far as I know na isa siyang type ng amusement park. Palakad-lakad lang ang role namin at patingin-tingin sa mga gilid. Wala kaming enough na budget para sumakay sa mga rides na nandirito ngayon. Nung bata ako, purita na, hanggang ngayon ay purita pa rin. Nag-glow up naman sa physical appearance hindi nga lang sa bulsa. Making people happy while riding at the rides makes us happy too kahit hindi namin ito ma-experience ng truly, personally, and perfectly. Maingay sa lugar na ‘to. May mga nagtatawanan ng sobrang bulaslas. Mayroon din na animo'y naipit sa makina ng rides ang tinggil kaya't kung maka-tili, mukhang hindi na sasapitan ng panibagong bukas. Anuman ang dahilan ng kanilang kasiyahan, sana ay tumagal ang ngiti sa kanilang mga labi. Nawa, kasiyahan nalang ang bumalot sa mundo at tanging feeling na mararamdaman ng lahat. Kaso that is too idealistic. We are surrounded by stimulis, at ito ang nagbibigay ng negative vibes sa mundo but all depends pa rin sa ating mga tao. By the way, as I can perceive, this perya is very fair sa mga taong less privileged. It also caters people na hindi kumikita ng malaking pera. Iyong mga ngiti sa kanilang mga mata ang magpapatunay na you don't need a lot of money in this world, true happiness can be found in little things. Alam kong maraming kineme na mag-say, money can buy happiness and yes that’s true… money can save you from all forms of suffering in life yet it can’t save you when death calls. Regardless of your age, you are totally welcomed to go here. Mayroon dito na buo ang pamilya. May mga single katulad namin ni Monalya. My mga magkakaibigan at mga nag-iibigan. Aw, naalala ko na naman ang anak ni Mayor. Bet ko siyang makasama na samakay sa space shuttle, hahawakan ko ng sobrang mahigpit ang kamay niya, sa paraang ito, male-lessen ang takot ko, dahil mas mangingibabaw ang kilig over sa fear. "Dalawang palamig ate ko," ang say ko kay ate. Kinatok ko ang kulay pulang takip ng galon ng palamig dahil tutok na tutok siya sa kaniyang phone---siya ay nakangiti, kapansin-pansin ang dalawang biloy sa kaniyang magkabilang pisngi. Makapal ang blush-on nito, at ang kaniyang lips ay tila nasapak ng tatlong maton sa sobrang pula. "Ano iyon, ganda?" Ang saya kayang bumili sa mga ganitong uri ng tindera dahil kahit mukha kang pinagsukluban ng langit at lupa, otomatiko nang dumating ang pagsisinungaling, dahil tatawagin ka nilang ganda. Eh sa point ko, maganda naman talaga ako kaya't it's based on scientific evidence, look at me and you'll see a proof. "Dalawang palamig ate, iyong tig-5 lang. Damihan mo ng buko ah, para after ko mas maraming customer ang bibili sa 'yo," ang okray ko. Binigyan ko siya ng matamis kong ngiti. Lucky charm kaya ako. Hindi niya lang alam. "Ay," ang usal nito. Bakit bigla naman nagulat ang mima niyong maganda? "Madalang nga ang customer ngayon... may mga baon na silang tubig. Hindi na mabenta ang palamig ng mima mo," ang wika nito sa akin, at inabot niya ang isang supot na palamig. Ano kaya ang dahilan kung bakit madalang ang bumibili sa kaniya? Nakakalungkot naman, tindera rin ako kaya alam ko kung ano ang feeling kapag kaunti lang ang nabili sa iyo kapag nagtitinda ka. "Chair up ate. Hindi pa naman late. Malay mo pang-gabi ang era ng mga tinda mo ngayon. Hangga't may liwanag kang natatanaw sa paligid, mayroong pag-asa. Chin up and ipakita mo iyong fresh mong mukha dahil pinaghirapan mo iyan!" ang chika ko. Tinikman ko ang palamig niya. Keri naman ang lasa nito dahil hindi na ako mag-expect ng super sarap ng lasa dahil unang-una, the taste is just suitable with its price. Limang piso para sa limang pisong lasa, quality, presentation and its packaging. "Goods naman ate, ah. Dagdagan mo nalang ng kaunting asukal, saka samahan mo na rin ng 10 percent pagmamahal at, pag-asa." Inabot ko ang bayad sa kaniya at gumora na. Narinig kong nagpasalamat siya sa akin, hindi na ako lumingon ngunit ipagdarasal ko nalang siya, at sa mga katulad kong small tindera na sana ay magtagumpay kami sa hanap buhay, at huwag ring mag-sawa sa ang pagbili ng mga tao sa amin. "Teh, oh." Inabot ko kay Monalya ang palamig niya, iniwan ko kasi siya sa sa isang mahabang upuan. Lumingon siya sa akin at inabot ang palamig. "Tara na, mhie? Or bet mo pang tumambay rito?" ang tanong ko. Tumabi ako sa kaniya. Simula nang dumating kami rito ay hindi pa ako nakakaupo kaya't umupo na rin ako nang mapanatag na ang isipan ko. "Nagtataka lang ako dahil hanggang ngayon, walang pag-atakeng ginagawa ang kalaban," ang wika ni Monalya habang nakatingin sa carousel. Alam kong bet niyang sumakay roon kaya naman isasakay ko siya. 30 pesos lang naman ang entrance. "Para hindi ka na makapag-overthink ay isasakay nalang kita dyan sa rides na tinitignan mo ngayon!" ang sagot ko sa kaniya. "Talaga Monie?" Nagliwanag ang mga mata niya na parang isang taong gulang na bata na matagal nang hindi nakararamdam ng tunay na kasiyahan. "Uu, tea. See the entrance fee, it's only 30 pesos." Tinuro ko sa kaniya ang card na nakalagay sa bakal. "Tea, hindi ko naman kayang basahin iyan. Kaloka ka!" ang wika nito. "Oh basta, whatever it takes, isasakay kita riyan." Tumayo ako at hinitak siya palapit sa rides na bet niyang sakyan. "This will let your childhood soul be revived again." Ngumiti ako sa kaniya. Dumiretso ako sa kuya na nagbibigay ng mga tickets, actually hindi pala ito binibigay dahil ito ay binibili. "Isang ticket nga kuya for carousel." Sinuot ko ang ulo sa may butas upang sa gayon, makita ko ang itsura ng mamang nasa loob. Sa tingin ko, nasa middle age na siya. "Ilan, iho?" Hindi niya narinig ng maayos ang sinabi ko kaya't inulit niya pa ito. Iintindihin ko nalang siya dahil maintindihin ang role ni monie for today's vidyow. No to Judgment muna ako for now on, 'di rin sure if kayang tagalan. "Isa po, tay." Ngumiti ako sa kaniya. "Ah, sige... 'di ko kasi narinig at malakas ang tunog ng speaker," ang eka niya. Pumilas siya ng ticket doon sa may nakasabit. "Trenta pesos lang, iho." Luminga siya sa paligid na tila may hinahanap. "May kasama ka bang bata?" Sabi na e, pang-baby kasi ang ride na carousel. "Isip bata lang po, tatay." Inabot ko sa kaniya ang bayad ko saka natawa. "Sige't sumaya sana kayo rito." Ngumiti nalang ako kay Kuya at lumapit na kay Monalya. "Anong sinabi mo sa tindero? Bakit parang natatawa pa, ata?" ang usisa niya sa akin. "Tinatanong lang kung may kasama raw ba akong bata. Ang sabi ko nalang e, wala ka ko pero baby face, mayroon," ang pagsisinungaling ko. "Maliit na bagay!" ang sagot nito. Naniwala naman ang luka. "Wait nalang natin tumigil ang ride then after no'n ikaw na ang sasakay," ang sabi ko sa kaniya. "Hindi na parang nakakatakot, Monie?" "Ngayon ka pa natakot?" "Sino ang sasakay sa inyo?" ang tanong sa amin ni manong. "Ito pong kasama ko," ang siyang sagot ko naman at binigyan siya ng magandang ngiti. Mukhang hindi i-epekto ang power ko sa kaniya. Nakasimangot pa rin ito na akala mo ay napakalaki ng problema sa mundo. Hindi nalang ako mag-talk dahil hindi ko naman talaga kung ano ang sitwasyon na mayroon siya. Baka nga sa likod ng pagta-trabaho niya dito, sa bahay nila ay may napakalaking problema na hinahanapan niya ng solusyon kaya gan'yan siya ka-stress. Everyone is facing a battle they don't talk about. Ngingitian ko pa rin siya kahit ayaw niya. "Ang laki-laki na niya, sasakay pa sa kabayo." Narinig kong chika ng katabi namin. Dahil sa mabait, caring, and understanding ang mood ko today, hindi ko nalang siya papansinin. Maya-maya lang ay tumigil ang rides, at sumigaw ang mamang nakasimangot. "Oh, sakay na!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD