Monie
“BAKA naman inaasam-asam ng puso’t isipan niyo na tulungan ako dito sa ginagawa ko ngayon.” Kanina pa ako paypay nang paypay sa apoy, ilang paypay nalang ay matatangal na rin ang aking paypay. Mas mabubusog ang kanilang mga matang may munting muta kapag nakita nila na humiwalay ang paypay, at namamahinga sa sampayan. Zharot!
Kasalukuyan akong nag-iihaw ng binili ni Alfred ng liempo sa palengke. Si lola Sita ang nag marinade nito kanina, si Monalya naman ay kasalukuyang nagtitiklop ng binilad sa ilalim ng punong santol. Si Alfred, ayon… hindi ko alam kung anong ginagawa. Hindi naman siya nakikita ng aking mga mata, paniniwalain ko nalang ang isipan ko na tumatae siya sa tabing ilong kahit hindi naman ito totoo.
Walang pagtataka ang dapat mabuo. Naniniwala ako na malaki ang kinita niya ngayon sa pangingisda dahil may extra means siya to provide ulam for our dinner tonight. Sharing your blessings to your loved-ones is indeed a grateful act because you have been blessed by the world.
Minsan, ang daming signs sa paligid, whenever you feel that you are losing fire of hope to continue striving in life, always remember that the fire in front of me now, isn’t always in the highest mode, there are times that it reached its lowest point, that comes the time you need the help of external factors, yet assistance should come from great self-actualization. I, therefore, conclude that life is like waves, you should like light as it travels fastest than sound. Zhariz.
Biniling ko na ang liempo, sa pagbiling na ginawa, it somehow imparts me na minsan hindi mo kailangan mag-stay sa specific situation, kapag nakuha mo na iyong enough things needed for you to grow, at kapag sobra na iyong binibigay sa iyo ng pagkakataon at hindi mo na ito kailangan sa buhay mo at napapaso ka na, you need to move forward, and find shelter where you can feel home. Hindi ka puno, tao ka kaya’t may kakayahan kang umalis sa isang sitwasyon na hindi ka na masaya.
For the sad ang ferson for tudiz vidyow. Nangungulila lang ang sarili ko sa mga thoughts na hindi ko nabibigyang halaga dahil sa ingay na mayroon ang mundo. Even if you have many circles, ako, naniniwala ako na kahit may partner tayo, we must have that alone time where we assess things that are circling around our life. Ako, wala naman akong jowa, chismosa lang talaga ang mima niyo kaya’t mas madalang pa sa kulangkot, tartar, at libag ni Monalya na magkaroon ako ng alone time.
“Mukhang okay na iyan?” Nagsalita ang lalaking dahilan kung bakit nagluluto ako ngayon. Standing beside me is the man who spent his own money just for us to have get-together tonight. My nose can smell his ka-freshan. Tama nga ako sa akala ko, hindi siya tumae sa tabing ilog kung hindi naligo siya there.
“Bango, mukhang may po-pormahan tayo ngayong gabi, ah?” ang sagot ko sa kaniya. “Hindi ko ‘to titigilan Alfred hangga’t hindi lumalupaypay sa pagod ang aking mga paypay,” ang dagdag ko pa.
Mas masarap kasi kapag super luto ang karne. Kung maaari nga lang, tatlong sessions ang gawin ko rito. Ang una ay ang pagpapakulo with marinade. Second, pag-iihaw then, pang-huling phase ang pagpipirito. Hindi na kami nakakain dahil sa dami kong kaartehang naiisip.
Tinapik ako nito sa balikat ko. Maharan lang ito kaya’t hindi ako nasaktan. Wala siyang karapatan na saktan ako, charot. “Hindi naman ako maarte sa pagkain. Kahit nga hindi luto ‘yan ay kakainin ko,” ang wika ni Alfred. Kumuha siya ng panggatong dahil napansin din nito na pagupo na ang apoy. Sakto lang ang kinuha niya dahil ilan sandali lang naman, maluluto na rin ito.
Nang makakuha siya ay tumabi siya sa pagkaka-upo ko. Siniko pa ako ng loko ngunit alam ko na ito lamang ay isa sa paraan niya ng paglalambing. “Sino kaya ang mas masarap sa amin? Iyong liempo or ako?” Ngumisi siya kaya’t nasapok ko siya ng Tong.
“Aray, dahan-dahan lang sa paghampas at baka magkasugat ang guwapo kong mukha, ” ang daing nito saka hinimas ang noo ko.
“Huwag ka kasing ganiyan. Alam mo naman na may ginagawa ako rito e. Mamaya, ikaw na ang maiihaw ko,” ang galit kong sermon saka siya dinilaan na parang bata. Kaka-toothbrush ko lang kasi kaya’t nais ko ring ipa-amoy sa kaniya ang busilak na hatid ng hininga ko. Naniniwala ako na ito ay isa sa pinakamabagong bulaklak na may halimuyak ng exotic na bulaklak.
“Maiihaw sa pagmamahal?” nakangisi niyang tanong at saka naman kumindad pa sa akin. Para sa pagsusuri ko, hindi sa kaniya nababagay ang kumindad dahil mukha siyang kirat na walang ulirat. Charis. Maloko si Alfred ngayon, hindi ako si Monalya upang kiligin sa kaniya kaya’t iripan ko nalang ito, itinuon ang aking pansin sa pag-iihaw.
“Tapos na mhieng mag-tiklop ng mga pekpek shorts at ng mga baby bra ni Monie!”
Dahil sa lakas ng boses ni Monalya ay napalingon kami sa kaniya. Bagong ligo ang akla at nakasuot na naman ng panibagong floral dress. Naka-sandals pa, akala mo ay pupunta sa isang fancy restaurant pero ang tanging gagawin lang naman ay makakainom ng tubig.
Dahan-dahan siyang umupo sa silyang katabi namin ni Alfred, at maingat na inangat ang puwetan at kinupot ang tela ng kaniyang suot na dress.
“Hindi ako nagsusuot ng lukot, alam mo iyan,” ang salita ko.
“Tinake note ko iyon kaya nga ginalingan ko sa pagtitiklop at nag-enroll pa ako sa mga online courses sa internet, just to serve well my master,” ang hayag naman ni Monalya. “Hindi pa ba luto iyan? Hindi ba’t parang sunog na?” ang tanong niya nang makita ang ulam na niluluto ko.
“Hindi pa mhie, tomjones ka na ba? Dahons are available everywhere, you can freely eat them,” ang wika ko.
“Sandali, maiwan ko muna kayo dito’t kukuha lang ako ng dahon ng saging.” Tumayo si Alfred sa pagkakaupo’t upang lisanin ang diskusyon. Nai-intimidate lang siya sa kagandahan ni Monalya, at kailangan niya munang dumistansya to release some tensions.
“Okay Alfred, ingat ka pi,” ang sabi ko rito. Hindi pa pala siya nakakuha ng dahon ng saging. Sabagay, kung kumuha siya kanina pa, baka nalanta na ito ngayon pa lang.
“Lola Sita is here na rin. Handa na siguro ang lamesang pagkakainin, at ang sinaing.” Napalingon ako sa harapan ko’t nakita ko nga roon si lola Sita. Naglalakad siya papalapit sa amin. Nakangiti’t inaalalayan siya ng kaniyang tungkod na yari sa pinong kahoy ng narra. Kapag ito ay ginamit na pang-hampas sa iyo, sigurado ako na dapat kang dalhin sa isang ortho-clinic.
“Malayo pa lang ako’y naaamoy ko na ang bango ng ating ulam ngayong gabi,” ang wika ng aming ugat.
“True lola! Masarap ito kaso nga lang ay may boundaries ka sa dami ng kailangan mong kainin. Baka tumaas ang high blood po,” ang sagot ko. Biniling ko ang parteng nakasalang sa apoy at nakita kong luto na ito. “Keri na pala itey!” Bahagyang humangin kaya’t naamoy ko ang halimuyak ng niluto ko, naghatid ito sa akin ng pagkagutom.
“Attack na!” I excitedly said!
“Nasaan nga pala si Alfred?” ang tanong ni lola Sita. Ang pag-alis kasi ng binata ang siyang pagdating naman ng matanda.
“Lola, kumuha ng dahon ng saging, boodle fight tayo ngayon,” ang sagot ko kay Lola. Ang energy saver kaya ng boodle fight. After niyong kumain, hindi na kailangan pang maghugas ng pinagkainan dahil ang mga ginamit nila ay ready to tapon na. Ayusin lang ang pagtatapon dahil baka makasira lang siya sa environment, dahon naman is nabubulok kaya’t i-segregate lang siya sa mga plastik na gagamitin.
“Halika’t dalhin na natin iyan sa mesa upang makapagsimula na tayo,” ang sabi ni Lola. Tinulungan ako ni Monalya sa bitbitin. Bago ako sumunod sa kanila, kumuha ako ng tubig at binuhusan ang apoy. Wiz namin magagamit ang powers namin at hindi pa naman kami nakakapag-joining.
“Tatawagin ko lang si Alfred, ang tagal naman niyang makabalik,” ang presinta ko. Sa likod lang naman ng kubo siya kumuha ngunit baka naligaw at sa Korean na siya napadpad. Papunta na ako sa kaniya ngunit sakto naman at nakasalubong ko siya.
“Ang tagal mo naman. Saan ka ba kumuha?” Nagulat pa siya sa akin dahil bigla na akong sumulpot.
“Wala kasi akong makita na malapad na dahon,” ang dahilan nito. Hindi ko na siya kinulit dahil mas makulit ang mga alaga ko sa tiyan--- gutom na gutom na rin ang mga ito. Kinuha ko sa kaniya ang isang dahon. Nagpasalamat ito sa akin, sabay na kaming tumungo pabalik sa mesa kung saan naroroon ang dalawa.
Napansin ko sa short ni Alfred ang maliit na patak ng dugo. ‘Ano kayang nangyari sa kaniya?’